"Buti na lang at hindi ako na-late! Naku! Malilintikan na naman ako kay Mam Mendoza! Tsk. Pahamak na babae yun! Kung sa office sana ako natulog eh di sana, kahit papaano nakapag-pahinga ako! Pambihirang buhay to oh?!” Pabulong kong sinasabi habang naglalakad.
Nakarating ako dito sa school 5 mins. Before 9 a.m. saktong sakto ang dating ko sa office, buti na lang nauna parin ako kay Mam Mendoza. Kung nagkataon na sya ang nauna, maghapong dakdakan na naman ang magaganap.
Bitbit ko ngayon ang mga gamit ni Mrs. Dela Cruz, P.E teacher dito sa University. At dahil nga sa S.A (Student Assistant) ako, kasama sa trabaho ko ang maging isang TIGASIN! Tiga-kuha atTiga-bitbit ng mga gamit, Tiga-sunod sa utos ng mga guro at Tiga-saway sa mga estudyante na madalas matulog sa loob ng library. Hehe. ( --,)
Nakakapagod ang maging S.A sabayan mo pa ang retention grade na 2.00 sa lahat ng subject para pasok ka parin sa scholarship at mag-patuloy sa pagiging S.A. Sipag ko no?! hahaha.
Nagdday-dream na naman ako, muntik na tuloy ako lumagpas sa gym. Hehe. (--,)
Malawak sa ang gym namin, may basketball court sa gitna at may 4 na palag ng mga bench sa gilid. 5 klase ng mga nagP.P.E ang naka-schedule ngayon. Sa klase ni Mrs. Dela Cruz, ang tinuturo niya ay folk dance.
“hahaha! Nakita mo yung mukha ni poodle kanina habang sumasagot yung panget natin na kaklase? Hahaha! Epic yun pre! Hahaha” rinig kong sabi ng isa sa mga estudyante sa harapan ng gate ng gym. At sabay na nagtawanan ang mga kasama nya sa grupo.
“Mga first year.. Tsk. Tsk.” Bulong ko sa sarili ko.
“hihihi.. ang ganda-ganda talaga nung transferee natin noh?! Siguro, kung lalake lang ako, liligawan ko siya! Nakakainggit naman siya!” Narinig ko naming Sabi ng isang babaeng mukhang 3rd year student. Napalingon ako sa kanya at sa mga kasama niya at agad na tiningnan kung sino yung pinag-uusapan nila.
Natulala ako at biglang kinabahan sa nakita ko. Kahit likod lang ang natatanaw ko, alam kong siya yon. Siya si “Mystery Girl…” at hindi ako pwedeng magkamali.
Bakit ba ako kinakabahan? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Diba dapat puntahan ko na siya at tanungin kung siya nga si Mystery Girl? Pero bakit parang may nagsasabi sa akin na huwag?
“Hindi! Kailangan kong malaman kung siya nga yan!” Napalakas ata ang pagkakasabi ko, dahil biglang nagtinginan ang mga taong malapit sa akin.
“Mr. Martinez!” Sigaw ni Mrs. Dela Cruz.
“Opo Mam, eto nap o mga gamit nyo.” Sabi ko, sabay lagay ng gamit sa bench.
“Okay ka lang ba Enzo? Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon? 3 beses na kita tinatawag pero hindi ka lumilingon. May problem aka ba?” Tanong ni Mam.
“Wa-wala po Mam. Okay lang po ako.”
“Sigurado ka? Alam mo naman na pwede mo ako malapitan. Kilala na kita simula ng bata ka pa. At alam mong hindi matutuwa ang lolo mo kapag nakita ka nyang ganyan.”
Naku naman! Eto naman si Mam, nadamay pa si lolo. Tsk. Si Mam Dela Cruz kasi ay kapit-bahay namin, at siya ang gumawa ng paraan para makapasok ako dito sa University naming.
“Opo, Alam ko po, A-ano kasi.. Hmm.. Ki-kilala nyo po ba yung estudyante na yun?” Sabay turo kung nasaan si Mystery Girl.
“Sino diyan?”
Paglingon ko, wala na siya! Haay! Buhay naman! Baka naman malik-mata ko lang yun! >.<
“Ah, Wala po. Wala na siya. Sige po! Balik nap o muna ako sa Office, kailangan ko pa po kasi tapusin yung mga pinapaayos sa akin na mga files.”
“Sige iho, Wag ka papa-late sa klase ah?”
“Opo Mam!”
Lumabas na ako ng Gym at habang naglalakad, ang dami kong bulungan na naririnig.
1st Group ng mga nagbubulungan:
“Pre! Nakita mo na ba yung transferee? Ang ganda nya noh?!” – Boy Student 1
“Oo pare, Grabe! Mukha siyang anghel!” – Boy student 2
“Tama! Pero, Mukhang mayaman eh, laging nakasunod yung Bodyguard.”- Boy Student 3
2nd Group ng mga nagbubulungan:
“Mukha naming retokada!” – Girl Student 1
“Te! Obvious na bitter ka! Ampalaya? Gusto mo? Maganda naman siya ah? Magkano kaya binayad niya kay belo para pumuti ng ganun?” – Girl Student 2
“Sus! Wala pa siya sa kalingkingan ko noh?!” – Girl Student 3
At sabay-sabay sila nagtawanan. Marami pa akong naririnig, pero hindi ko na lang pinansin
“Sino kaya yun?” Sabi ko sa sarili ko. “Kabago-bago, ganyan na reaksyon ng mga tao dito sa school. Kawawa naman. Tsk tsk tsk.”
Malapit na ako sa Office, ng may Makita akong isang estudyante na may kasamang isang lalakeng naka-tuxedo at naka-shades na black. (Parang Men in Black lang. hehehe. (--,)) Nandun sila sa tapat ng admission, at mukhang nagtatalo.
“Siya kaya yung pinag-uusapan ng mga estudyante dito?” sabi ko sa isip ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad, at mukhang namumukhaan ko yung naka-tuxedo, saan ko ba siya nakita? Hmm... Isip-isip… Tama! Siya yung nagbigay sa akin ng pera nung nabunggo ako ng iba pang lalakeng naka-tuxedo habang hinahabol si Mystery Girl.
“Sino kaya tong babaeng kasama niya? Bakit naman kasi nakatalikod pa yung babae? Humarap ka na banda dito para Makita kita.”
2 metres na lang ang layo ko sa kanila, ng biglang humarap yung babae sa akin.
Eto na naman ang kaba sa dibdib ko. Wala akong ibang nasabi, kundi “Mystery Girl,” Totoo nga ang sinasabi ng iba. Sobrang ganda nya, ang kutis nya, sobrang puti at makinis, ang ganda ng mata niya, ng ilong nyang matangos at labi nyang mapupula.
Muli akong napatingin sa kanya, Bakit ganun? Ang mga mata nya? Bakit malungkot? Gusto ko siya lapitan kaso, Baka kung ano isipin nung kasama nya. Haay… Mystery Girl… Gusto kita lapitan at makilala. Pero Paano?
=============================================================================
AN: I'm So Sorry po sa medyo late na update. Medyo naging busy lang po. Sorry po sa nakayanan ko lang din i-update. 12mn na kasi ako natapos maglaba eh.
Anyway, kung may suggestions kayo, feel free to tell me. Kung may improvement please tell me. hehe. Pa-vote na din po ng story ko. Thanks a lot! :D
-gharghar ^_~

BINABASA MO ANG
Off Limits (On Hold) (Previously: The Gangster's Daughter)
RomansaSi Enzo ay isang normal na teenager na may normal na buhay. Pinalaki ng kanyang lolo, Iniwan ng ina, hindi nakilala ang ama at kumakayod para makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, isang taon na lang ang natitira bago siya makatapos ay noon pa niya naki...