-Elise-
"Oaahhh! Nakakabagot ngayong araw!" Inaantok na sabi ni Ligaya.
Free time namin ngayon dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga Professor o ang madalas na tawag. 'TEACHER'. Nasa garden kami ni ligaya. Ginamit ko ang free time, para gawin ang ibang projects and lesson ko na Hindi ko nagawa noong wala ako. Tinulungan ako ni ligaya na gawin yung blueprint ng Building sa HRM course and Engineering. Yun kasi ang pinagawa daw ng terror naming prof noong wala ako. Kaya ito nagpapatulong ako Kay ligaya.
"Aliwin mo muna yang sarili mo. Tutal natulungan mo na ako dito." Sabi ko sakanya. Binaling ko ulit ang paningin ko sa dinudrawing ko.
"Ano namang gagawin ko? Tumalon talon? Mag mala isip bata na may kalaro? Makikipag chismis?" Parang lasing nitong sabi.
"Bat mo ako tinatanong. Gawin mo kung ano ikakasaya mo" sagot ko ng Hindi parin siya tinitignan.
"Eh anong nga?!" Sigaw nito.
"Ewan ko sayo!" Balik Sigaw ko sakanya.
Nainis naman ata siya sa sinagot ko kaya bigla nalang niyang kinuha ang bag niya at umalis na.. Such a childish. Hindi ko kasalanan kong naoffend ko siya sa sinagot ko. May ginagawa ako kaya di ko siya nabalingan ng pansin. Dapat inisip nalang niya yun.
Huminto ako sa pag du-drawing at uminom ng juice. Pagkalapag ko ng inomin ko. Nakita ko ang paglapag ng isang papel sa harapan ko. Tinignan ko kung sino yun. Nang nakita ko. Bahagya ako nagulat. #The stranger. Masama nanaman itong nakatingin sakin. Kabado naman akong tinanong siya.
"B-bakit?" Napalunok ako sa pagkunot ng noo nito. Nakakatakot yung mga mata niya. Itim na itim kasi ang eye lenses niya. Kaya para siyang mangangain kung tumingin.
"Richmond give it to you." Diretsong sagot nito. Huminga pa ako ng malalim bago siya sagotin. "Ah. Para San daw to?" Tanong ko sakanya. Hindi naman niya ako sinagot dahil bigla nalang itong tumalikod.
'Ano bang problema niya sakin?'
"Teka!" Tumakbo ako at pinigilan siyang umalis. Ayaw ko ang ugali ng isang tao na kung makatingin ay masakit. Kaya gusto kong malaman Kung bakit lagi nalang ang sama ng tingin niya.
"What is your problem?!" Inis nitong sabi at tinabig ang pagakakahawak ko sa braso niya.
"Bat ba ang sakit ng tingin mo sakin?" Diretsong tanong ko. Napatiim bagang naman siya bago ako sagotin. "None of your business. So get lost!" Naglakad na siya paalis.
Nairita ako sa sinagot niya kaya agad Kong hinablot yung notebook ko at binato sakanya. Isa pa sa ayaw na ayaw ko ay ang bastos kung magsalita, Hindi sinasagot ng maayus ang tanong ko. Para siyang walang pinag aralan.
BINABASA MO ANG
Revenge of Mr. Innocent
Teen Fiction"maghihigante ako" iyon ang pangako ni Luke sa kanyang sarili. mula kasi noong may nangyaring masama sa ate nitong si Nicole dahil sa Ex-boyfriend nito pinangako niyang gagantihan niya ang lalaking ito. Sa pagdating ng pagkakataon, nabigyan ng idey...