One

684 16 0
                                    

Hi Ako nga pala si Kelly Suarez. You can call me Kelly.!!

Wala kaming paki umupo ka"-Sigaw nung isang lalaki

Go on, Kelly continue!!"-Sabi nung prof namin

Kaya naman kahit na halatang tawang tawa sila sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagpapakilala sa sarili ko.

I am Seventeen years old.

Seventeen ka lang. Muka ka ng Lola!!!"-Sigaw naman ulit ng isang lalaki.

Bakit pa kasi kailangang magpakilala lagi sa firstday of class. Nakakainis.

What is your motto in life?!"- Tanong sa akin nung prof.

Ahm... Time is gold po"-I said

Baka FOOD IS GOLD"- sabay sigaw na naman nung lalaki na nakaupo sa likod

At ano pa ba edi nagtawanan ang lahat pati nga yung prof namin hindi napigilang matawa. Ako naman umupo na sa upuan ko ng sobrang hiyang hiya. Nang paupo na ako sa upuan ko biglang tinggal nung lalaki sa likod ko yung upuan kaya naman ako napaupo sa sahig.

Magdiet ka kasi.... Pati upuan ayaw ka nang paupuin."- Sigaw nung lalaking humila . Edi nagtawanan na naman sila. Lalo na yung lalaking humila. Sa sobrang tawa niya. D niya napansin na tumulo na yung sipon niya kaya naman. Napatingin kaming lahat sa kanya. Siya naman napatigil sa kakatawa. At pasimpleng pinunasan yung sipon siya gamit yung kamay niya. Edi siya naman yung pinagtawanan. Tumawa rin ako ng pasimple atsaka umupo na sa upuan ko.

Okay, Class.. Tama na yan. !!! Sigaw ng professor namin.

Nanahimik na ang lahat kaya naman Nagturo na yung professor namin. Napatingin ako sa katabi ko. Napatingin rin siya sa akin at nginitian ako. Mukang mabait siya kaya nginitian ko rin siya. Tapos tinanong ko narin yung pangalan niya.

I am May, "-She said sabay ngiti ulit sa akin. Hindi na kasi siya nakapagpakilala sa harap natigil kasi nung sa akin. Ayaw ba naman akong tigilan sa kaasar ng mga classmates namin lalo na yung mga lalaki. Kaya nagturo na lang yung prof namin.

Muka talaga ang bait niya. Nakikita ko kasi siya kanina. Hindi siya tumatawa kapag inaasar ako.

Bell ring!!!!......

Okay Class!!!Dismiss!! "-Sabi nung prof namin. Lumabas din ako bigla. Nagugutom na rin kasi ako. Nangbiglang mahulog ang mga gamit ko sa sahig. Ano pa......!!!! dahil may bumangga na naman sa kin.

Pinulot ko isa isa. Nang bigla nakita ko na .... tumutulong si May sa pagpulot. Pagkatapos niyang pulutin Binigay na niya sa akin. Next time magingat ka!! "-She said habang papalakad papalayo sa akin

Sanay na ako sa mga pangbubully nila sa akin. Duh.... Elementary pa lang kaya. College na ako ngayon at mas tumaba pa daw ako sabi nila. Pero hindi ko pa rin mapigilan na masaktan.

Dumiretso ako sa canteen. At umorder ng 7 cup of rice at limang order ng ulam. Syempre pinagtitinginan ako ng estudyante pati nung mga tindera. Hinayaan ko na lang sila. At simulan na ang pagkain ko. Gutom gutom na kaya ako.

Nang nasa kalagitnaan na ako ay enjoy na enjoy ako sa pagkain ng may biglang umupo sa table ko. Nang tignan ko si May pala.

Grabe ka!!!!Kaya mong ubusin lahat yan"-Pagtataka niyang na nakatingin sa mga pagkain ko.

Hindi ako makapagsalita dahil punong puno pa yung bibig ko kaya tumango na lang ako.At siya naman gulat na gulat.

Natawa naman Ako sa reaksyon niya ng matapos ko ng nguyain yung pagkain ko. "Nagulat ka talaga, D ba halata sa katawan ko na kaya kong ubusin yan.."-- Napatingin siya sa katawan ko sabay sabing "- Oo nga.

Ang Buhay Ng Matabang BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon