Chapter 5

7 0 0
                                    


"Beshy Aki, san ka?"

*silence*

"Hoy! Beshy! Sagutin mo naman ako. Sinagot mo pa yung call ko kung di mo man lang ako kakausapin. Shunga ba you?"

*silence*

"Akiii! C'mon! Cheer up bes. Wag kang magmukmok diyan sa kwarto mo. Anukaba! Tara gala na lang tayo." sabi ulit ni Aira sa'kin.

"Para san pa? Ayoko nang mapahiya dun. BWISIT BES! Nahihiya na talaga ako! Waaaaaah. Pano na 'to ngayon?! Yun lang naman pinakamalapit na mall dito!"


Tama po kayo. Nahimatay ako sa mall nung time na yun. 2 days ago na pero hindi pa rin maalis sa isipan ko nung pinagtinginan ako ng maraming tao. Ni hindi man lang ako tinulungan nung mahimatay ako. Tss. Mga tao talaga ngayon. Ang natatandaan ko na lang ay dinala na ako ni Stephen sa bahay. Andito na ako sa kwarto nun pagkagising ko. Kaya ayaw na ayaw ko pang lumabas at gumala. Nakakahiya! Bwisit yun! Baka ikinalat na ni Stephen sa barkada kaya ayaw ko pang makarinig ng kahit anong kahihiyan.


"Che! Mukha mo nahihiya? Haha don't me bes! C'mon! Ano? Ako pupunta dyan or ikaw ang pupunta dito?" tanong niya sa'kin.


Ang kulit lang talaga ng babaeng ito. Mas mabuti pa nung may trabaho siya kasi hindi siya makakapangulit sa'kin pero ngayong wala na, my ghad! Help her. Ayaw ko pang lumabas. *Iyak na this*


"Ayaw ko nga 'diba? Tsk. Tsaka isa pa, wala akong pera. Walang gig na nangyari kagabi kaya wala akong pera ngayon." sagot ko sa kanya.

"Libre kita. Sige naaaaaa."


"Wait, san ka nakakuha ng pera? Eh 'diba wala kang trabaho?"

Mislaid by febexxiWhere stories live. Discover now