Prologue

179 3 0
                                    

"A chance for the employee to provide feedback about their employment," Mahina kong sambit habang binabasa ang file sa phone.

Napasinghap ako nang naramdaman kong umangat ang sasakyan. Napakapit ako sa seatbelt at napatingin kay Kuya, na ngayon ay marahang niliko ang manibela. He took a glance and smiled at me through the rear mirror.

"Having a hard time?" He suddenly asked. Napailing ako, at binawi ang tingin mula sa kanya.

"Okay lang naman," Maikli kong sabi.

"Then why pouting? Mukha kang pato n'yan." Mabilis akong napatingin ni Kuya, na ngayon ay tinatago ang kanyang ngiti. He even took glances at me through the rear mirror.

My brows creased from his silliness. "I haven't forgotten all of the things you did to me, Kuya. Pati na sila ate,"

Mas lalo kong tinignan ng masama si Kuya nung hindi na ito napigilan ang kanyang tawa. May pahampas pa ito sa manibela.

"Still mad? Aw, Nam..." Pinahinto nito ang sasakyan dahil sa traffic. Ilang minuto ay tumingin na ito sa akin habang suot ang malaki niyang ngiti.

"You have to accept your defeat! You have to accept that you lost and we won..." Napailing ako kay Kuya nung napansin koy nilakasan niya ang pagbigkas sa salitang panalo. He even put on his smug face!

Kahit na Kuya has become more mature and masculine because of puberty and his work, hindi nawala ang kanyang mga kalokohan at pang-aasar. Kahit na mukhang intimidating ito dahil sa kanyang height at sa dalang nitong ngumiti sa publiko, mabait naman siya sa amin at magalang.

Sa tingin ko nga, mas lumala pa ang pang-aasar nito sa akin. Wala kasing girlfriend, kaya ako pinag diskitahan.

Umayos ako ng upo dahil sa sinabi nito. "Because you tricked me! All of you cheated!"

Ibinalik nito ang tingin sa kalsada at mahinang pinaandar ang sasakyan. Matikas nitong niliko ang sasakyan sa kanan habang tiningnan ang kanyang kaliwa't kanan.

"Nah... Walang dayaan doon, Nam. Sadyang talo ka talaga sa laro at kami iyong panalo!" I can even imagine him smirking, just hearing those words. Kaya napailing ulit ako at ibinalik ang tingin sa binasa.

"Ewan ko sayo Kuya!" Sambit ko. Palihim akong ngumiti habang inaalala ang nangyari kagabi.

Kahit na natalo ako sa laro namin kagabi, masaya ako na nakasama si Kuya.

Madalang na kasi naming makasama si Kuya dahil busy siya sa kanyang trabaho. Well, it started when Kuya was appointed as the CEO of AV Inc. Almost all of the elders in our family said that with Kuya's age and his capabilities, he was ready to take over the company.

And I think so too. Sa tingin ko kaya naman ni Kuya na mamahala sa buong AV. And he did, naging mas successful ang AV dahil sa kanya. At kahapon lang ang dating niya mula sa kanyang business trip. That's why we took that opportunity to bond with him, with the whole family.

Inayos ko ang uniform ko nung napansin kong nalukot ito. Pagkatapos ay ibinalik ang sarili sa pagbabasa.

I haven't read about this article, at sa kasamaang - palad, may surprise quiz kami mamaya. That's why I'm skimming the file just to have a quick overview about the article. Ang pinagtataka ko lang kung bakit surprise quiz, eh sinabi na ni Miss sa aming group chat na magkakaroon kami ng quiz mamaya.

Weird pero okay. Atleast na sabi na niya na may quiz ngayon.

"We're here," Biglang sambit ni Kuya. Napatingin ako sa labas ng sasakyan dahil dito. Nakita kong marami ng mga estudyante sa parking lot. At medyo kinabahan pa akong lumabas dahil sa mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Could I Love You Any More? (HER Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon