Chapter 6 - He Saved Me

51 2 0
                                    

CHAPTER 6 - HE SAVED ME

Yumi's POV

Argh! Ang sakit ng ulo ko! Okay naman ako kahapon ah.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Parang umiikot ang mundo. -____-

Ano kaya kung umabsent ako?

No Yumi. No. Bawal ka umabsent. Hindi pwede

Ayoko.

Mawawala lang to. Ako pa. May healing powers ako eh.

Nag-ready na ako and umalis na agad para pumasok. Wapakels ako kung umiikot ang mundo. May test kami ngayon. Ayokong mamiss yun dahil lang sa pag-iinarte ng katawan ko.

Pagkarating ko sa school, sa locker area ako dumiretso. Pagbukas ko...

Another hate note? Damn. Nakakarami na ako ha.

Simula nang buhatin ako ng walang hiyang mokong na yun, ayan nagsilabasan ang haters ko. May mga nagsusulat sakin at nilalagay nila sa locker ko. Anong mga sinasabi nila? Pare-pareho lang naman.

"You're such a bitch."

Kung hindi naman...

"Bumalik ka na sa pinanggalingan mo."

"Slut. Shoo!"

At eto pa. Ang pinakanakakainis sa lahat.

"Kung gusto mo si Terrence, sabihin mo lang. Hindi yung inaagaw mo yung atensyon niya. Attention seeker!"

Diba nakakainis? Edi sa kanila na si mokong! Wala akong planong makipag-agawan sa kanila. Mga tanga lang? Nakikipag-away nga ako diba?

Pero hindi naman puro hate notes ang natatanggap ko. Meron ding mga...fan notes? I don't know what you call it.  May mga love notes din. Weird, right? Anyways, wala akong panahon para ikwento lahat ng ka-echosan ng mga loveletters ng mga "secret admirers" ko. Hahaha!

Teka. What is this? It says...

"Meet me after school. Sa likod ng building C. I have something to tell you. I'll be waiting. -Terrence"

O___O

Anong kalokohan nanaman to? Baka nangtitrip nanaman ang lokong yun. Bahala siya. Pero ano kaya ang sasabihin niya? Ano kaya kung pumunta ako?

"Wag na lang. Baka wala lang yun eh...pero nacucurious din ako! Pero matrip siya. Baka wala lang talaga yun...eh baka importante naman! Pero baka gusto niya lang sayangin ang oras ko...jeez!" Hinawakan ko yung note sa right hand ko habang sinaraduhan ko yung locker ko.

"What's that?"

"Ahh, eh Sofie. Nandyan ka na pala. W-wala lang to. A-another hate note." Sagot ko.

"Again?" Diba? Sabi sainyo nakakarami na ako eh. Tingnan mo pati siya parang naiirita na.

"Yeah. Halika na." Binulsa ko yung note.

--

Damn it! Ang sakit talaga ng ulo ko! Walang biro. Naluluha na nga ako eh.

"Number Two." Wag ngayon. Please T____T

"Number Two, you look awfully pale." Pale? Ganyan ba ka-obvious?

"So? Wag mo 'kong pakialaman. Yan ang trip ko ngayon."

"Just saying." Wag ka na magsalita please lang. Nkakadagdag ka ng sakit ng ulo.

"Whatever."

I'm Inlove With My Rival [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon