V

0 0 0
                                    


Hi D. Kanina nung nakausap kita sabi mo break na kayo.

Pero bakit ganun kahit na nagbreak kayo parang wala lang sayo?

At bakit lapit ka ng lapit sakin?

Bakit nagiging sweet ka nanaman sakin?

Bakit parang nauulit ang nangyari dati?

Eto na ba yung matagal ko ng hinihintay? Ang bigyan ako ng pagkakataon na Baguhin ang Mga desisyon ko?

Eto na ba yun?

Bumaba ako sa hagdan at nagpunta sa sala at laking gulat ko ng makita kita.

"Anong ginagawa mo dito?" Yan ang bungad ko sayo.

"Binibisita ka" nakangiting sabi mo.

"Wala naman akong sakit kaya't bakit mo ko binibisita?" Nagtatakang tanong ko.

"Bakit may sakit lang ba ang binibisita?" Biro mo.

Tinawanan nalang kita at nagbihis ako at dumiretso na tayo sa court malapit samin at naglaro ng basketball.

Nang pareho na tayong pagod ay Nagpunta muna tayo sa park na katapat lang ng court at doon nagpahinga. Bumili ka ng Mga street food at pinaghatian naman natin yun.

"Namiss ko yung ganto" out of the blue na sabi mo.

Ngumiti nalang ako sakanya bilang sagot.

"Namiss ko yung bonding nating dalawa" pagpapatuloy mo habang nakatahimik lang ako.

"A ,kung bibigyan ka ba ulit ng pagkakataon na pumili. Pipiliin mo parin ba ang magparaya o pipiliin mo Kong ipaglaban?"

~A

Para Kay D (Her side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon