"First Sight"

24 0 0
                                    

June 1 ngayon at binabalak kong bumili ng gamit ko sa school. Lapit na naman kasi ang pasukan, buti na lang huling taon ko na ngayon as a college student. Yess!! Makakagraduate na rin ako! ^_^

By the way, I'm Mark Enzo Martinez, 4th yr. College and a part time student assistant sa university namin. Maputi, 5"8 ang height, chinito, payat at laging nakapolo shirt (kaya inaasar nila akong nerd). Nagpapart time din ako sa callcenter. 4 hours lang naman ang shift kaya okay lang.

Makakagraduate ako ng dahil sa sariling pagsisikap. Lolo ko ang kumupkop at nag-alaga sa akin simula ng iniwan ako ni mama. Yung tatay ko? Hindi ko siya kilala, nakilala at wala na akong balak makilala. Hindi ko nga rin alam kung buhay pa siya o hindi na. hehe. Pero, kuntento na ako sa pagpapalaki ng lolo ko. Sana nga lang hindi niya ako iniwan agad. haaay.. :( Gusto ko kasi na siya ang kasama ko sa Graduation day ko at makita niya ang medalyang makukuha ko. (running for cum laude kasi ako. Eheem! Eheem!)

Wala ako masyadong kaibigan, bukod lang talaga sa bestfriend kong si Cyrus Lee, Nakilala ko siya simula nung mag 1st year highschool ako. Napaka-cool nya! Malayong malayo ang itsura namin! Siya yung ma-porma, at ako yung nerdy, Siya yung mahilig sa chicks, ako yung umiiwas, Siya yung mahilig magparty, at ako yung mahilig mag-aral.

Pareho kaming student assistant, at call center agent. In fact, nasa same team pa kami sa trabaho. Sadyang maswerte lang kaming dalawa at lagi kami pinagsasama sa lahat, na kahit sa bahay eh magkasama kami. Parang binabantayan niya nga rin lahat ng galaw ko eh, hahaha, minsan naiisip ko, bading kaya yun? hahaha :p

Iniisip ng iba na bading kami, pero HINDI! at wala rin akong balak patulan yung kupal na yun noh?!

"tsk. tsk." Napapailing na lang ako, Napakadrama ko na naman! nakakasira ng pagkalalake.

"Makapagumpisa na nga!" Sabi ko sa sarili ko habang papalabas ako ng Starbucks.

"Napakadami namang tao dito! Haay.." ang sikip na kasi ng mga daanan dito sa mall. Dagsa na kasi ang mga namimili para sa pasukan.

Pagkarating ko sa bookstore agad akong pumunta sa shelf kung saan maraming notebook.

"hmm., Paano kaya ako makakapili nito? ang gulo gulo na ng shelf. naku naman!" Reklamo ko. Pahihirapan ata ako ng mga ito. Wala pa akong makitang sales lady dahil sa dami ng tao.

"Sa wakas!" Napalakas ata ang pagkakasabi ko, pano kasi nagtinginan yung mga tao na malapit sa akin. hehe. (--,)

Papunta na sana ako sa shelf ng mga ballpens ng biglang..

"ARAAYYY!!" Masasapak ko to! Sino ba naman kasi ang hindi makakasapak? Napaluhod kaya ako dahil sa pagkakabunggo niya sa akin!

"sumimasen!" Hinihingal na sabi niya. Hindi pa kasi ako nakakatayo sa pagkakaluhod ko. Kaya hindi ko pa nakikita ang mukha niya.

"Ano? Anong sabi mo? Suman?! Walang suman dito!" Sabi ko habang papatayo na ko. Pero ng makita ko siya.

"I'm so Sorry" Sabay yuko niya, anong meron? Bakit siya yumuyuko?

"Naku! Ano! Okay lang!" Okay lang? hindi okay! Ayoko lang gumawa ng eskandalo dito lalo na't, teka! Babae siya?? 

"Sorry again" Sabay takbo niya.

"Te-Teka!!" Babae siya, Hindi ko lang makita ng maayos ang mukha niya dahil natatakpan ang mukha niya ng mahabang bangs at ng Hoodie nyang black.

Hahabuli ko na sana siya, kaso nakita kong may mga lalakeng nagtatakbuhan na naka-tuxedo. Tuxedo?? Uso pa ba sa Pinas yun?

"Malas! Malas ang araw na to!" Sambit ko sa sarili ko. 

Itutuloy ko na sana ang pagpunta sa shelf ng mga ballpens, ng bigla naman akong hinarangan ng 1 matangkad na lalake, mas matangkad sa akin ng 5", at may magandang katawan. naka-tuxedo din siya, kaya malamang kasama to ng mga nagtatakbuhan kanina.

"Sorry for the inconvenience sir." Wow! Parang customer service lang ah!

"This is for you." Sabay abot sa aking five thousand pesos!

"Teka! Para saan to pare? Hindi ko kailangan ng pera tol!'

"Take it sir. Arigato!" Sabay takbo din ng isang to.

"Anong sabi niya? Alligator?! o Arigato?!" Ang weird naman! at para saan to? inconvenience? Hindi naman ako nabalian, napaluhod lang ako. Swerte ba to?? hehe. sana araw-araw ko na lang sila nakakabunggo para araw-araw may five thousand ako! atleast, hindi ko na kailangan magtrabaho. hehe.

"Bahala na, ano naman kaya ang gagawin ko dito sa pera?" haay..

"Ang swerter naman niya! Sana ako na lang nabunggo nung babae! tss.." Sabi nung isang lalake iiling-iling na mala-rakista ang dating.

"bakit kaya siya lang ang binigyan ng pera? Nabunggo din naman ako nung iba eh?!" Sabi nung babaeng Hindi naman kagandahan pero halatang maarte.

"Naku naman, magbibigay pa ng problema. tsk." Tumuloy na lang ako sa paglakad kahit iika-ika akong lumalakad.

Pagka-kuha ko ng ballpen agad ko na itong binayaran. at sumakay ng jeep pauwi sa bahay.

Pagkadating ko sa bahay alas diyes na ng gabi, patay ang mga ilaw pero bukas ang pinto.

"Cyrus?? Cyrus nandyan ka ba?" Pinuntahan ko siya sa kwarto niya.

"Lasing ka na naman!" sabay hampas ko sa balikat niya.

"oh! pareeeeeeeee..... hiik.. nakauwi ka hiik.. na pala.. hiik" 

"Gag* ka talaga! Kitang may pasok pa tayo bukas!"

"minshaann lanng hiikk.. naamman.."

"sige na! Magpahinga ka na!" Iniwan ko na siya sa kwarto niya at pumasok na sa kwarto ko.

"sayang, hindi ko man lang natanong pangalan niya. haay.." teka? ano ba tong sinasabi ko? makahiga na nga. 

"bakit kaya siya hinahabol ng mga yon? Magnanakaw kaya siya? Ano kaya kasalanan niya?" kinakausap ko na naman sarili ko. tsk,

"Patay siya kapag nahabol siya ng mga yun! Kawawa naman!" 

"Arrrggghhh!!!" Sabi ko habang kinukuskos ang buhok ko.

"Bakit ba kasi ayaw mong maalis sa isip ko! Paano ako makakatulog nito?! Ipipikit ko na lang ito at pipilitin ko ng matulog." inihiga ko na ang pagkainis at unti-unti na akong nakatulog.. 

Off Limits (On Hold) (Previously: The Gangster's Daughter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon