boi

10 2 0
                                    

"I'm sorry pero di ka yata aware na pag may girlfriend ang isang lalaki, hindi mo siya lalandiin" pataray kong sinabi kay Julia

"Lalandiin? Kelan ko naman siya nilandi?" sagot naman ni Julia

"Sorry ahhhhhh, ano nga ulit 'to? Ay ang cute niyo naman diyan sa mga pictures, haha! katuwa!" mala-pilosopong sabi ko

"Para yan sa project namin, ano ba!"

"Ahhhh projecttttt, saya niyo kasi tignan eh. Pwede na kayo maging magjowa!"

"Ang laki ng problema mo sakin ah! Una yung pagbibintang mo kaya Tiana, ngayon ako naman? Ang war freak mo! Kaurat! Ang panget panget ng ugali mo"

"Bagay talaga kayo ni Miggy hahahaha! Talagang pinagtatanggol niyo si Tiana noh? Eh halatang halata naman na siya yung nagsesend sakin ng hate! Sorry Julia ah, di ko alam na ang pagseselos pala'y mapanget ah" sagot ko nang maramdaman ko na ang tubig na pinipilit lumabas sa aking mata

Pag mag karoon tong babaeng 'to nang boyfriend tas makita kita nalang niya na may mga picture siyang ganyan baka tawanan nalang kita.

Hindi nagtagal ang usapan namin ni Julia nang may biglang pumasok sa condo, Si Miggy na bitbit ang mga grocery.

"Tatiyana? Ano nanaman ba ginagawa mo?" tinanong ni Miggy sakin "O bat paiyak ka na? Okay ka lang ba? Gusto mo na ba matulogi? May nangyari ba? Julia? Bat ka nandito? Ano ginawa mo?"

"Wala akong ginawa, siya yung nangaaway"
"Nasasaktan ako" sabay namin ni Julia na pagsabi

"Tatiyana? Baby ko? Bat ka nasasaktan? Ano masakit?" patarantang tanong ni Miggy

"Hello? Di niyo ba ko narinig? Nandito rin ako you know" sabi ni Julia nang hindi pinansin ni Miggy yung sinabi niya

"Oo nga pala nandiyan ka, Julia umuwi ka na. Bumababa na yung araw o, iwanan mo na kami ni Tatiyana dito" sabi ni Miggy

"Che" sinabi ni Julia habang paalis ng condo namin ni Miggy

Hindi nagtagal ng bigla nalang bumuhos lahat ng luha ko.

"O? Babe, ano nangyari? Bat ka umiiyak?" tanong ni Miggy habang niyayakap si Tatiyana

"N-Nakita ko yung pictures n-ninyo t-tas bigla s-siyang kumat-tok sa pinto tas tinanong ko k-kung ano yun" paiyak kong sinabi.

"Para sa project naman kasi namin yun eh, dapat nga si Tiana yung kasama ko sa pictures eh pero pinilit ko na wag kasi alam ko na masasaktan ka lang lalo."

Tumahimik nalang akong tumititig sa lapag, at ang naririnig lang saaming dalawa ay yung pagumyak ko, hanggang nasobrahan na ko't nagsalita.

"Naaalala mo ba 'to?" tinanggal ko't pinakita ang singsing na dati'y binigay niya sakin

"Malamang" sabi ni Miggy habang umupo sa tabi ko sa lapag

"Totoo ba yung mga sinabi mo noon?"

"Ano ba sinabi ko noon?"

"Na mamahalin mo ko forever" sinabi kong inaabot yung kamay niya para mahawakan

"Bakit di ka ba naniniwala?" nang kinuha na niya ang aking kamay at pinisil at hinawakan ng mahigpit

"Naniniwala naman, minsan lang napapaisip ako kung mahal mo talaga ako"

"Sorry..."

"Bakit?"

"Kasi nararamdaman mo yan, dapat never mo yan mararamdaman pero 'to pa rin tayo. Kaya sorry..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

.Where stories live. Discover now