Chapter 3

91 6 0
                                    

Ellie Merideth Lee
----

Ellie's POV.

"Hoy Ellie!Gumising ka nga dyan Anong oras na oh! Bibilhan mo pako ng gamit ko para bukas!"

Hayst.Kagigising ko lang si Ate agad yung bumungad sakin.

"Ate naman eh.Pwede namang ikaw nalang bumili ng school supplies mo para bukas"

"Tigil-tigilan mo nga ako Ellie! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na hindi mo ako Ate at hindi kita kapatid at tska makikipag meet ako sa mga Friends ko"

Pasigaw nyang sabi sakin.Alam ko namang ampon lang ako pero di naman nila kailangan ipamukha sakin iyon. Alam kong ampon lang ako dahil una palang iba na ang pakitungo sakin nila Mama at Papa lalong-lalo na si Ate.

"Opo eto na ate.Maliligo nako" Sabi ko at tatayo na sana pero nagsalita ulit sya't naglakad papunta sa akin.

"Nga pala Ellie since pasukan nanaman bukas. alam mo ng gagawin mo ah! Wag na wag kang lalapit sakin kung ayaw mong mapahiya nanaman"

Naalala ko nanaman yung nangyari nakaraang taon, mas lalo akong pinahiya ni Ate nung lumapit ako sa kanya para humingi ng tulong dahil napagtripan ako ng mga lalaki sa Higher Levels.Hayst ganto naman taon-taon eh lagi akong pinapaalalahan ni Ate dahil ayaw daw nyang may makaalam na magkapatid kami kase ampon lang ako at ibang-iba ako sakanya.

"Opo ate. Nga pala ate yung Pera pambili ng Gamit mo?" Tanong ko sakanya.

"Oh? Bat ka nanghihingi sa akin? Tanga kaba? malamang pera mo yung Gamitin mo!"

"Pero Ate wala akong Pera.Itong pera ko pambili ko lang ito ng Gamit ko para bukas"

Sabi ko sa kanya, san naman kaya ako makakakuha ng pera pambili ng gamit nya? Eh 1000 lang tong dadalhin ko.

"Oh? Kasalanan ko bang wala kang pera?Edi Maghanap ka hindi yung puro bunganga mo lang yang pinapairal mo!.Nga pala gusto ko color pink at mamahalin lahat ng gamit ko ah, ayoko ng mumurahin lang."

"S-sige m-manghihingi nalang ako kay Papa ng Pera A-Ate"

"Huh? As if bibigyan ka ni Daddy!" Sabi nya sakin at lumabas ng kwarto ko kaya sinimulan ko ng mag-ayos.

.....

Tok tok tok....

"Papa---"

"Anong kailangan mo?Kung wala kang magandang sasabihin lumayas ka rito at baka maihampas ko sayo tong dyaryong hawak ko"

Diko pa nga naitutuloy sasabihin ko alam na kaagad nya at napagalitan nako.Hayst,saan kaya ako kukuha ng pera neto ngayon?

"S-sorry po" Iyon nalang nasabi ko at lumabas nako ng kwarto nya dahil baka pag tumagal pako doon may mas malalang masasakit na salita pa ang makuha ko.Makaalis na nga para maaga akong makauwi.

....

At Mall .....

Habang naglalakad ako dito sa Mall may nakita akong isang damit na napakaganda,Gusto ko mang bilhin yun pero hindi pwede dahil una,di ako nagsusuot ng ganyang damit.Pangalawa dahil kulang ang pera ko at Pangatlo kung bibilhin ko man yun kay ate lang mapupunta dahil mahilig sya sa mga ganyang damit.Di pa nga pala ako nakakapagpakilala no? Ako nga pala si Ellie Merideth Lee pure Korean daw ako sabi ni Mama dahil ibinigay lang daw ako ng tunay kong mga magulang sa kanila.15 palang ako at mas matanda sakin si Ate ng isang taon lang. Sya nga pala si Joanna Dawn Rivera at oo apelyido ng totoo kong tatay ang gamit ko.Sa sobrang pag-lalakad ko bigla akong nakaramdam ng gutom.Dahil nga sa Hindi kasya ang perang dala ko binilisan ko nalang at dumeretso na sa Bookstore.

---

At BookStore....

Anu bayan wala namang ibinigay sa akin si Ate na listahan ng mga bibilhing gamit nya ang hirap tuloy pumili buti sakin madali lang kase di naman ako maarte sa gamit ko eh kay ate gusto nya yung mamahalin pa.Tsk.

Uunahin ko nga muna yung akin since napagplanuhan ko naman na kahapon kung ano yung mga bibilhin ko.After 30 minutes siguro natapos ko ng kunin yung mga gagamitin ko,Hindi nako bibili ng bag kase ayos pa naman yung bag ko nung nakaraang taon.So eto na kay Ate na yung kukunin ko sana naman hindi ganoong kamahal yung magiging total ng lahat ng to.

"Wow Bessy ang cute naman ng notebook na to oh!Tigan mo color pink sya" Girl 1.

"Omgggg!!!Oo nga bessy super cute nya.Gusto kong bumili neto" Girl 2.

May narinig akong mga babae sa Kanan ko na pinaguusapan yung notebook na hawak nila.Parang gusto ko ring makita kaya nilapitan ko.

"Uhm? Miss P-pwedeng patingin rin ako?" Tanong ko sa isang babae kahit na may possibility na tarayan nila ako.

"Uh? Hmm.Sige pero ibalik mo sa akin ah! Bibilhin ko na kase" sabi nya habang nakatingin at nakangiti sakin.

"S-salamat" Sabi ko sakanya at nung hawak ko na namangha ako dahil sobrang ganda talaga nya.Nung tinignan ko yung notebook nagulat ako dahil 100 isa kaya ibinalik ko kagaad sa kanila.

"Uhm? Hehe Eto na oh! Ang mahal pala salamat ulit" Sabi ko at umalis na sakanila at ipinagpatuloy na ang pamimili ko ng gamit ni ate. Inabot ako ng 1 hour sa pamimili ng gamit palang ni Ate dahil pinagisipan ko ba bawat gamit na makukuha ko dahil ang mamahal talaga.Andito na ako ngayon sa Counter para magbayad.

"Mam 1,500 po lahat" sabi nya at tanging paglunok nalang ng laway ang nagawa ko dahil nakulangan ako sa pera.

"H-hala Uhm? Miss uhm? Kase? Kulang ng 500 e-etong pera ko" sabi ko nalang habang nakayuko.

"Aba Miss umalis ka nalang dito kung hindi mo ito kayang bayaran lahat" may pagkainis na boses nyang sabi sa akin.

"Pero M-miss p-pwede ko bang ibalik nalang mamaya yung kulang babalik lang ako sa bahay namin"

"Aba.Miss hindi ito palengke na pwedeng tawad o dikaya ipagmamaya.Kung dimo talaga kayang bilhin to umalis kana lang ang daming nakapili sa likod oh!Baka gusto mong ipatawag pa kita sa Guard!"

Grabe si Ate sakin kala mo naman hindi ko ibabalik yung kulang na pera.Tsk.Eto yung kahinaan ko eh konting pagpapahiya lang naiiyak nako kaya para akong bata na umiiyak dito ngayon.

"Miss that's not the way how you treat your customers,you must respect them"

Nagulat ako ng may biglang nagsalitang lalaki sa tabi ko.At ang mas kinagulat ko ay ang mukha nyang sobrang cold tignan at ang pag bigay nya ng 500 sa babae.Bago sya umalis nag smirk pa sya sa akin at feeling ko huminto ang oras ng sandaling tumapat ang mukha nya sa tenga ko.

"Be Ready" ang huli nyang ibinulong sa akin.

....

AlmadeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon