Chapter 11 (gone with the wind)

111 1 3
                                    

Chapter 11 (gone with the wind)

V’s POV

Ang tagal na din pala simula nung nakilala ko si D.

Una akala ko hindi ko siya makakasundo

Pero sino bang mag aakala na ngayon bestfriend ko na siya.

Yeah friend, kaibigan, companion whatever na gusto niyong itawag

Kahit masakit wala kong magagawa kasi yun lang ang tingin niya saken

Isang lang naman kasi akong KAIBIGAN

Sabi nga ni JUAN

ang KAIBIGAN

ang Pinaka masakit na salita na pwedeng itawag sayo ng taong mahal mo.

Kung pwede ko lang sanang paghiwalayin ang dalawang salitang yun para maging KA IBIGAN gagawen ko pero sino nga ba naman ako isa lang naman akong hamak na KAIBIGAN.

Hays kaya ayaw kong natutulala e kasi naiisip ko lang siya

Hobby ko na to simula nung nakilala ko siya

Ewan ko ba naman kasi kung asan yung mga kaibigan ko at mag-isa ko dito sa garden ng school

Wala kong magawa tss

Gusto ko pa naman pagtripan ulet si Kath

Ahaha priceless talaga yung itsura niya nung isang araw.

“V” sabi ng isang pamilyar na boses ang tumawag saken. Hindi ako pwedeng magkamali si Dereck yun. Nakabalik na pala siya.

Ang gwapo niya pa ren talaga. Pero may kakaiba sa kanya.

“bakit D?” V

“anong ginawa mo sa girlfriend ko?!” halata mong galit siya kahit ang hinahon ng boses niya

“huh? Wala naman akong ginawa sa gf mo” pagdedeny ko

“V nawala lang ako saglit pero hindi ibig sabihin non hinde ko na malalaman lahat ng ngyayare habang wala ako.” Dereck

“I don’t get you wala nga kong ginawa sa gf mo!” galit kong sagot kay D

“We both know na ikaw lang ang may kayang gumawa nun, walang ni isang estudyante dito na may lakas ng loob na gumawa ng ganung klaseng prank V alam kong alam mo yan.” Sagot ni D pero halata mo na nacocompose niya pa den ang sarili niya kahit galit siya

“so now you’re accusing me huh kagaya ng ginawa ng gf mo nung nakaraan.” Mariin kong sagot sa kanya

“hindi kita inaakusahan V, alam mong kilala kita kasi bestfriend kita. Ang hindi ko lang maintindihan bakit sa girlfriend ko pa. Bakit V?” malumanay niyang sabi

“No D hindi ako ang may gawa nun sa girlfriend mo!” matigas kong sagot

“V kaibigan kita pero bakit mo nagagawa saken to. Hinuli ko yung gumawa nun at alam mo ba ang sabi niya itanong ko daw sayo kung sino ang naguutos nun sa kanila. Kaibigan kita pero alam mong mali to, nagawa mo pang magsinungaling saken. Kung nabobored ka naiintindihan naman kita kung mantitrip ka ng mga tao diyan. Ang hindi ko lang mainitindihan e bakit yung girlfriend ko pa?! Alam mo naman na mahal na mahal ko si Kath kaya ayaw ko siyang napapahamak pero ano to ikaw na mismong bestfriend ko pa ang gumagawa ng mga bagay na makakasakit sa kanya. It’s hard for me to say this pero sa tingin ko hindi pa kita ganun kakilala. I guess hanggang dito nalang yung pagkakaibigan naten. Mahalaga ka saken pero mas mahalaga si Kath. hindi ko kayang nasasaktan siya lalo na kung ikaw ang dahilan. Please lang

Tigilan mo na siya. Kasi pag nasaktan pa ulet siya ako na mismo ang makakaaway mo!” kita mo sa mga mata niya ang galit sa mga sinabi niya

Hindi ko akalain na mas paniniwalaan niya ang babaeng yun

Hahah sino nga ba naman ako isang KAIBIGAN LANG

“Hindi ko akalain na masasabi mo yan. Pero sige kung yan ang gusto mo wala kong magagawa. KAIBIGAN MO LANG NAMAN KASI AKO. Sana lang hindi ka magsisi na mas pinili mo si Kath kaysa sa aken. Bye D”

“Hindi ako magsisi V alam kong nasa tama ako. Sana lang wag mo na siyang gagalawin. Bye” D

Yun lang at umalis na siya

Siguro nga ganun niya kamahal si Kath na kahit ano handa niyang iwan para lang masiguro na ok ang babaeng yun

She’s one lucky bitch huh

Nababaliw na ko ang sakit lang

Kasi ako na yung nagmalasakit

Ako na yung gumanti para sa kanya

Pero sa hule ako pa den yung nagmukhang masama.

Bakit ba kase naging KAIBIGAN LANG AKO?

Bakit sobrang dali lang sa kanya na bitawan ang pagkakaibigan namen

Selfish nga talaga ang pagmamahal

Kasi ok lang na makasakit ka ng iba wag ka lang masaktan

Ok lang masaktan ang iba basta masigurado mong ok lang ang taong mahal mo.

Ok sana kung ako yung mahal niya e

Kahit selfish pa ok lang pero hindi e kasi

Hindi ako yung MAHAL NIYA

Hindi ako yung BIDA sa story na ginawa niya

Hindi ako yung kasama niya sa HAPPILY EVER AFTER ng kwento niya

Ang masakit I’M JUST A FRIEND. NOTHING MORE NOTHING LESS.

 A/N: SINIPAG SI AKO KAYA MAY UPDATE HEHE :">

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OUR'S creating our own happily ever afterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon