3- Trending

22 2 0
                                    

-Luke-

"Bro, ang sweet niyo naman dito ni Elise. Anyare? Inlove kana ba?" Pabirong sabi ni Fhein.

Tinignan ko siya ng matalim. What the heck is he talking about? Tanga ba siya o ano? Nakita naman niya ang nangyari. Siya ang kumuha nun. Kaya bakit niyang sinasabi yun. Nakaka init ng ulo tong lalaki to.


"Bawiin mo ang sinabi mo" hasik ko sakanya. Napatawa naman siya ng pilit. Such a coward. "To naman! Di ka na mabiro! Makisabay ka naman!" Pilit itong ngumingigiti. Tss. Akala mo naman kung Hindi ko alam ugali niya. Takot lang niyang mabasagan ng labi.



"Post it." Tipid Kong sabi. ininom ko ang natitirang wine sa baso ko. Binalik ko ang tingin ko Kay fhein. Nakatingin lang naman siya ng nagtataka. Tsk! Slow talaga kahit kailan.

"Ang sabi ko Ipost mo yang picture" madiing sabi ko. Nagkatinginan silang tatlo nina Gerwin, exequel at harry. Malamang ay nagtataka sila kung bakit.


"I said post it! cause thats My first move!" matalim at madiin ko pang sabi. Mukhang naintindihan na nila ang sinabi ko. Kaya tumango nalang si Fhein. May bigla namang naisip ang utak ko.




"Wait!" Pigil ko. Nagtinginan naman ang tatlo. "Nag bago na agad isip mo?" Pabirong sabi ni Exequel. Binato ko sakanya ang cellphone ko. Buti at nakaiwas siya. Tss. Panigurado basag na ang screen nun. I dont care anyway. I will buy a new one.



"Gumamit ka ng ibang account. Wag mong gamitin ang account mo." Yun ang huli Kong sinabi bago naglakad paalis sa kinauupuan ko. Di palang ako nakakalabas ng pintuan ng magsalita si Gerwin.



"Scared?" Pagtingin ko sakanya. Nakatingin na pala siya ng seryoso Sakin.


Bago pa kami mag transfer dito, siya na ang pumipigil sa mga Plano ko. Pero hindi ko hahayaan na maging hadlang siya sa paghihigante ko. Kailangan nilang mag bayad. Kailangan NIYANG pagbayaran ang ginawa sa kapatid ko.





"Im not." Madiin kung sabi. Agad na akong lumabas pagkasabi ko yun. Paki alamero kahit kailan.



Palibhasa Hindi niya nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi naman siya ang nangangambang mawalan ng kapatid. Kung makaasta. Tss.

'Nag uumpisa pala ako Samuel Dizon. Nagsisimula palang ako sa paghihigante ko sayo. Ipaparanas ko sa kapatid mo ang ginawa mo sa ate. Ipaparanas ko..'






------------




-Elise-




Napabagsak ako sa higaan ko pagdating ko sa kwarto ko. Kakaiba talaga ang naramdaman ko kanina. Paano nalang kaya kung totoong hinalikan ako ng Mr stranger na yun. My possibeledad bang magustuhan ko siya?

Revenge of Mr. InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon