PROLOGUE
Isang araw nagbukas ako ng facebook ko. Nakita ko na may isang friend request..
Shawn Clemente
Confirm - Delete
Tanda ko nun na pinag-isipan ko muna kung ia-accept ko ba siya o hindi. Kasi syempre hindi ko naman siya kilala. Hindi ko nga rin sya nakikita sa Danger High e. Kaya syempre naniniguro lang.
Kaya ang ginawa ko inistalk ko yung facebook nya. Nakita ko yung ibang picture nya. Gwapo naman sya, at mukhang hearttrob sya sa school nila. At nalaman ko rin na sa kabilang school lang sya nag-aaral. Sa Perez High.
Shawn Clemente 4 minutes ago..
Wait for her answer...
Like 53 - Comment 13 - Share 2
Hindi ko alam, pero may kutob ako na ako yung pinapatamaan nya sa status nya sa facebook. Pero feel ko talaga e, hindi ako assumera guys, sinasabi ko lang yung nafi-feel ko.
Pero dahil nga curious ako in-accept ko siya at saktong pagka-accept ko bigla syang nag-chat.
At huwag kayo saktong 11:11 sya nag-chat...