CHAT 3

39 1 4
                                    

ANICA LOPEZ

Ngayon ang araw ng intrams namin. Marami ng pumasok sa skwelahn namin, pero wala paring pumapasok na mga tiga-Danger High. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"Tara na Aica," aya sa kin ni Deevon. May sarili kasing booth ang mga cheerleader kaya kailangan namin pumunta dun. Dapat nga wala kaming booth kaso lang epal si captain e, ang daming alam. Sarap kalbuhin.

"Bakit ngayon lang kayo?" Kakapasok pa lang namin sa gym pangaral nya agad ang salubong.

"Ahh, marami kasing tao kaya natagalan kami." Ang galing magsinungaling ng bestfriend ko. Pero malaking tulong rin yun.

"Hi Ate!" masayang bati ni Aaron sa akin. Nagsipasok na pala yung mga basketball player.

Time: 11:09

Dapat lunch na namin, pero ako nandito parin a gym hinihintay sya. Umaasa parin kasi ako na tutupad sya. Syaka sure naman ako saktong 11:11 pupunta yun. Ayun ata ang favorite time nya, kaya eto ako naghihitay parin.

Biglang may pumasok na lalaki. Akala ko nga si Shawn na. Lumapit sya sa akin yaka may inabot. "Pasensya na daw sabi ni Shawn. Hindi daw sya makakapunta may emergency daw kasi," sabi nya. Nagpasalamat naman ako. Atleast sinabi nya.

"Aica, bakit nandito ka parin?" tanong sakin ng isang ka-team ni Aaron.

"Hindi pa kasi ako gutom," simpleng sagot ko. Ngumiti naman sya at umalis na din.

Dumaan ang ilang oras, kahit na medyo wala ako sa mood pinilit kong maging masaya. Masaya kasing kasama ang mga baskettball player at cheerleader. Pero seryoso ayoko naman kasing pati sila mawala sa mood dahil sa kaarteha ko.

Masyado akong maganda para mag-senti..

"Kung ako sayo Aron ligawan mo na yang si Lavigne, baka mamaya makuha pa yan ng iba."- Lucas

"Sabi ng Aaron e, hindi Aron. Syaka anong ligawan? Nasisiraan ka na ba ng ulo?"- Aaron

"Pakipot ka pa tol e, tignan mo si bata pa-easy-easy lang dun sa girlfriend nya."- Lucas

"P-uta bakit na naman ako nadamay?" angal ni Young. Bata ang tawag sa kanya ni Lucas, dahil tagalog daw ng pangalan nya.

"Bata, alam mo naman na ikaw lang ang magandang halimbawa."

"Di naman kita masisisi tol," sabi ni Young sabay tingin kay Lucas, at tumingin ulit kay Aaron. "Alam kong ayaw mong subukan na ligawan si Lavigne, dahil ayaw mong ma-busted katulad ni Graham."

"Atleast gumwapo naman ako, dahil sa pambabasted nya."- Lucas

"At nasunog rin."- Young

"Aba! Sumosobra ka na."- Lucas

"Makikipag-asaran tapos pikon." Biglang singit naman ni Michael.

"Hoy ikaw Jackson! Akala mong hindi ka binusted dati ha."- Lucas

"Atleast ngayon sya naman ang naghahabol. Kaya huwag nyo kong itulad sa inyo ni Stephen."-Micheel

"P-uta pati ba naman ang pinaka-gwapong si ako dinadamay nyo?"- Stephen

"Hoy Curry! Huwag kang mangarap, dahil walang ibang gwapo dito kundi ako lang."- Lucas

"Sige bro sabihin na nating gwapo ka. Pero bakit halos lahat ng nagustuhan mong babae, ayaw sayo?"- Justin

"Magandang tanong Bieber. Alam mo tol, hindi ko rin alam e. Pero isa lang ang alam ko. Na gwapo ako"- Lucas

"Tigilan nyo nga yang kadaldalan nyo. Mag-practice pa kayo, para manalo tayo mamaya. Hindi yung puro kabaklaan ang pinaguusapan nyo."- Harry

"Isa ka pa Estilo. Pasalamt ka at wala si captain kaya susundin ka namin ngayon."- Lucas. Sa lahat ata ng member ng Dragon sya ang pinaka-madaldal. Pero siya rin naman ang pinaka-masayahin.

1:19

Apat na minuto na lang mag-uumpisa na ang basketball. Jaguar ang makaklaban nila. Alam kong magaling ang Jaguar, dahil galing sila sa Monster High. Pero may tiwala naman ako sa grupo namin, lalo na ngayon na humabol ang captain nilang si Bradley. Atleast magagawa parin nila yung mga moves nila na tanging magagawa lang nila pagbuo ang limang star player nila.

Habang naghihintay ako binuksan ko muna yung facebook ko. At may nakita akong isang message. Ng buksan ko galing kay Shawn. Pero nagtataka ako kung bakit sya nag-message sa aking lagpas sa 11:11?

Ang weird...

Shawn: Sorry.

Ayun lang ang sinabi nya, pero nawala ang galit ko. Pero wala naman akong karapatan magalit, chat-mate lang naman kami. At dahil chat-mate lang kami hindi na ko nag-reply.

Nandito na ko sa bahay kaya naisipan ko ng mag-open. Pagkabukas ko nakita ko na may isang notif kaya tinignan ko.

Shawn Clemente post a picture 1 hour ago.

Dahil curious ako tinignan ko.

Shawn Clemente 1 hour ago.

With a beautiful lady beside me.

Like 213 - Comment 125 - Share 98

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Like 213 - Comment 125 - Share 98

Ng tignan ko naman yung mga message.

Mark: Bro congrats!

Ran: Bro, you got her.

Cj: Finally bro!

Ana: Omg! Congrats!

Isa: I tougth AL?

Six: Yeah, I tougth too.

Nica: Duh! AL stand for Azana Lim.

Crazz: Ngayon ko lang naisip yun.

Nica: Pano mo maiisip? E you dont have a mind naman?

Bukod sa asaran nung Nica at Crazz. Marami pa kong nababasa na ibang comment, pero laging congrats lang ang sinasabi nila.

Pero sh-it hindi pala ako yung binabanggit nya sa bawat status na pino-post nya. Pumunta ako sa wall ko at binura ko lahat ng status ko na may #SC. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Isipin nyo ng tanga ako, pero na-fall talaga ako dahil sa mga message nya.

Naiinis ako sa sarili ko.

Bago matapos ang gabi binlock ko muna sya at nagpost na rin ako ng status ko.

Aica Lopez 19 seconds ago.

Paasa.

Aica Lopez 30 seconds ago.

Ang sakit ;(

11:11 (5 Chaps Only)Where stories live. Discover now