KABANATA 3

45 8 0
                                        

KABANATA 3

Pangatlong araw. Dalawang araw na rin sigurong nawawala si Amira. Kahit ano'ng mangyari, hahanapin ko siya. Nandito man si Yin o wala.

   Buong gabi ko rin pinag-isipan ang lahat. Kailangan kong tumakbo para sa bayan. Ayokong ipaubaya na lang sa mga tatakbong Mayor ang lahat. Lahat sila hindi makapagkakatiwalaan. Mas nakasisigurado ako kung ako ang uupo sa puwesto.

   "Sigurado ka na bang tatakbo ka, Uto?" Tumango kaagad ako habang tinatanong ako ng isa sa mga opisyales. Hinahalungkat ang mga records ko kung okey na ba. "Pasok ka naman sa lahat ng kailangan bilang Mayor, Uto. Pero hindi ba ito makakabahala sa pagiging superhero mo?"

   "Hindi naman, pinag-isipan ko na ang lahat ng ito, Owen. Alam mo naman ang mga tatakbo ngayon, 'di kitiwa-tiwala, mas mabuti nang ako ang maglingkod kaysa sa kanila."

   "Paano 'yan? Hindi dapat ganyan ang suot bilang Mayor." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka napakunot-noo. "Para kang gunting tapos naka-brief lang? Magsuot ka muna nang maayos. Hindi ka na ba babalik sa dating anyo?" tanong niya.

   "Kailangan ba talaga ang suot para maglingkod?"

   "Hindi naman sa gano'n, mas importante kung hindi ka masakit sa mata kapag titingnan, Uto."

   "A, okey. Siguro pagkatapos ng mga araw, babalik ako sa dati kong anyo," sabi ko.

   "Sige, sige. Hihintayin ko ang pagbabalik anyo mo, Uto. Maraming salamat. Babalitaan na lang kita kapag may iba pang mga impormasyon." Hindi na ako nakipagkamay kay Owen baka biglang may maputol sa kanya. Lumabas na lang ako't lumipad.

   Nagapalinga-linga ako sa himpapawid habang tinitingnan kung makikita ko pa si Amira. Ang nakakatakot lang kasi, baka ineksperimentuhan na ni Dr. Erwin ang mahal ko. Hindi ko siya kayang labanan kung magiging kalaban ko si Amira.Talo na kung talo.

   Uto! Pst! Hmp!

   Ano na naman, Pet? Kahit kailan talaga, basag trip ka, e.

   Sabi ko at unti-unti kong naramdaman na nagbabago na naman si Yin. Sumakit ang likod ko't parang may gustong lumabas na naman na pakpak. Dahan-dahan ko na namang naririnig ang pagkabiyak ng aking balat. Hindi masakit. Pero mahapdi. Paikot-ikot ako sa himpapawid. Nasa ibaba ang ulo ko habang nasa itaas naman ang paa ko. Pabaliktad ang aking posisyon at hinahampas ako ng mga hanging dumaraan. Hanggang sa lumabas na nga ang aking mga pakpak. Tapos pumasok ulit sa likod ko, umalis, tapos lumabas ulit. Umalis. Lumabas.

   Napasigaw ako dahil hindi na ito hapdi kundi sakit. Ikaw ba naman pinagloloko nitong Yin. Lumabas muli ang mga pakpak. Napasigaw ulit ako. Napasigaw ulit nang pumasok na naman sa likod. Hanggang sa nag-pokus ako't kinakausap ang sarili na okay lang ang lahat. Na hindi 'to makakasama. Ganito kasi ang ginagawa ko noon no'ng hindi ko pa kabisado gaano ang aking Yin. Parang may kusang lumalabas na hindi naman dapat.

   Pagiling-giling ako sa itaas. Nag-excercise na parang tanga. Left and right ang aking kamay. Hand shake. Pati ibon nahagip sa kamay ko kaya putol ang isang pakpak at mukhang tangang sinubukan pang lumipad paitaas. Tinuka pa ako sa mokong habang paika-ika ang lipad. Hays.

   "A-ang sakit!" Ramdam kong sobrang lakas nang sigaw na iyon. Hindi ko na kaya. Bakit kasi lumalabas-pasok ng mga pakpak ko. Naririnig kong tumatawa si Pet.

   Nag-aalala ako sa 'yo, Uto. Anong nangyayari? Hmp!

   Alam ko naman na hindi talaga siya nag-aalala. May bulong na tawa pa sa huli, e. Rinig na rinig ko.

   Pabago-bago rin ang aking brief na suot. Minsan, nag-aapoy, minsan nagyeyelo, at minsan, nagiging gunting ang porma. Pati kamay ko, minsan din naging gunting, apoy, at yelo. Pati ang aking mga pakpak. Parang sabay-sabay nagsilabasan at nagsipasukan ang mga Yin ko. Hindi ko na kayang gumamit nang sabay. Hanggang sa napasigaw na ako't paiba-iba ang liwanag na aking nakikita. May asul, pula at kulay-abo. Nakakaloko! Hindi na 'to nakakatuwa.

Superhero si UtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon