7: Bae

167 3 0
                                    



"Hala! Ka daga na nimo Khayla oy" bungad ni tita Marifaye ng pumasok kami sa bahay. (Hala! Nagdadalaga ka na Khayla)


Kakarating palang namin sa Cebu at parang isang dosena ng pamilya ko ang sumalubong sa amin. Para kaming artista na linapitan na milyong tao.


Nandito kami sa mansion ni tita Marifaye dito sa Cebu city. Dito rin kami magstay para hindi magastos.


"Thanks po tita"

"Aysa Khay ha" (sandali mo na Khay) umalis si tita at iniwan kami magbarkada sa sala


Linibot ko ang paningin sa kabuuhan ng bahay. Ganun pa rin gaya ng dati.

Maputi ang kulay ng bahay at nagmatch ito sa antique na furnitures. May tatlong palapag ito at anim na kwarto. My swimming pool rin sa labas at sa underground naman nito ay disco room, billiard at saka spa.

Napatingin ako sa mga kuya na naglagay sa aming bag  sa kwarto. Anim rin sila kasama na rin ang apat na kasambahay na nilinisan ang kwarto namin. Bale dalawang kwarto ang gagamitin namin. Para sa aming girls at sa boys na rin. Mahirap na kung mag-iisa kami mg kwarto. Baka kinabukasan, may mabubuntis.


Tumayo ako at linapitan ang antique piano. May nakapatong na frames dun kaya linapitan ko yun at tiningnan.

May picture ako dun kasama si kuya Kiel at Cara. Malapad ang ngiti ko habang nakaakbay sa kanila. Si kuya Kiel naman pinakita ang mga nawawala niyang ngipin. Si Cara naman nahihiyang ngumiti. Maikli pa ang buhok niya sa picture.

Sa sunod picture ay sina tita Marifaye kasama si mama at tita Ara. Magkapatid si tita Marifaye at mama. Bestfriend naman nila si tita Ara.

"Khay? Akyat muna kami ah?" Usal ni Izzy


Napatingin ako sakanila na humihikab kaya pinauna ko sila. Nagpaiwan muna ako dito sa baba dahil hindi ako inaantok. Buong byahe kasi ako  natulog kaya energetic ako ngayon.

Tumingin ulit ako sa pictures. Muntik na nahulog ang isang picture frame dahil naitulak ko na di sinasadya.

"Jusko! Pano nalang kung nabasag ito." Relief kong sabi na nahawakan ko ang frame.

Pinatayo ko ang frame at pinagmasdan ang picture doon. Si tita Marifaye kasama ang isang lalake na naka soldier attire. Matamis ang ngiti nila sa isa't isa.

Tintitigan ko ang lalake at laking gulat ko na parang pamilyar ang mukha niya

Parang si Crein.

Ang mata nila, ang ilong at ang labi. Pareho talaga pero mas matanda siya kunpara kay Crein.

Sino kaya 'to?

"Khayla?"

Napatalon ako sa gulat nang mag tumawag sa akin mula sa likod. I turned to face tita Marifaye.

"Tita?" Lumapit ako sakanya

Sumilip siya sa aking likuran at nginitia ako. "Wala" iniling miya ang ulo niya.

"Taasa na nimo Khay oy, sauna sa hawak ra ka nako" (ang tangkad mo na Khay, noon nga ika'y nasa bewang ko lang) tita pats my head kaya bahagya akong yumuko.

"Sandali lang" umalis ulit si tita at pumunta sa kusina

Napatingin ulit ako sa pictures na nakapatong sa selda ng piano pero isa lang ang nakapukaw ng aking atensyon.

Forever is just a WordWhere stories live. Discover now