Chapter 6

75 6 0
                                    

Keira's POV

Pangalawang araw ko na dito sa school at hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang nakakaramdam o pati sila pero feeling ko kase laging may nagmamatyag sakin.Tulad kahapon nung pauwi na ako sa bahay nila Madam Lea pakiramdam ko may sumusunod sa akin pero pag lilingon ako wala naman.

Kahit na nasa loob ako ng Classroom Feeling ko andyan lang sya sa tabi-tabi yung tipo na lahat ng galaw mo alam na alam nya pero may time rin na wala naman Grrr.Ayoko na ngang isipin to kinikilabutan ako.

"Magandang araw" Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko.

"U-Uh? Hello?" Tanging nasagot ko nalang dahil sa hindi naman ako palakaibigan na tao.

"Maaari ba akong makipag-kaibigan sa iyo?" Tanong nya habang nakaupo sa Upuan ng katabi kong Nerd.Nag-aalangan akong sumagot dahil sa nahihiya rin ako.

"Uhm? Sige." Sagot ko kahit na nagdadalawang isip pa ako. Ang lalim niya namang magsalita, para siyang alien. Pero napansin ko rin na puro alahas yung kamay at leeg niya. Tunay kaya yun?

"Ayesha ang aking ngalan. Ikaw? Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

"A-Alissa Keira Jung" Sabi ko ng nakayuko.Shemay di talaga ako sanay.

"Bakit tila ika'y nauutal? Wala naman akong balak paslangin ka." Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Paslangin? Nakakatakot naman siya.

"Uh?Hindi kase ako sanay na may kaibigan, lagi lang kase akong mag-isa."Ang hinhin ring magsalita nitong si Ayesha,pero bakit kahapon hindi ko naman sya napansin? Baka siguro ngayon lang sya pumasok.

"Ahh. Ganoon ba ? Ngunit magkaibigan na naman na tayo hindi ba?"

"Sor---" nahinto ako sa sasabihin ko ng bigalang nagsalita itong katabi ko sa kabila na kararating lang,Autumn yata yung pangalan eh.

"Gosh.You're so ingay it's morning palang kaya." Sabi nya at nanaray nanaman.Kelan ko kaya makikitang hindi masungit itong si Autumn ang ganda pa naman nya.

"Magandang Araw ang aking ngalan ay Ayesha ikaw? Ano ang iyong ngalan?" Nakangiting sabi netong si Ayesha kay Autumn.

"I'm not interested in you're name so shut up"Etong si Autumn parang akala mo laging my monthly period laging ang sungit.

"Bakit parang ang init yata ng iyong ulo?" Tanong ni Ayesha.Kung alam mo lang kung gaano kataray itong si Autumn Ayesha haha.

"Pakialam mo ba?" Huling sinabi ni Autumn at tuluyan ng umupo sa kanyang upuan at naglagay ng earphone sa kanyang tenga.

"Good Morning Rae" Andito napala si Rae eh.Nalaman ko lang yung pangalan nya nung nagpakilala sya kay Autumn at dahil may NamePlate sya,pero di naman sya neto pinansin.

"Ika'y naririto na pala,Magandang Araw sayo" Masiglang sabi ni Ayesha.

"P-pasensya na pero paano mo nalaman pangalan ko? Tska di kita napansin kahapon dito?" Nagtatakang tanong ni Rae kase ako rin eh hindi ko rin alam.

"Uh?Ako'y naroroon sa Unahan hindi nyo laman siguro ako napansin dahil marahil ay ang bandang iyon ay Masyadong Tago" Sabagay may point sya medyo hindi talaga kita pag dito sa likuran.

"Ah okay" Sabi ni Rae at umupo na rin sa upuan nya at tinungtong niya nanaman yung mga paa niya sa isa pang upuan.

"Ngayong nakilala niyo na ako nang lubusan, kayo  na ngayon ang mga bago kong kaibigan!" Jusme may pagkahyper din pala etong si Ayesha akala mo ngayon lang nakakita ng tao eh.

AlmadeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon