chapter 7 ( expectations)

103 1 1
                                    

A/N: GUYS MAY SABIHIN LANG AKO NGSUGGEST YUNG MGA FRIENDS KO NA BAGUHIN KO YUNG TITLE NG STORY KO SO INFORM KO LANG KAYO NA BINAGO KO YUNG TITLE NITO KAYA YUNG IBA NA MAGWOWONDER KUNG BAKIT AYAN YUNG REASON :] 2 UPDATES SA ARAW NA ITO TAPOS MATATAGALAN NA ULET AHAHA :]

yung girl sa gilid si KATHERINE KATH FOR SHORT

Don't trust too much. Don't love too much. Don't hope too much. Because that simple TOO MUCH can HURT you SO MUCH.

expectation siguro nga yan yung unang pumasok sa isip ko nung narinig ko yung sinabe niya 

kahit naman siguro sino mageexpect e kahit siguro ikaw kung marinig mo yun sa kanya at super close kayong dalawa

hindi mo maiiwasan na magexpect na ikaw yung tinutukoy niya e 

"i want to court someone" that's the exact words na sinabi niya dun sa lunch date namen

diba kayo ba masisi niyo ba ko kung mageexpect ako na ako yung gusto niya ligawan hindi naman diba?

after that day ayon lage namen pinaguusapan kung ano bang gusto ng isang babae. ako naman sabe lang ng sabe sa kanya ng mga ganito ganyan basta i'll make sure na magugustuhan yun ng isang girl. if you're asking me kung yung magugustuha ko ba. i'll answer your question na taas noo oo aaminin ko yung mga binibigay ko sa kanyang mga payo and those things that a girl would want to have sa isang manliligaw niya is definietly yung bagay na gusto kong ibigay at gawin niya sa akin.

one thing na naging dahilan ng pageexpect ko is sinabi niya sa akin na kaparehong kapareho ko daw yung gusto niyang ligawan kaya saken niya napiling magtanong. diba kayo kayang sabihan niyan hindi ba kayo mag aasume? as if na hindi ang magiging sagot niyo e pare pareho naman nating alam na kapag gusto niyo ang isang tao mga assumera kayo ahaha

pero kung tatanungin niyo ko ngayon kung may ginawa na ba siyang move. 

ikinalulungkot kong sabihin na wala pa. yeah tama kayo wala pa never pa siyang nagtanong na pwede ba siyang manligaw o whatever hindi din niya sinasabi kung sino yung girl. basta he continious to ask ng mga payo, things na pwedeng ibigay. nalulungkot tuloy ako

"hey V" ay otso nueve dyis nakakagulat naman to si dereck. kitang nageemote ako e

andito nga pala ko sa gilid ng hall na to. nagtataka siguro kayo no. may party kasi sa kanila and halata naman na invited ako. nageemote lang ako dito sa sulok hindi ko lang feel makisalamuha sa iba. may iniisip den kasi ako e.

"yow wazzup D" ahaha wala lang gusto ko lang siyang tawagin ng D ang haba kasi ng dereck e

nagulat na lang ako nung niyakap niya ko bigla. men kinikilig ako ikaw ba naman yakapin ng mukhang prinsipe na to e . lord sana huminto yung oras kahit 12 hours lang pls.

kaya lang tinangal niya e.

"ay sori V" sabi niya na napakamot pa sa ulo niya. he looks cute kapag ginagawa niya yun

"so what's with the happy face and the hug thing? mukhang good mood tayo ah" pangugulet ko sa kanya . nagblush naman siya. men ngayon ko na lang ulet siya nakitang magblush. hmm i know there is something na gusto niyang sabihin nahihiya lang to.

hindi siya sumagot kaya lalo akong nagwonder na meron siyang gustong sabihin pero nahihiya talaga siya

"spill it D baka abuten tayo ng kinabukasan dito dahil dyan sa bagay na gusto mong sabihih" pagtataray ko na mukhang tumalab naman kasi napaseryoso siya ng mukha. 

"errr what's with the look mukha kong may kaharap na business man dahil dyan sa face mo" natetense sita sa kanya ang seryoso niya kasi e nakakatakot

bigla siyang ngumiti at niyakap na naman ako. sige pakiligin mo pa ko teeeeeeeehhhhhhh

"V thanks talaga super thank you! iloveyou talaga" nagulat naman ako sa kanya i love you daw pwede bang mag i love you too? aissh maya na nga ang day dreaming. kaya inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at tumingin ng seryose sa kanya.

"what's with the thank you and i love you thing na sinasabi mo D?" tanong ko sa kanya na tinatago yung kilig 

bigla na naman siyang namula at parang batang hindi mapatae. nairita naman ako sa kinikilos niya pa biten effect kasi 

"hey D stop it mukha kang hindi mapatae dyan" sita ko sa kanya

"sori V, ok sasabihin ko na" sersoyo niyang sabi. tumango naman ako para mag continue siya sa gusto niyang sabihin

"ahmmm thank you dun sa mga payo mo sakin about sa panliligaw" men bakit ako kinabahan bigla sa sinabi niya

"ahmm thank kasi dahil sayo nalaman ko yung dapat gawin at ibigay ng isang guy kapag nanliligaw" men ano bang sinasabi niya i can't get it kaya suminget na ko

"hey D do you mind if you just get it to the point kasi honestly wala akong maintindihan" naiirita na talaga ko

"ah sori gusto ko lang talagang mag thank you and ...." nagblush ulit siya

"AND .......?" dugtong ko

"salamat kasi dahil sayo kame na" niyakap niya ulet ako. kaya hindi masyadong nagsink in sa utak ko yung sinabe niya.

wait anong sabe niya ? kame na? nino? 

"ahmm D hindi ako makahinga" pagdadahilan ko para bitiwan niya na ko

"ahmm sori" hiya niyang sagot.

"ano nga ulet yung sinabe mo?" gusto kong ulitin niya baka kasi nagkamali lang ako ng dinig

"ah kame na ni KATH" nung sinabi niya yun makikita mo sa mata niya kung gano siya kasaya. Yung saya na kahit kailan hindi ko pa nakita nung mga panahon na kasama ko siya. Yung saya na alam ko na hindi ko nagawang ibigay sa kanya. Yung mga mata niya na nagsasabi na ang saya ko gusto kong isigaw yan sa buong mundo. ang sakit lang talaga kaya wala kong masabi kundi

"congrats"

yan lang yung nasabi ko sa kanya. wala naman ako magagawa kasi dun siya masaya at alam ko yun. wala den naman akong karapatan na magalit kase hinde naman kame at lalong hinde naman niya ako pinaasa. sana lang kagaya ng pagbasa ko sa mata niya makita niya den sa mga mata ko yung totoong nararamdaman ko kasi kung malalaman niya lang yung nararamdaman ko siguro hindi siya ngingit ng ganito sa harap ko. siguro magagawa niya kong tanungin kung ok lang ba ako. pero hindi e parang meron siyang sariling mundo na hindi niya nakikita o kaya nararamdaman kahit papano na may isang taong nasasaktan dahil sa sinabi niya. 

"ahm thanks V , iwan muna kita puntahan ko lang si kath" nakangiti niyang sagot. gusto ko siyang sigawan at sabihing pwede tigilan mo ko sa kakangite mo. nasasaktan ako e. pero nde ko naman magawa kaya tumango nalang ako at yun umalis na siya.

Nagulat nalang ako nung naramdaman ko na may tubig na pababa sa pisngi ko.

I expect a lot from him pero nabigo ako. Tama nga yung sinasabi nila fairy tales do end at 12. nabigla den ako na mapatingin ako sa relo ko. Tapos na ba talaga yung fairy tale nameng dalawa? pano na yung happy ending na pinapangarap ko? mawawalan nalang ba ng saysay yung mga expectations ko? hays isa lang ngayon ang alam ko

" I expect too much from him and that too much is now hurting me so much." T.T

OUR'S creating our own happily ever afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon