X

1 0 0
                                    


Hi D. Siguro Ito na ang huling sulat na magagawa ko para sayo.

Hinanghina na ko at alam Kong hindi na talaga ko magtatagal.

Alam kong bukas o mamaya lang ay mawawala na rin ako.

Maraming salamat sa Mga oras na ginugol mo sakin. Maraming salamat sa pagmamahal mo sakin.

Maraming salamat sa lahat.

Sana ay wag mo Kong kalimutan.

Mahal na mahal kita D.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at akala ko ay nurse ko lang Ito pero ng tingnan ko ay laking gulat ko ng makita ang muka mo.

Nakatingin sakin habang lumuluha..

Niyakap mo ako ng mahigpit. Habang patuloy parin sa pagpatak ang Mga luha natin.

"I'm sorry" mahinang sabi ko.

"Shhh"

Namiss ko ang yakap nya. Sobrang namiss ko to.

"I love you D. Mahal na mahal kita" nanghihinang saad ko.

"I love you too A. Mahal na mahal din kita. Sorry kung ngayon lang ako dumating at hindi kita naalagaan."

Iyan ang huling narinig ko bago manlabo ang Mga Mata.

Nagising nalang ako na nasa ospital na ako.

Sinusulat ko nalang ngayon Ito dahil alam Kong Ito na ang huling sandali ng buhay ko.

D, Simula ng makilala kita nagbago ang buhay ko. Kahit na lagi ako nagpaparaya hindi ko parin kayang mawala ka sa tabi ko. Nung maging mag-MU tayo. Yun ang Mga pinaka masayang sandali ng buhay ko. Ang makasama kita ng walang iba pa iniisip. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko kahit mamatay pa ko. Mahal na mahal kita D, kung sakali mang magmamahal ka ng iba kapag wala na ko maiintindihan ko dahil ang gusto ko lang naman ay sumaya ka. Wag mong pababayaan ang sarili mo mahal na mahal kita D.

~A

Para Kay D (Her side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon