Sa sumunod na araw, hindi muna kinausap ni Kiel si Sam. Ayaw din niya munang makita ito. Wala pa siyang lakas ng loob para magpakita dito dahil sa nagawa niya kahapon kahit sinabi pa sa kanya na wala siyang kasalanan kung naging anyong beast siya ng mga oras na yun. Sinisisi niya ang kanyang sarili.
"Gusto kong ikulong siya ng isang linggo. Put him in the elite's dungeon and ignore him if ever asks getting out. Sa ngayon, wala akong pakialam kung best friend niyo siya. Nagdulot siya masyado ng gulo at bagay lang sa kanya ang parusahan." Yumi Sandoval— isa sa bodyguards in their school.
Walang nakapagsalita kina Kyroune at Reign. Masyadong mahaba ang isang linggo.
Hindi na rin nagreact si Francine dahil balewala lang ang pagmamakaawa at pakikipagtalo kay Yumi, kilala kasi itong pinakastrikto na bodyguard sa buong Enchantedfriars Academy. Kahit sabihin na close siya dito sa mga kaibigan. Pero hindi nagpapigil si Kyroune.
"Isang linggo? Noona nahihibang ka na ba? Hindi mo kami mapapayag na hayaan na lang na ilock si Kiel doon ng isang buong lin—" bigla siyang tumigil sa pagsasalita ng makita niya ang malamig ngunit nakakatakot na titig ni Yumi sa kanya.
"But how could you possibly let us do this when his attack on Sam was all sudden?"
Huminto si Yumi sa tapat ni Kyroune, lightly placing an index finger on his chest, pushing him back. "Oo, hindi nga niya yun sinasadya but how could I not punish him? He's a beast."
"No, he's not." Sabay na sabi ni Reign at Francine. "Si Kiel ay si Kiel at ang beast na nasa loob niya ay gawa ng kanyang evil aunt."
Napatingin si Kyroune sa gawi nina Reign at Francine at halata sa mga mukha nito ang pait at lungkot. It was like something has reached through his body and squeezed his heart.
"Be glad you aren't going with him, Kyroune Chavez. Baka nakakalimutan mo, nasira mo ang Auditorium para lang pigilan siya." Saad ni Yumi. She gave the three of them a glare before leaving.
Francine called out for Kiel who was waiting outside Yumi's office. Kyroune and Reign came forward as they held him by both arms, escorting him to their Academy's so called dungeon. She watched her three bestfriends walk away and it hurt her to see Kiel willingly went.
"Dapat nakipagtalo ka kay Yumi unnie. Mahaba na ang isang linggo, freaking idiot." She spoke in his mind.
Nakakapagusap sila gamit ang kanilang mga isip. It was one of the common things between them.
"Mahaba nga ang isang linggo pero hindi naman ganun kasama ang kulungan kaya okay na yun." Sagot ni Kiel
"Idiot ka talaga. Sigurado kang magiging okay ka lang?"
"Wag kang mag-alala Francine Lim, makakasurvive ako."
***
Sam tied her half soak hair with an elastic band. Kung alam lang niya na uulan pala ngayong gabi ay hindi nalang siya lumabas at naglakad-lakad. Hindi sa ayaw niya umulan, ayaw niya lang talaga ang nababasa.
"Saan si Kiel? Limang araw ko na din siyang hindi nakikita." Tanong niya kina Francine at Reign pagkapasok nito sa kwarto nila— she's been sharing a bedroom with her two bestfriend in their Academy's luxurious dorm for almost seven years now.
Hindi sumagot si Francine.
"Nakakulong siya ngayon." Aniya ni Reign na busy sa pagbubukas ng iba't ibang website.
Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ni Sam bago ito nakapagsalita. "Bakit siya nakakulong?"
"The reason is obvious, my dear."
"Biglaan lang yun at ang beast na nasa loob niya ay hindi siya mismo. Alam natin lahat yun."
"I know, Sam." Binaba ni Reign ang laptop at nilagay sa gilid ng kama nito. "Trust me, kahit si Kyroune at ako ay ayaw namin na makulong si Kiel doon pero yun ang utos ni Yumi unnie, kung ano ang sasabihin niya ay yun talaga."
BINABASA MO ANG
Hybrid Lovers [COMPLETED]
Fantasy"I believe that true love has no boundaries." [Tagalog x English written] Started: October 19, 2016 Finished: March 19, 2017 RANK ACHIEVEMENT: #933 IN FANTASY #873 IN FANTASY #908 IN FANTASY