"Ate kumain kana man.. Ilang araw ka nang Hindi kumakain.. Ni Hindi mo ginagalaw ang mga pagkaing binibigay ko" lambing ko sa kapatid ko.
Ilang linggo na ang nakalipas Simula ng maghiwalay ang ate ko at ang nobyo niya dahil sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko naman makausap ng maayus si ate dahil nagmumukmuk nalang siya palagi. Ang gusto niya mapagisa.
"Go away Luke, ayaw kong kumain. Busog ako." Walang ganang sagot ni ate.
Nawala ang mabait at masayahin kong ate dahil kay sam. Ang nobyo ni ate. Lagi siyang umiiyak, sumisigaw kapag natutulog, kung minsan naman wala sa katinuan. Bigla bigla nalang natutula. Pero ang pinaka ayaw na ayaw ko ay ang inila-lock nito ang sarili sa kwarto para walang makapasok..
"Paano ka ba balikan ni Sam kung ganyan ka? Ate kumain ka naman kahit konti!" Naiinis na akong nakikita siyang matamlay. Parang wala na siyang dugo dahil sa pamumutla niya. Kahit tubig ay ayaw niya. Nag aalala na ako para sa kalagayan ni ate.
"Please just leave me alone Luke.. Please?" Nakita ko ang sakit sa mga Mata nito. Wala na akong nagawa Napabuntong hininga nalang ako. katulad sa mga nakalipas na araw ay iiwan ko nanaman ang pagkain niya..
'Sana kahit ngayon lang kumain naman si ate'
"Tawagin mo lang ako ate kung may kailangan ka" Hinintay kung sumagot si ate pero wala lang siyang kibo. pumunta na ako sa kusina.
Si Ate Nicole, mahal na mahal niya si Sam kahit na ilang ulit na silang nag hiwalay. Ewan ko sa Sam na yun kung bakit paulit ulit nalang niyang sinasaktan ang ate ko. Nakakaasar para saakin ang makitang nagiging miserable ang kapatid ko. Kung Sana may magagawa lang ako para maalis ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko. Kung Sana meron lang.
" iho. Kumain na ba ang ate mo?" tanong ni Yaya melda
"Hindi pa po. Pero nag hatid na po ako ng Pagkain sa room niya" sagot ko. Magsasalita palang Sana si manang ng may marinig kaming may nabasag sa loob ng kwarto ni ate.
Napatakbo agad ako dahil doon. ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba kasi nagkakaganto ang ate ko! Humanda yang Sam na yan at makakatikim siya sakin pag may nangyaring masama Kay ate!
"Ate! Ate buksan mo to! Ate!" Pinipilit Kong buksan ang pintuan pero mukhang nilock ata ni ate kaya di ko mabuksan. H! Bat ngayon pa naisip ni ate na ilock ang room niya. Natataranta na ako dahil Hindi man lang siya sumasagot.
"Yaya! Kunin mo yung Susi! Dali!!" Sigaw ko. Narinig ko naman ang isang bagay na nabasag sa loob. The heck! Hindi na ako nakatiis kaya sinisipa ko na ang pinto para mabuksan.
"Ate buksan mo to!!" Sigaw ko.. May narinig ulit akong nabasag sa loob. At maya maya narinig ko ang sigaw ni ate pagkatapos ay bigla tumahimik sa loob ng kwarto niya. Kinabahan na ako ng sobra.
"Yaya akin na yung Susi! baka may nangyari na Kay ate."
"Sir ito na po" inabot saakin ang susi at agad ko namang binuksan ang pintuan.
Nadatnan ko ang gulong kwarto ni ate. May basag basag na salamin sa sahig at may mga patak ng dugo sa ibang parte nito. Nakita ko namang nakahiga siya sa sahig malapit sa cr niya..
"Ate anong nangyari sayo?!" Nagdudugo ang kanang pulsuhang kamay ni ate. At meron din siyang saksak sa tagiliran nito.
'Ugh! Shit! This is bad!'
Binuhat ko agad si ate. Nangyari to dahil sa Sam na yun! Gago siya! Pag may masamang nangyari Kay ate pag sisihan niyang nakilala niya ang kapatid ko. Dahil Ibabalik ko sakanya ang lahat ng sakit na naramdaman ng ate ko. Sisiguraduhin ko yan! Tinakbo ko agad si ate sa hospital.
After 2hours **
"Doc. Kamusta po ang ate ko?" Kabadong sabi ko.
"Unfortunately She's fine now. Mabuti nalang at naitakbo niyo agad siya dito sa hospital bago tuluyang mawala ang pulserate niya at maubusan ng dugo. But there's a Problem iho.. Ang ate mo ay nag starvation dahil na rin sa dehydration. kulang na sa fluids ang katawan ng ate mo. Kulang rin siya ng Tubig sa katawan na naging dahilan kung bakit nagiging dry ang balat ng ate mo.. At I'm sorry to say pero kasalukuyang coma ang ate mo.."
Napapikit na ako dahil sa narinig ko. Nanghihina ako.. Shit! Hindi yun pwede.. Kasalanan to ng Sam na yun eh!"Doc. Magigising pa naman ang ate ko diba?" Nag aalangang tanong ko. Mapait namang ngumiti si doc.
"Oo naman iho. Mga bukas o sa susunod na araw. Hintayin nalang natin." Sagot naman ni doc. Hindi na ako nakasagot. Paano nalang kong abotin ng buwan? Ugh! Shit! Bat ko ba iniisip.
"kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako, may mga mga pasyente pa akong kailangang aasikasuhin" paalam ni doc. Tumango lang naman ako. pumunta ako sa room ni ate at ang kabang naramdaman ko kanina napalitan ng galit..
Pagbabayaran mo talaga tong ginawa mong to Sam! Pagbabayaran mo!!
After 3months**
"Doc. kailan po ba magigising si ate?" Nag aalanganing tanong ko.
"Maghintay lang tayo iho." Nakaramdam ako ng init sa ulo dahil sa sagot ni doc.
"Ilang ulit niyo na po ba yang sinabi!? Tatlong buwan na ang ate Kong natutulog! Wala ba kayo gagawin huh!? Binabayaran ba kayo para sabihin lang yan huh!" Dahil sa galit ko kinuwelyuhan ko si doc. At inambangan ng suntok. Naawat naman ako ni mom.
"Huminahon ka anak. Walang kasalanan si doc. Kailangan mong tibayan ang loob mo. Magdasal ka na lang na magising na ang kapatid mo" mahinahong sabi ni dad.
Binitawan ko naman ang kwelyo ni doc. Tama si dad. Walang kasalan si doc. Ang may kasalanan nito si Sam.. Si Sam ang may kasalanan nito!!
"Pagbabayarin kita sa ginawa mo sa kapatid ko!"
BINABASA MO ANG
Revenge of Mr. Innocent
Teen Fiction"maghihigante ako" iyon ang pangako ni Luke sa kanyang sarili. mula kasi noong may nangyaring masama sa ate nitong si Nicole dahil sa Ex-boyfriend nito pinangako niyang gagantihan niya ang lalaking ito. Sa pagdating ng pagkakataon, nabigyan ng idey...