Chapter 2

120 6 0
                                    

Alissa Keira Jung

--------

Keira's POV

"Nay!Nay!" Tawag ko kay Nanay dahil kakagaling ko lang galing sa palengke,bumili lang ako ng gamit ko para bukas.


"Oh Keira andito kana pala! Kamusta na yung pagpunta mo ng palengke? Nagkulang ba yung binigay kong pera pambili ng gamit mo sa paaralan?"


Tanong sakin ni Inay. Hayst! Naalala ko nanaman na kailangan ko palang lumipat ng paaralan sa Maynila.Paano ba naman kase yung kaibigan ni Inay na si Madam Lea natipuhang pag-aralin ako kase hindi na ako kayang pag-aralin ni Inay.Kapos kasi kami sa buhay at wala na si Itay na tanging tumutulong lang kay Inay, kaya heto ako napilitang sumangayon kay Madam Lea tska para na rin siguro to sa kinabukasan ko at ni Kevin.Dalawa lang kaming magkapatid pero di talaga kami kayang pag-aralin.


"Oh Keira anak malungkot ka nanaman?" Nabalik ako sa pag-iisip ng magsalita si Inay.


"Inay kailangan ba talagang lumipat pako sa Maynila para makapag-aral lang?Pwede namang dito nalang ako tska tutulungan ko kayo na magtinda ng Puto dito sa Probinsya"


"Anak alam mo namang ang Edukasyon lang ang kaya kong ipamana sa Inyo ni Kevin, alam mo namang mahirap lang tayo diba? Kaya sige na anak para sa ikabubuti nyo rin naman ito eh"


"P-pero I-inay hindi ko kayang wala kayo ni Kevin sa tabi ko. Di ko kayang hindi kayo m-makasama buong m-magdamag"

Wala na tuluyan na akong Naiyak. Totoo naman kase eh isang araw nga lang noon na umalis si Inay at si Kevin dahil pumunta sila Kay Tiya Lorie miss ko na agad sila eto pa kayang isang taon ko silang di makikita.

"Tahan na anak.Dadalawin ka rin naman namin doon eh,Tsaka ayaw mo nun makakakita kana ng malalaking buildings doon tska makakakain kana ng masasarap na pagkain hindi tulad dito na puro Tuyo nalang palagi ang ulam"

Sabi ni Inay, kahit naka ngiti sya kita parin sa mga mata nya na nalulungkot din sya dahil aalis nako ng bahay bukas.

"Sige na anak ihanda mo na lahat ng dadalhin mo para bukas maaga kang susunduin ni Madam Lea rito" sabi ni Inay kaya sinunod ko na sya.Kahit na labag itong gagawin ko para sakin itutuloy ko parin kung kapalit naman nito ay ang magandang kinabukasan namin ni Kevin.

----

Kinabukasan.

"Anak! Anak! Uy Keira gumising kana dyan andito na si Madam Lea bumangon kana't mag-ayos ng sarili mo"

Hmmm..Ang aga namang dumating ni Madam Lea di panga ako handa eh.Kagabi ko pa hinahanda ang sarili ko pero diko parin kaya.

"Nay sobrang aga naman yatang dumating ni Madam Lea" sabi ko habang humihikab pa.

"Anong maaga pa? Eh alas otso na kaya ng umaga!"

"Tsk.Osya Nay sige na mag-aayos nako" sabi ko at dumiretso nako ng banyo upang maligo.

Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala no? Ako nga pala si Alissa Keira Jung 15 palang ako pero ako na ang tumutulong kay Inay. Wala na kase si Itay eh pumanaw sya noong 7 palang ako dahil sa isang aksindente habang nangingisda si Itay.Nang matapos na ako lumabas na ako ng sala dahil nakakahiya naman kay Madam Lea kung paghihintayin ko pa sya.

"Keira Iha ready kana ba?" Tanong sa akin ni Madam Lea at tanging pagtango lang ang naisagot ko.

"Iha alam kong mamimiss mo ang Inay at kapatid mo pero sure din akong magugustuhan mo sa Maynila at sa new School mo" sabi ulit ni Madam Lea sa akin habang nakangiti pa sya alam ko namang pinapalakas nya lang ang loob ko eh.

"Sige na Nay aalis na kami ni Madam Lea magingat kayo dito ah pag may oras ako dadalawin ko kayo at padadalhan ko kayo ng pera kapag may trabaho akong nakuha doon at ikaw Kevin umayos ka wag ka munang mag girlfriend ah 10 ka palang tsaka wag kang magpapasaway ah pag yan nalaman kong may ginawa kang di maganda malilintikan ka sakin"Paalala ko kay Inay at Kevin

"Nako Ate hinding-hindi ako magpapasaway kay Inay tska ate pwede bang Crush lang?" Medyo napantig ang tenga ko sa narinig kong sinabi ni Kevin.

"Ano? Crush? Sinasabi ko sayo Kevin ah umayos ka pati Crush Bawal"

"Ano ba naman yan ate pati pagkakaroon ng Crush bawal na.hmmp!"

"Osya.Osya tumigil na kayong dalawa nakakahiya na kay Madam Lea kung mag aaway pa kayo" sabi ni Inay habang pinapatigil kami.

"Sige na Inay aalis nako. Magingat kayo rito ah" sabi ko at niyakap ko silang dalawa at sumakay nako sa Kotse ni Madam Lea.

----

Andito na kami ni Madam Lea sa Kotse na halos 3 oras na kaming bumabyahe papuntang Maynila.Sa sobrang tagal ng byahe nakatulog na si Miss Lea.

"Manong Driver matagal pa ba tayo? Tanong ko kay kuya dahil kanina pa kami bumabyahe. Ngayon palang ako pupunta sa Maynila kaya hindi ko pa alam kung ilang oras ang byahe mula sa amin hanggang sa Maynila.

" Mga 30 minutes nalang po Nasa Maynila na tayo"

"Ah sige kuya salamat" sabi ko nalang at nagmuni muni muna ako.Tinitignan ko ang mga dinadaanan namin hanggang sa may natanaw ako.May isang lalaki na nakajacket na itim ang nakatingin sa akin.Kahit na nasa kotse ako at malayo sya sa akin alam kong nakatingin sya sakin at alam kong nakangiti sya sa akin ng kakaiba.

----














AlmadeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon