CHAPTER 2

25 2 0
                                    

Heavens Door

Now my story get started I dont expect anything but everything is unbelibable.

------------------------------------------------

Pagka mulat ko sa mga mata ko napansin kong nakahiga pala ako nakitakong nakatingin sa akin si Chad pero hindi ngalang diretyo sa mata ko. Teka bakit umiiyak siya.

" Uyy Chad bat ka umiiyak "sabi ko pero di niya ako pinansin.naka upo lang siya sa gilid ko.

Tumayo na ako at narinig kong umiiyak parin siya.

" hoy Chad oras na ano ka ba may flight pa tayo " sabi ko. Habang pinapagpag ang damit ko. Baka di pa naka move on sa nangyari ng muntik na siyang mahulog sa tulay.

Pero di parin siya sumasagot kaya lumingon ako paharap sa kaniya at Ng tatapikin ko na siya sa braso ng maaninag ko yung babaeng naka handusay kaya kaagad ko itong pinaka tignan.

" Hi-hin- hindi. Hindi to totoo " napaatras ako palayo kay Chad at napa upo sa sahig ng makita ko ang katawan kong naka handusay sa sahig at punong puno ito ng dugo. Hindi ko napigilang umiyak.

" wag please wag " tinapik tapik ko ang mukha ko. Tumayo ako at nilapitan si Chad pilit ko siyang hinahawakan pero tumatagos ang mga kamay ko sa kaniya.

" Chad andito ako sa tabi mo hindi ako yan " pilit kong sina sabi sa harap niya at umiiyak.

" uyyy Chad hindi ako yan hindi pa ako pa-patay " sabi ko habang siya naman ay humahagulgol sa pag iyak.

Tumingin tingin ako sa paligid nakita kong may lalaking nakatayo malapit sa sasakyan, mukhang balisang balisa at hindi mapakali habang nakatingin sa hawak niyang cellphone. Nilapitan ko ito.

" kuya tu-tulungan nyo naman ako please " sabi ko pero hindi siya nakikinig. Patuloy parin ang pag tulo ng mga luha ko.

Maya maya may dumating na ambulansiya at mga pulis sa kabilang banda nakita ko ang napaka liwanag na lugar linapitan ko ito at mas lalong lumiwanag kaya ipinantakip ko ang isang kamay ko para matakpan ang liwanag nang ......

Te-teka nasaan ako ?? Sa isip isip ko. Bigla nalang akong napunta sa isang napaka gandang lugar na ngayon ko lang napuntahan at ngayon ko lang nalaman na may ganitong klasing lugar puno ng mga sarisaring bulaklak at mga makukulay na mga puno ni kahit anong piraso ng dumi ay wala akong makita napaka linis mistulang malawak na hardin na kahit sinong maka punta dito ay pipiliin nalamang maparito.

" pssst ! "

Lumingon ako kung saan ko narinig ang isang.... Isang anghel? Sumeniyas siyang lumapit ako sa kaniya kaya walang anuman linapitan ko naman siya.

" sumunod ka sa akin " sabi ng isang napaka gwapong nilalang ay este anghel na may suot na mahabang puting damit na bumagay naman sa kulot na buhok niyang mahaba na kulay itim na may habang hanggang balikat at mata niyang kulay itim rin at agaw pansin ng kaniyang pulang labi OMG ang gwapo niya grabi hahahaha.

" hoy wag kang tumunganga diyan " sabi niya kaya natauhan ako.'Tsk. sa lahat ng anghel siya ang masungit.Grabi na tunganga na pala ako Hay tama namuna ang landi 'sa isip isip ko. Kaya sumunod na ako sa kanaya.

" ahh pwedi mag tanong ?" Sabi ko habang nag lalakad kami

" nag tanong kana " sabi niya hays sungit

ANOTHER LIFE Where stories live. Discover now