KABANATA 2
Kanina pa ako paikot-ikot sa itaas. Hinahanap si Amira. Iba rin pala kapag nagbabago si Yin, nagbabago rin ang aking suot. Naka-brief pa rin naman ako pero ang kulay ay asul na na may halong mga yelo sa gilid. Ang letrang "U" naman, crystal na. Wow!
Hays. Huminto ako sa billboard ni Mayor. Gumawa ako ng yelo at tinakpan ang kanyang pangalan. Hindi ko gusto ang mga tatakbo ngayon. At dahil na rin papalapit na ang eleksiyon, siksikan na naman ang mga matatamis nilang salita. Na akala mo naman totoo. Ito namang mga botante, kay daling mauto. Nagpapahulog sa butas ng salita ng mga tatakbo. Kapag may ibinigay na pera, kuha lang nang kuha. Kapag sinabing iboto, boto lang nang boto. Kapag naghihirap, magrereklamo sa gobyerno.
Dahil nga mas may kaya akong mapapaniwala ang mga botante, kailangan ko itong ipahayag sa kanila. Mas naniniwala sila sa akin. Ako ang tagapagligtas, hindi ko naman sila ipapahamak.
Tumayo ako, pinagaspas ang aking mga pakpak, huminga kasabay nagsilabasan ang malalamig na mga usok galing sa aking bibig. Kailan kaya mag-iiba si Yin? Hays.
Nakita ko sila Mayor, nag-eendorso sa kanyang anak habang sumasakay ng SUV. Kumakaway-kaway pa ang dalawa, ngumingiti-ngiti, nagpa-pouty lips, beautiful eyes.
May humihingi ng tulong, Uto! Hmp!
Nagsalita na naman si Pet. Kahit kailan talaga, inuunahan ako nito, e.
Oo, alam ko!
Bago ako napaalis sa direksiyon ni Mayor, pinahinto ko ang sasakyan nila gamit si Yin. Pinagaspas ko pa ang aking mga pakpak at naging yelo ang gulong ng kanilang sasakyan. Mainit naman, Mayor, matutunaw rin 'yan mamaya. Bye!
Hinanap ko ang humihingi na naman ng tulong. Kahit kailan talaga hindi na natututo itong mga walanghiyang masasamang tao. No'ng unang araw, may natusta akong isang lalaking rapist. Apoy pa si Yin no'n. Gusto naman daw niya ang babae, nag-iinit na raw siya. Pinainitan ko, hayun, sunog.
Dalian mo, Uto. Tama na ang chika. Hmp!
Oo na, sir o ma'am.
Ewan ko rin kung lalake ba itong si Pet o babae. Bahala na siyang magpakilala sa sarili niya. Wala naman siyang silbi sa kuwento.
Daming satsat, Uto! Hmp!
Hays.
"Hoy!" sigaw ko. Napatigil ang lalaking ang daming bigote sa mukha. Dala-dala ang bag ng ale.
"Tulungan mo 'ko, Uto. Nando'n ang mga alahas ko't kayamanan." Patalon-talon pa si Traya. Wow. Parang kailan lang, nakita ko naman itong nangungutang. Ngayon, ang yaman na.
"Wait." Lumipad ako nang mabilis. Nakita kong nanginginig si Traya no'ng dumating ako. Ang sarap kasi nitong Yin ko, e. Ang cool. Nyahaha.
"Sabing tumigil, e." Huminto ako. Pinagaspas pa lalo ang aking mga pakpak. Nakita kong parang naging kulay asul din ang aking kaliwang mata. Bigla ko na lang itinutok ang aking kamay sa lalaki. Sabay inilabas ko ang kakaibang si Yin.
Unti-unting nagye-yelo ang semento sa kalsada. Bumaba ako't nagpadulas doon. Mabilis ang aking paggalaw dahil sa yelo. Habang ang lalaki, kita ko ang kanyang pangamba nang papalapit na ako. Tagaktak ang pawis sa noo't kilikili. Ang baho!
Pabilis nang pabilis din ang pagye-yelo ng kalsada. Sinasabyan ang lalake kung saan magpunta. Hanggang sa ito'y kanyang nadakip.
"'Wag!" Napahinto ang walanghiya habang nagye-yelo ang paa. Kung wala sigurong yelo ang paa niya, babagsak ang walang'ya. Michael Jackson pa ang porma. Potah!
BINABASA MO ANG
Superhero si Uto
Short StorySamahan si Uto, si Amira, si Pet, si Erwin, mga kaaway at himagsikan, tungo sa nalalapit na pag-unlad ng Pilipinas; kasama ang nagmamalagkit na tae. Written by Cordz05. Coverd by KenDaniel