Prologue

25 4 0
                                    


Nakita ko siya.

Dala dala niya ang paborito niyang gitara.

Hindi ko alam kung saan siya patungo.

At hindi ko din alam kung sino o ano ang pupuntahan niya.


Gusto ko siyang lapitan pero ayaw ng mga paa ko.

Gusto ko siyang yakapin ngunit tila parang may magnet ang mga paa ko at kusa itong dumidikit sa kinatatayuan ko ngayon.

Gusto ko siyang makita ulit.

Namimiss ko na siya.


"Mahal, namimiss na kita alam mo ba yun? Gusto kitang yakapin at halikan pero ayaw ng mga paa ko. Nakakatawa nga eh. Natitiis kitang hindi mahawakan." Nasabi ko na lang sa sarili ko habang pinapanuod pa rin siyang lumalakad palayo.


"Alam ko namang mahal mo din ako. Ngunit kailangan kong lumayo. Kailangan kong umalis sa katotohanan dahil ayaw ko nang mabulag ulit. Hindi ko na kayang makita ka pang masaya sa piling ng iba. Sana naman maging masaya ka na sa piling niya." Hindi ko na napigilang maiyak. Tumutulo ng kusa ang mga luha ko galing sa'king mga mata.


"Kasi ako? Masaya na ako. Masaya na ako sa buhay ko at wala na kong balak pang guluhin ulit ito. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita Ethan. Lagi mo sanang tatandaan 'yan." Sabi ko sa hangin at tuluyan nang naglaho ang Ethan ko.


Saan ba ako lulugar?

Napapagod na ako.

Napapagod na talaga ako kaya ngayon ay tama na sigurong bumitaw na ako.

Ipagdadasal ko na lang ang kasiyahan niya.

Maraming salamat sa mga alaala.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga iyon.


Author's Note: Hello po readers and writers as well! :) sana po magustuhan niyo ang story ko na 'to. Siguro maa-update ko 'to everyday pero hindi pa ako sure kasi malapit na yung pasukan kaya busy siguro ako nyan. Pero I'll make sure na everyday, may mababasa kayo. :)

Please support my other story, "I do believe in forever". Nasa profile ko po siya. :)

Thank you po ulit at sana po magustuhan niyo ito. :)

I'm sorry for the typos and grammatical errors. Hindi naman po ako ganun kagaling mag English. Slight lang. Haha. Hope You Understand! :)

Mislaid by febexxiWhere stories live. Discover now