II

0 0 0
                                    


Hi D miss na kita ang tagal na nating hindi nagkikita.

Bakasyon kase e. Oo nagkakatxt tayo pero namimiss parin kita.

Gusto na kitang makita.

Pero...

Hindi pwede yun.

At alam nating pareho yun.

Pero naaalala Kong ngayong araw nga pala yung swimming natin.

Inayos ko ang gamit ko at nagpaalam na kila Mommy..

Katulad ng napagusapan natin nakita kita sa meeting place natin dahil napagusapan natin na magsasabay tayong pumunta sa resort.

Napakasaya.

Yan ang perfect word para sa araw na to.

Naging napakasaya ko dahil Kahit madami tayo, parang may sarili tayong mundo.

Naging masaya tayo ng araw na yun at parang kinalimutan natin ang Mga nakapalikid satin.

Na hindi natin inisip ang kahihinatnan nito.

Na hindi natin naisip ang mangyayare ngayon.

Na kinabukasan pala ng isang masayang araw ay haharapin nanaman natin ang Mga problema.

Galit.

Yan ang reaksyon ng Mga taong nakapaligid satin dahil  sa pagiging masaya natin kahapon.

Selfish.

Yan ang tawag nila sakin. Dahil napaka selfish ko daw dahil hindi ko manlang daw inisip ang nararamdaman ng kaibigan Kong may gusto sayo.

Palagi nalang bang ganito?

Palagi nalang ba Kong magpaparaya para sa kasiyahan ng iba?

Nakakapagod na.

~A

Para Kay D (Her side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon