4- Cool Off

9 1 0
                                    

-Elise-

"Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong ni manang. Umiling lang naman ako.


"Oh siya, ano man ang problema mo andito lang ako... Maasahan mo ako, tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka." Sabi ni ulit ni manang.


Tatlong araw na akong Hindi pumapasok. Natatakot akong pumasok dahil sa mga masasamang nababasa ko sa post nung I'm a prankster. Lahat ng mga comment ay puro humanda ka, papatayin kita, kakalbuhin kita, pag nakita raw nila ako sampal daw ang ibibigay nila. Sinong Hindi matatakot roon.




Pati nga salitang Malandi, two timer, manloloko, sinabi na nila. Yung iba naman pinag tatangol ako. Pero yung iba talaga sobra na ang sinasabi. Nagagalit na sila doon. Iniisip na nila agad na niloloko ko si mond? Sobrang loyal ko nga sa taong yun eh. Tapos ngayon nangyayari na to...


Kung Sana kasi hinayaan ko nalang ang ugali nun. Ang shunga ko kasi! Kasalanan kasi ng Luke na yun. Kung di lang Sana niya ako sinusungitan Hindi kami magkakaroon ng picture. Maysa ka reporter pa naman ang mga estudyante sa pinapasokan ko. Aish! 3days na akong Hindi pinapansin ni mond.


ni replyan ang mga messages ko, di niya ginagawa. Ineend call then niya ang mga tawag ko. Kaasar! Tinry ko ng tanggalin sa timeline ko ang ppst na yun pero wala parin. nakita parin ni mond ang picture namin ni Luke. sobra pa siyang nagalit. Ngayon nga lang kami nag away for the first time sa loob ng 5 months naming magkarelasyon. Hindi ko alam Kong ano ng gagawin ko. Mababaliw na ako!!


Gusto ko ng tumalon sa ilog pasig ng doon na ako malunod. Ni wala akong mapagsabihan ng hinanakit ko sa Prankster na yun. Tatlong araw na rin akong walang komunikasyon kay ligaya saan ko na ngayon masasabi ang nararamdaman ko.. Wala! Walang wala akong masabihan!.



Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ko ulit ang number ni mond. Nakakailang ring na pero di parin niya sinasagot. Nasasaktan na talaga ako. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng change para mag explain. Basta basta nalang siya nagagalit.
Papatayin ko na sana na lang may nagsalita. Nanlaki pa ang Mata ko bago tignan nun.

Yes sinagot na niya!


"Hello" ulit pa nitong sabi. Agad ko naman nilagay sa tenga ko yung cellphone ko.


"Hello mond? Mond.." Masaya kong baling. Kinakabahan ako, Sana naman mag kaayus na kami. Namimiss ko na siya. Namimiss ko ang sweet na hubby ko. Aish. Hindi ko ata makakaya pag naghiwalay kami nito.


"Mond... Are you there?" Tanong ko. Nag Uhm nalang ito. Ayaw niya pa siguro akong makausap. Pero Hindi pwede miss ko na siya. Kailangan kong ipaliwanag yung picture namin ni Luke...


"Hubby galit ka ba sakin?" Tanong ko sakanya. Hindi naman siya sumagot. Galit nga siya.


"hubby.. Let me explain please" nagmamakaawa Kong sabi sakanya. Narinig ko ang bungtong hininga niya sa kabilang Linya.


"I'm busy.. Call me later" pagkatapos nito sabihin pinatay na niya agad. So that's it. Sobrang galit na talaga siya. Paano ko ba aayusin ang samin. Natatakot ako sa magiging kahihinatnan nito. Baka mamaya pinagiispan na pala niyang makipag hiwalay sakin. Hindi naman pwede yun. Kakaumpisa pa nga lang namin eh.. Hayss.. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Alam ko oa na tignan pero natatakot talaga ako. Sobrang natatakot ako.



Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Bago ko nilakasan ang loob ko. Think positive lang Elise. Malalagpasan mo rin to. Huminga ako ng malalim. Tinext ko si mond na hihintayin ko ang tawag niya. Akala ko nga di niya rereplyan pero nagreply naman siya. Tuloy tuloy namang umagos ang luha ko ng mabasa ko ang text niya.


give me some space. Kailangan kong magisip. At sa tingin ko ikaw rin. Cool off.. Yun ang kailangan ko. Please wag mo muna akong tawagan o kahit text lang. Nalilito ako Elise. Nalilito ako. Give me time to think. please..

Napasinghot ako. Di ko na mapigilan ang mga luha ko. cool off? Bakit kailangan pa nun? Hindi ba pwedeng pagusapan nalang namin? Ang bigyan niya ako ng change para ipaliwanang ang sarili ko?! Heck! Hindi to pwede. Wala naman akong ginagawang masama eh. Bakit kailangang mangyari to.

Sunod sunod na ang pagpatak ng luha ko, sobrang nanlalabo na ang paningin ko. Kasalanan to ng Luke na yun. Kung bat ba kasi ubod ng sungit yun. Pati na yung prankster na yun. Hindi talaga to pwede.. Cool off.. Hindi dapat yun ang nangyayari ngayon. Hindi ako handa para sa salitang cool off. Mas lalo akong naiyak. Napahagulgul na rin ako sa takot. Sabi nila pag katapos ng cool off kasunod nun ay break up. No. Wag naman Sana. Hindi ko kayang mangyari yun. Hindi ko kakayanin.. Nag uumpisa palang kami ni mond.












-Ian Fhein Ramos-

"Masaya ka na ba?" Walang ganang tanong ko Kay Luke.



Nandito kami sa tambayan namin nina luke, sa Condo niya mismo. Napasinghap ako ng mabasa ko ang mga comment sa pinost ko 3 days ago. Over 3k likes na ito, 1k comments, at 500 shares. Kung totoosin ayaw ko naman talaga gawin dahil naawa ako sa magiging kahihinatnan ng relasyon ni Elise at Richmond. Pero ito ang gusto ni Luke.



"No. Paano ako magiging masaya kung Hindi pa sila tuluyang nag hihiwalay?" Madiin nitong sabi at ininom ang wine na binuksan ni Gerwin.



Napailing ako sa sinabi niya. Mabait naman si Elise, di naman niya kasalanan kung anong ginawa ng kapatid niya. Pero desidido talaga siyang iparamdam Kay Elise ang naramdaman ng ate niya. Kung ako si Luke. Mas gugustuhin ko nalang na karma ang mag higanti, pero wala eh. Hindi ako si Luke. Gagabayan nalang namin siya sa Plano niya. Para saan pa at naging kaibigan niya kami kung di namin siya Sasamahan. partner IN CRIME nga diba. Kokonsentihin nalang namin ang gusto niya. Tutal don siya sasaya. Hihintayin ko nalang sigurong si Luke na mismo ang mainlove Kay Elise. Sana nga ganun nalang.



"anong sunod mong Plano? Aagawin mo si Elise ganun?" Maawtoridad kung tanong. Napangisi lang naman siya. I know that expression.



"So.. Tama nga ako? Luke, Walang kasalanan si Elise kaya wag mo siyang idamay... Babae siya.. Hindi pwedeng iparamdam mo sakanya ang nararamdaman ng ate mo. Kung andito siya sigu------"



"Kung andito siya pipigilan niya ako tama?" Seryosong Sabat niya. Napakuyom ang hawak nito sa baso niya. "Sino bang kinakampihan mo huh? Yung gagong Sam na yun?!" Dagdag pa nito habang matalim na nakatingin sakin.



"Luke, Hindi yun ang ibig kung sabihin. Syempre ikaw ang kinakampihan ko pero Luke wala namang kasalanan si Elise! Sinasaktan mo lang siya eh. Pinapadama mo kung ano ang naranasan na kapatid mo."




"Yun na nga yun diba?! Kaya ko to ginagawa dahil gusto kung iparamdam sa kapatid ni Sam ang ginawa niya sa ate ko.. Bakit mo ba ako pinipigilan huh?! Ano sa tingin mo?! Magbabago isip ko?! No. That's bullshit!" Pagkasabi niya nun. Hinagis niya yung hawak niyang baso. Ok. Galit na siya.


"Fine. Di kita pipigilan. Pero try mong intindihin ang ginagawa mo. Baka magsisi ka sa huli" huling sabi ko sakanya bago tumayo at naglakad paalis.



"Matagal ko ng pinagisipan to." Rinig kung sabi nito. Hayss. Di na talaga siya mapipigilan. Aasa nalang ako na mababago ang isip niya. Kung totoosin may chemistry sila ni Elise. Mas bagay sila. Well. Tadhana na mismo ang gagawa ng himala.





-------->


An.

Haii :'D sorry pala sa mga unang chapter andami ko palang wrong typos at wrong grammar nakakahiya :'P sorna po pasensorry... Nagmamadali kasi mag type :P ;D at isa pa di ako masyadong marunong mag English! Boplacks ako dun! Hahaha char! ✌✌ (^__^) salamat sa nagbabasa? HAHAHA!


AmGreen1301

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge of Mr. InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon