HULING KABANATA

46 8 0
                                    

HULING KABANATA

Dahan-dahan kong iminulat ang aking dalawang mga mata. Madilim pero may kaunti pa naman akong nakikita. Nasaan ako?

   Sinubukan kong tumayo. Ngunit doon ko lang napagtantong may nakatali pala sa dalawa kong mga kamay at paa. May busal din sa aking bibig. Sinubukan ko ring humingi ng tulong. Palpak! Ako lang siguro ang makakarinig.

   Uto, hmp!

   Teka, Pet, ikaw na ba 'yan?

   Oo. Tanga!

   Pet? Sure? As in 'di ito imagination lang?

   Hay naku, Uto! Tanga ka talaga forever!

   Ay, sor'naman. Pet. . . may sasabihin ako sa yo.

   O, bakit bigla kang naging malungkot?

   Nagsisisi na ako, Pet. Sorry sa pagpapaalis ko sa 'yo. Sorr--

   Ang O.A mo, Uto. Ngayon ko lang din na-realize na tama ka, tama 'yong desisyon mong makatulong. Sorry dahil umalis ako, nawala tuloy si Yin.

   Ikaw pala si Yin. Kaya pala pinahirapan mo ako no'ng isang araw dahil ayaw mo akong tumakbo!

   Sor'na nga. Hmp!

   Sorry rin. Friends na ba ituuu?

   Che. Sige na, tama na ang drama, kailangan na nating tulungan si Amira.

   Salamat! Teka, ano 'to, Pet-- wahhh!

   Lumabas bigla ang aking dalawang mga pakpak. Sira kaagad ang inupuan ko at ang mga taling inilagay ni Erwin. Nakalabas ako sa bintana habang nakalutang. Doon ko lang napagtantong nasa pinakataas pala ako ng building. Kita ko ang mga tao sa ibaba.

   Bago ako umalis sa himpapawid, nasilayan ko ang ibong naputulan ko noon ng mga pakpak. May pakpak na siya ngayon pero kalahati nga lang. Kasama niya ang mga iba pang ibon na malayang lumilipad. Napangiti ako.

   Pet, ito naaa!

   Mabilis ang aking pagpunta sa ibaba at nakita ko na naman ang baklang nagtatatalon at nagsisisigaw.

   "O my goodness! For the second time around! 'Yong bag ko na naman! Tulong mga gwapo!" sigaw niya habang paikot-ikot at naghahanap ng tulong. Tiningnan ko ang lalaki, mabilis ang pagtakbo ng kupal.

   Inihanda ko ang aking sarili nang bigla na namang nagsalita si Pet.

   Teka, gwapo ang hinahanap ni bakla, gwapo ka ba, Uto?

    Hays. Panira talaga ng araw ang isang 'to!

   Joke lang! Ikaw na nga binigyan ng kapangyarihan, galit pa? Hmp!

   Hays. Oo na, oo na! 'Di na ako gwapo.

   Tumawa pa si Pet. Hays. Kahit kailan talaga!

   Sige na, Uto! Tulong daw sabi ni ate!

   Tinungo ko ang lugar ng kupal na iyon at madali ko rin siyang nadakip. Para akong si Flash sa ginawa ko. Ang bilis. Isang minuto, nasa presinto na ang kupal at naibalik ko sa bakla ang bag niya.

   Kasunod no'n, ang traffic ng mga sasakyan. Isa isa ko silang inalsa at inilagay sa patutunguhan. Ang lakas ko na rin pala.

   Uto, just to remind you na tama si Bundat, limang araw lang ako sa 'yo.

   Ano? Hindi ko pa alam kung nasaan si Erwin, aalis ka na kaagad?

   Hindi ko na 'yan kasalanan. Sana humingi ka muna ng extension kay Bundat bago siya pumanaw.

Superhero si UtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon