"BOOGSSHHH!!!""
"Araaaaayyyyyy!" sakit ng balakang ko sa pagkakalaglag sa kama. Napapailing na lang ako habang bumabangon.
Sino ba naman ang hindi mapapailing? Simula nung nakita ko yung girl sa mall, hindi na niya ako tinantanan sa mga panaginip ko.
Panira ng tulog, naapektuhan pa ang trabaho at studies ko dahil lagi ako puyat.
Pang-apat na araw na ito, parehong-pareho noong una. Tumatakbo yung babae habang hinahabol ko siya. Nasa isang maliwanag na lugar kami, at habang papalapit na ako sa kanya at malapit ko na makita ang mukha nya, bigla na lang ako nadadapa. Pagkatapos nun, magigising na lang akong nasa sahig. tsk. tsk. Medyo masakit na rin ang balakang ko dahil sa pagkakalaglag gabi-gabi.
"Pare anong nangyari sayo? Nalaglag ka na naman ba?" Tanong ni Cyrus habang papasok ng kwarto ko.
"Oo Pare! Kainis!" >.<
"Alam mo pare, yang pagiging lampa mo, nakakaugalian mo na! hahahaha!!" Pang-aasar niya.
"Aga-aga pare! Lakas mo mang-asar! Kita mo ng bagong gising!" kabwisit to!
"Hahahahaha!! Sige na nga, hindi na, pero maiba tayo. In-love ka na ba dyan sa mysterious girl mo?" Sabay cross arms at nakahawak sa baba nya na akala mo tatay na kumikilatis ng manliligaw.
"Pare! Malabo yang sinasabi mo, hindi porke napanaginipan ko siya eh maiin-love agad ako. Mas gusto ko parin yung nakakasama ko. Malay ko ba kung bakit siya hinahabol nung mga lalakeng yun? Baka nga magnanakaw yun eh?"
"Alam mo pare, napaka-deffensive mo!" sabay akbay sakin. "What i'm trying to say is, It might be a Love at first sight. Diba? ang tanda-tanda mo na! Magjowa ka naman! Hahahaha!" Nang-asar na naman. aga-aga!
"aray! grabe ka naman pare! Biro lang naman yun." Siniko ko kasi sya at sinuntok sa braso.
"umalis ka na nga dito sa kwarto ko! Aga-aga binibwisit mo ako!" Sabay tayo ko at punta sa sarili kong banyo.
"Pustahan pa tayo pare!" SIgaw nya sa labas.
"Oo Gag*" Sigaw ko sa kanya.
"Sabi mo yan ah! Kapag nakita mo ulit siya kailangan maligawan mo siya at mapasagot! Pupusta ako ng isang milyon!"
"Bahala ka sa buhay mo! Tantanan mo na ako!" Sigaw ko sa kanya. Pati ba naman taong nasa loob na ng banyo at naliligo kailangan guluhin. Konting-konti na lang mapagkakamalan kong bading itong si Cyrus!
"Hahahaha! Game!" Tatawa-tawang lumabas ng kwarto ko.
Malabo naman mangyari yun dahil sobrang laki ng mundo. Kaya matatalo ko si cyrus! hahaha! *evil Laugh* >:D
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Eto na naman ang panaginip ko, Hinahabol ko na naman siya, pero ngayon, Hindi na maliwanag na lugar, kundi isang garden. Ang Haba ng Buhok nya, gusto ko itong hawakan,
"Teka! Hintayin mo ako!" Sigaw ko sa kanya.
Lumingon lang siya saglit, pero hindi ko parin makita ang mukha nya dahil maliwanag na naman.
"Sandali lang!! Hintaayy!!" Sigaw ko ulit.
Sa wakas! Huminto na siya! Nakakapagod kaya ang habol ng habool sa kanya!
Malapit na ako! Yan na! Mahahawakan ko ng ang kanyang mahahabang buhok! Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero sabik na sabik na akong makita ang kanyang mga mukha.
Nahawakan ko ang kanyang mga balikat, Unti-Unti na siyang humaharap, ngunit nakayuko siya.
"Wag ka Matakot, Hindi ako kaaway, kakampi mo ako."
Nakita ko siya ngumiti, ang ganda ng kanyang mga labi. Hindi ko alam pero may umuudyok sa akin na hawakan ko ang kanyang mga pisngi.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Babes..."
"Ano kamo?" Ang bilis naman ata.
"Babess.."
"Ahh?! Babes ang pangalan mo?"
""Babes!!" Bigla syang sumigaw! Na ikinagulat at ikinagising ko naman!
"Hi Baaaaaabes!!!" Nakuuu namaaannn!!! Nandyan na naman si Marcy!! Tsk,! >.< Ang Walanghiyang to! Akala ko tuloy Babes na ang pangalan nung babae sa panaginip ko! TSK!!!
"Babes! Babes! Babes!" Bahala ka sa buhay mo! Matutulog lang ako! Wala ako sa mood!
"Babes!"
"Anak ng Bakulaw naman oh?!!" Sigaw ko.
Sino ba naman kasi ang hindi sisigaw? Bigla ba naman kasi akong yakapin! Nandito pa naman ako sa resting area ng office kung saan may 3 itim na sofang mahahaba at 12 pcs na Bin Bags na nakaharap sa TV para makapagpahinga ang mga employee ng kompanya. For short, Maraming tao! Baka isipin pa ng mga tao na ka-relasyon ko siya! Tsk. >,<
"Sorry Babes! hindi ko naman sinasadya na guluhin ka eh!"
"Hindi pa ba sinasadya yan??? Eh Inaalog mo ako ng inaalog! Bwisit! Makaalis na nga!" Tumayo na lang ako at aalis na. Sa bahay na lang ako magpapahinga. 4 am pa lang naman at 9 pa ang duty ko sa school. Kaya makakapagpahinga pa ako.
"Babes! Kelan mo ba ako mapapansin??"
"Kapag pumuti na ang uwak!" Sigaw ko sa kanya habang nagsasara na ang elevator.
"Mapapasa-akin ka rin!" Huling salitang narinig ko sa kanya bago tuluyang nagsara ang elevator.
"Libre mangarap!" Bulong ko. Dami kasing tao dito sa elevator nakakahiya naman kung sisigaw ulit ako.
Bakit ba hindi ako tantanan nitong panaginip na to? Sino ka bang talaga?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hope you like my update! :)
BINABASA MO ANG
Off Limits (On Hold) (Previously: The Gangster's Daughter)
RomanceSi Enzo ay isang normal na teenager na may normal na buhay. Pinalaki ng kanyang lolo, Iniwan ng ina, hindi nakilala ang ama at kumakayod para makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, isang taon na lang ang natitira bago siya makatapos ay noon pa niya naki...