Chapter 9 - He What?!

18 1 0
                                    

CHAPTER 9 - HE WHAT?!

Yumi's POV

Natapos na lahat ng exams namin. At nakuha na rin namin yung results namin kanina lang. Dalawa lang ang hindi ko na-perfect. Si Sofie? Apat lang ang hindi niya na-perfect. Pero mataas ang nakuha namin pareho overall. Syempre sabay kaming nag-aral ni Sofie. Talino nga ng bestfriend ko eh!

Si mokong ewan ko. Ayaw niya sabihin eh. Kanina pa siya natutulog mula pa nung nakuha niya yung results niya.

"The ranking will be posted on the bulletin board at 9:00 this morning. You will be called by class starting from fourth years to first years." Sabi sa intercom.

Oo, sabay ang pagbigay ng results at ang pag release ng ranking at kinakabahan na ako.

"Best, calm down." Sabi sakin ni Sofie.

"Kinakabahan ako Sofie."

 

"Wag kang kabahan. Matataas ang nakuha mo. As far as I know, ikaw ang nakakuha ng highest sa lahat."

 

"Hindi pa rin ako mapakali."

 

"Kahit anong mangyari, you did your best. Ako mismo ang nakakita ng effort mo."

 

"Thanks Sofie."

Tinawag na isa-isa by class, starting from 4-D to 4-C and so on. Paatras siya. Obviously, pang-apat kaming tinawag. Nasa 4-A ako eh.

"4-A may now go. Please leave your room as quietly as possible. Thank you." Sabi sa intercom.

"Best, good luck." Sabi sakin ni Sofie.

"Sayo din Best." 

Habang naglalakad kami sa corridor, pinagtitinginan kami ng class 4-B na pabalik na rin sa room nila.

I'm Inlove With My Rival [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon