*Winner*
"Ms. Terrese Young, Mr. France Vernajo and Ms. Jane Dimaano kayo ang group one."
"okay mam" sabay sabay nilang sinabi.
"Ms. Arianne Abarquez, Mr. Mike Anderson and .......... Ms. Gaizelle Perez, kayo ang group two!"
"WHAT!" ang unang word na lumabas sa bibig ko ng time na yun! Pucha naman oh! Bakit kami pa ang magkakasama! Ano to love triangle ang gagawing project!
"May ayaw ka ba sa mga kagrupo mo Ms. Gaizelle?" sabi ni mam
"Wala siyang problema mam! Okay lang po yung grupo!" sabi ni Terrese
"Ano ba Terrese!?" bulong ko sa kanya.
"Magisip ka nga girl! kapag kasama mo silang dalwa pwede mong pagselosin si Arianne tas magkakagalit sila tas mag break sila! diba, bongga!" sabi nya habang may pa evil laugh pa sa huli.
"Ang advance mo namang magisip! nasa break up na agad, hala bahala na!" sabi ko sakanya.
😭***************** 😭
After class umuwi na kaagad ako at nag open ng web, nakita ko na naman ang mga post ni Arianne, May pic silang magkasama at may caption na "So Blessed" edi wow! magpakasaya kau! wala namang forever! at padabog kong isinara ang Laptop. Kainis!Kinabukasan nag simula na kaming gumawa ng project sa bahay ni Mike.
"Okay, Arianne assigned ka sa pag gugupit ng costumes, Gaizelle ikaw sa pag aayos at pag rerepair ng mga pwede pang magamit na materials, ako naman ang sa script."
"Okay" sabay naming sinabi ni Arianne.
Nag simula na kaming gumawa ng biglang pumasok sa utak ko ang plano namin..Desperada na ako! kailangan ko na itong gawin! THE GAME IS ON!
Tumabi ako ng marahan kay Mike at bahagyang sumandal sa kanya.
"Oh bes, hirap kana ba? bat sumasandal ka na sakin?"
"Oo bes eh, medyo masakit na ang likod ko." pag iinarte ko
"Halika nga bes"(bahagya nya akong itinalikod at sinimulang i-masahe ang likod ko) Napa ngiti ako ng slight kasi nakita ko ang mukha ni Arianne na nagaapoy sa galit.
"Aray!" pasigaw kong sinabi.
"Sorry bes, napadiin ko ng konti"
"Mike!!!! itigil mo yan! naglalandian kayo?! at sa harap ko pa! Ndi ka na din nakakatuwa Gaizelle! Umayos ka nga! Ang alam ko, nadito tayo para mag gawa ng project! pero nilalandi mo lang ang bf ko! Walang hiya kang malandi kang haliparot ka! Lumayas ka!" Sigaw ni Arianne at chempong gusto pa akong sabunutan pero pinigilan sya ni Mike.
"Ano ba Arianne! Tumigil ka nga! Wag kang magwala! Wala kaming ginagawang masama ni Gaizelle! nagkataon lang na masakit ang likod nya! Bakit ba napaka over acting mo! Arianne naman! mali na to! Wag kang basta basta magwala.... ayusin mo nga ang ugali mo!" sigaw naman ni Mike na halatang galit na galit.
"Aalis na lang ako para di na kayo mag away" marahan kong sinabi na may pa iyak iyak effect pa. Then lumapit saakin si mike
"Im sorry Gaizelle kung nasigawan ka ni Arianne, ganyan talaga yan eh.. pag pasensyahan mo na lang.... ako nga eh minsan napapaisip na din ... hirap na din kasi ako sa ugali nya eh pero bahala na. Sige uwi ka na, hatid na kita."
Habang nasa daan kami antahimik nya,habang nasa backseat ako at inienjoy ang music ng biglang nag play ang next song.
Heto na naman ako,
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang.Ano ba naman yan! "Bes, paltan mo naman ung kanta" pag iinarte ko dun sa bestfriend ko. Tas nag play ulit ng isa pang kanta.
And as you close your eyes tonight
I pray that you will see the light
that shining from the stars aboveWhen he opens his arms and holds you close tonight
It just wont feel right
Cause I can love you more than this. yeah"Ahhh!! next song!" sigaw ko at halatang nagulat sya bigla saakin kaya napahiya ako at ibinaba ko ng marahan ang boses ko
"Hehe, bes pakipalit naman please" dagdag ko pa ..
"Sige ba bes" sagot nya saakin. at sa wakas roar ni katy perry ang sumunod.. hayysst! ..
***************************************************************
Napaikli ata ang gawa ko sa part na to 😂.. Okay lang yan! .. bawi na lang ako sa next chapter
BINABASA MO ANG
ONE LAST TIME
Teen FictionKapag mahal nyo ang isat isa HAPPY ENDING NA?! Sana ganun kadali ang lahat Pero hindi eh Laging may kumokontra Laging may kontrabida At Pano kung lahat eh fixed na? At hindi na kayo pwedeng dalawa? BEST FRIENDS TO LOVERS TO ??? LETS SEE..