Chapter 5 - Him Again

1 0 0
                                    

anonymous_writer03

Ellie's POV

Na badvibes yata ako kagabi dahil sa text nang mokong na yun. Ang sama tuloy ng panaginip ko. Bad ellie ha? Isisi ba naman dun sa tao ang masamang panaginip.

Bumangon na ako at tinignan ang alarm clock ko. 6:15 na pala. Kailangan ko na magprepare for school, hindi pa naman ako pumasok kahapon. For sure hinahanap ako ni Dianne kahapon. Ikukuwento ko ba sa kanya ang about kay James? Wag na ellie! Baka madulas pa dila mo. Kilala ko pa naman sa Dianne. Di titigil ng kakatanong yun hanggang sa hindi siya ma satisfy. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

I did my morning rituals.

1. Toothbrush.

2. Drink 1 glass of water.

3. Naghilamos.

4. Prepare ng uniform and undies.

5. Prepare ng shoes, medyas at bag ko.

6. Naligo.

7. Nagbihis.

8. Nagsuklay.

9. Naglagay ng beauty products.

10. Inayosan ko ang buhok ko ng kahit anong braid.

Habit ko na yan. Walang mintis, walang kulang. Ganyan pagkakasunod-sunod. Except kung weekends or kaya walang pasok. Alangan naman mag uniform ako diba? Ang tanga lang ni ellie kung ganun.

I look at my reflection from the mirror. Ang ganda mo ellie! I say to myself. Hindi naman sa pagmamayabang but maganda naman talaga ako.

Before I fitch out myself from my room may natanggap na naman akong message. Himala? Binasa ko ang message and it lead me to badvibes. How to kill a man po?

Sender: Psycho

Good Morning ellie! See you sa school. Ciao! :)

I don't want to go to school. -__-







-----

@School

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Tingin sa harap, tingin sa likod. Clear! No sign of Clyde James Santillan. Nakahinga ako ng maluwag dun.

Lumakad na ako papuntang room, kakarating ko lang ng school. At bago ako pumunta dito, nagtalo muna kami ng pride ko ng isang daang beses kung papasok ba ako o hindi. Kasi naman, nabubuwesit ako sa kanya kahit kahapon pa lang kami talaga nag usap. Nag usap ang first time. Magkasama, second time. Huhu ang pangit ng first bonding namin. Ang sagwa mo ellie!


Lakad takbo ang ginagawa ko. Iniisip ko kasi na any minute by now magkikita kami sa hall ng psycho.

"Ellie!"

"Ayy panget!" Nagulat ako dun. Kinakabahan akong lumingon. Pero teka, babae yung boses ah? Makalingon nga.

"Kapal mo bes!" Phew, si Dianne lang pala.

"Sorry naman. Bigla mo ba kasi akong tawagin."

"Bawal ba? Atsaka ba't ka nagmamadali? May humahabol ba sa'yo? Sino? Saan?"

"Oa lang bes? Wala trip ko lang. Akala ko kasi late na ako."

"Late? Eh 7:15 pa lang kaya. 7:45 kaya klase natin." Lame excuse ellie. Nga-nga ka ngayun!

"Ahy ganun ba? Tara na bes." Ayoko dito sa hallway, baka biglang sumulpot yun at magkita kami. Baka anong sabihin or masabi ko. Di ko kayang madagdagan ang pagsisingaling dito sa katabi ko. Daig pa si mommy pag nagalit eh.

"Excited sa math? First time ah. Teka, bakit absent ka kahapon?"

"Eh sa nakalimutan kong klase natin. Napa mall ako." Lies. "Tsaka bakit di mo ako tinawagan kahapon?"

"Hehehe sorry naman bes, wala akong load. Tinatamad din ako mag load kasi naubusan din ng load si Aldwin."

"Ang saya mo bes, puro Aldwin to eh. Landi! Dinaig ako."

"Inggit ka lang kasi wala kang boyfriend hahaha" At binelatan pa ako. Sira batok talaga tong bestfriend ko. Buti napagtitiisan ko ito.

"Whatever. Tara na."

Pumunta na kami ng room. Kahit hate ko ang math. Mas okay na to kaysa si James ang makita ko.

....

Nasira yata utak ko sa math. Nag open up kasi ng bagong topic, eh slow pa naman ako dun. Buti nakatagal ako. At dahil diyan nagutom ako. Tinignan ko sa kaliwa ko si Dianne, magkatabi kami.

"Bes nagutom ako. Libre ka naman."

"Sige ba. Dahil nga-nga ako sa math, manlilibre ako para mawala badvibes ko.

Yes. The best talaga to pag na badtrip. Nanlilibre! Hahaha


@canteen

Pagtingin ko, as usual maraming estudyanteng kumakain. Malamang ellie, canteen nga eh.

"Tara bes bili na tayo" ako.

Papunta na kami ng counter ng may sumulpot na pamilyar na lalake sa akin. Teka!!!

"Hi ellie!"



BADTRIP!

To be continue...



P.S. Itutuloy ko pa o hindi?

My Personal AssitantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon