1st Panyo

75 0 0
                                    

(A/N: First story ko po to, nakakahiya, sana po magustuhan niyo. Enjoy!)

*Panyo*

Naniniwala  ba  kayo  na,  once na
binigyan  ka  ng  panyo  ng  isang  tao ibig  sabihin,  papiyakin  ka?

Well, ako? Hindi, alam mo kung bakit?
Ganito kasi yun,

School

"Friend, si Rylle? Ba't di mo kasama?" Nagtatakang tanong nang kaibigan kong si Aymae.

"Na sa room, may pinapagawa daw si Ma'am sabi niya sa text," sagot ko.

"Boyfriend nagpapaantay?" Inis niyang sabi. "Andyan na si Bryan." Niyakap siya nito. "Mauna na kami, puntahan mo muna yun sa room baka inatake nanaman yun ng sakit niya. " She rolled her eyes. "Alis na kami ingat ka."

"Sigue Friend ingat," tugon ko.
Kahit kailan hindi talaga naging boto yang si Aymae kay Rylle di ko alam kung bakit, siguro dahil dati siyang manloloko pero ngayon di na.

Pumunta na ako sa room.
Tahimik at wala ng tao sa ibang room.
Pagbukas ko ng pinto, "Rylle?!" Sigaw ko, kasabay ang pagpatak ng luha ko.
Isang di inaasahang pangyayari kasi ang nakita ko. I saw him kissing with Ylene, his Ex-girlfriend.

Tumakbo ako papunta sa lugar kung saan walang  katao-tao
Dito na bumuhus ang luha ko.

"Bakit ikaw pa? Bakit kasi minahal kita, ano bang mali sa akin?" Sigaw ko. Di ko maiwasang humagulgul.

"May mga bagay talaga na akala natin sila na para satin-" napalingon ako sa likod ko. "-di naman natin alam na mangyayari satin to eh, ang alam lang natin ay nagmahal tayo," Dugtong niya habang naglalakad papunta sa akin. "Kaya wala tayong ibang magawa kundi ang tanggapin, mahal natin eh," Nakangiti niyang sabi. Akala niya ba ganun lang kadali? Ang hirap kaya. Kaya lalo akong napaiyak. Napansin niya siguro kaya may panyo siyang nilabas at inabot sa akin.

"Para saan?"

"Basang basa na yung damit mo" Turo niya sa damit ko. Nakakainis bakit kasi ngayon ko pa nakalimutan yung panyo ko.

"Ayoko baka papaiyakin mo lang ako lalo" pumasok sa isipan ko yung kasabihan.

Tumawa siya ng mahina. "Tss, naniniwala ka dun?" Tinignan ko siya ng masama. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Kainis. "Hey, gusto kong ibigay tong panyong to para ito ang magpapahid  ng luha mo hindi ang magpapaluha sayo, ano bang ginawa ng panyo? Sinaktan ka ba? Yan panga ang nagpapahid  ng luha mo eh," he said while taping my shoulder. "Tahan na, tama na yan."

Oo nga no? Bat ko nga ba sinisisi ang panyo? Tsk! Ginamit ko yung panyo niya, pinunas ko sa luha ko,

"Galing noon ah, saan mo na kuha yun?"

"Imbento ko lang yun, yan ngumingiti ka na, ganda mo talaga pag nakangiti, I'm sure manghihinayang yung boyfriend mo,(tinignan ko siya ng masama) I mean Ex pala."

"Salamat,(inabot ko sa kanya ang panyo)"

Tinignan niya lang yung panyo, sabay ngiti,
"Lalabhan ko na lang, balik ko na lang bukas"

"Alam mo, kahit huwag nalang sayo na yan, keep it as a remembrance"

"Kala ko kasi ayaw mo ng tanggapin kasi ginamit ko na"

"Tsk! Di naman ako ganoon ka sama, by the way, I'm.."

"Julian, kilala kita," I  know him, he was Rylle's bestfriend,  at minsan kong naging crush pero di naman kami ganoon ka close.

"Di ka pa uuwi? 5:30 na oh dumidilim na,"

"Hala oo nga pala, uggghh! Sigue alis na ako"

"Hatid na kita,"

"Di nakakahiya, huwag na, ok lang"

"Tssss, pasaway ka, nakalimutan mo bang sawi ka? Baka mamaya niyan kung saan saan ka na mapunta, tara na,"
Wala na akong nagawa, kundi umuwi kasama siya.

It was nice to be with him,
Sobrang dami niyang kwento tungkol sa mga walang kwenta, pero kahit ganoon well masaya naman.
Sa bahay,

"Salamat sa paghatid ha,  I appreciate it. Nakakahiya nga eh."

"You're welcome, tssss huwag ka ng mahiya next time"

"Oo ba, sabi mo eh."

"Ahmm, Sheena can I get your number? In case if there's Emergency"

"Emergency?? That term =_= para akong batang walang nanay, Give me your phone."

Inabot niya yung phone niya, at nilagay ko na ang number ko.

"Oh," Inabot ko na sa kanya ang phone niya.

"Thank you, text -text  na lang"

"Sure, thank you ha for being with me tonight"

"Wala yun, sigue alis na ako, Goodnight Sheena"

"Goodnight,  ingat ka"
Tumango siya sabay alis.

Tulad ng sabi niya nakalimutan kong  sawi pala ako ngayon, ngayon ko lang ulit naalala, sakit talaga.

Si Aymae kailangan niya malaman to.
Tenext ko si Aymae sinabi ko sa kanya lahat, hinihintay kong magreply siya.

"Sana nga di niya ako papaiyakin," sabay lingon sa panyo ni Julian. Sna bukas everything well be okay. Sana nga ganun ka dali, bakit kasi naniwala eh alam ko naman sa una na hindi na talaga siya matino, lahat ayaw sa kanya, kasi ang dami niyang sinaktan. Akala ko nagbago na siya, pero hindi eh, expectation is really far from reality.

Habang patuloy sa pagiyak may nagtext, baka si Aymae.
From Unknown number:
Hi ^_- si Julian to, okay ka na? If not well, huwag ka nalang muna  magreply, si Rylle sows =_= , wala talagang hiya yun, makakalimutan mo rin yun, tulugan mo lang.

Ay si Julian pala, replyan ko nga,
Hello :) ok na ba ako? Ewan eh, di ko alam sana nga bukas okay na lahat, pero hindi eh, magang maga na yung mata ko, di siguro ako makakapasok bukas, thank you Julian ha.
Huwag ka nalang muna magreply, tulog ka muna, ita-try ko muna matulog. Thank you ulit.

Di parin ako  makatulog,
Hayyy, tsk!
Nagreply si Julian, pasaway talaga.

"Okay, I understand, Sheena sana makatulog ka na. Goodnight :)"
Pinipilit kong matulog, pero.
1:00 am nakatulog na ako.

PanyoWhere stories live. Discover now