*Joanna's POV*
Kinabukasan ay nagising ako sa isang kwartong hindi ako pamilyar.
"What?" Na tanong ko na lang at bumangon mula sa pagkakahiga.
"Ow," nasabi ko na lang at agad hinawakan ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito at napapikit na lang para medyo mawala ang sakit nito.
"Here, drink this," sabi ng isang lalaki at pagmulat ko ng aking mata ay si James ang aking nakita.
"James? Anong ginagawa ko rito? A-Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya at hindi inabot ang gamot na binibigay niya.
"Hindi mo naaalala?" Tanong niya kaya ma's kinabahan na ako.
D-Don't tell me...m-may nangyari s-samin?
"Joanna kung ano man 'yang iniisip mo, kalimutan mo na 'yan. Walang nangyari satin," sabi niya kaya agad naman akong nakahinga ng maayos.
"Here," sabi niya ulit at inilagay sa kamay ko ang isang gamot at inabot sakin ang isang basong tubig.
"Para mas mabilis mawala 'yang hang over mo," sabi niya at lumabas na ng kwarto, ni hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya dahil ang bilis niyang nakalabas.
Ininum ko na ang gamot na binigay niya at inayos na ang higaan niya para kahit dito na lang at least nakapag-pasalamat ako. Pagkatapos kong ayusin ang kama niya ay lumabas na ako at dumiretso na sa kwarto ko at naligo na, pakiramdam ko kasi ang lagkit lagkit ko.
Pumili ako ng damit kung saan komportable ako kaya ang pinili ko ay isang simpleng T-shirt, black mini short at tinali ko rin ang buhok ko sa isang messy bun at nag-apply na rin ako ng light make up para at least hindi ganun kaputla at ng okay na ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina.
Pagkapasok ko ay nandun na silang lahat at tahimik lamang except lang sa isang agiw na naligaw yata.
"Eto JK oh, gusto mo ba nito?" Tanong ng agiw. Pagkapasok ko pa lang yan na kaagad ang sumalubong sakin at ang mga tingin nilang lahat maliban Kay agiw pero hindi ko sila pinansin at nagdiretso lang sa pag-upo sa upuan ko, mabuti na lang at hindi dito naupo ang agiw kundi nadumihan na 'tong upuan ko.
Dire-diretso lang ako sa pagkuha ng pagkain at sa pagkain ay ramdam ko ang bawat titig nila. Ah si agiw pala natahimik na ng maka-upo ako.
"Andrea," binasag ko na ang katahimikan dito sa isang napakalamig na boses.
"B-Bakit?" Tanong niya.
"Kailan mo balak ituloy ang naudlot nating laban?" Tanong ko sa kanya habang nilalaro ang tinidor at agad naman siyang ngumisi.
"Kahit na anong oras handa ako Joanna at kahit na saan pa yan," malamig niyang sagot kaya agad akong napatayo at tinarak ang tinidor sa lamesa sa harapan niya.
"Then let's start," sabi ko sa kanya at pinunasan naman niya ang kanyang bibig at tumayo.
"Sigurado ka bang ako ang gusto mong makalaban?" Tanong niya.
"Alam mong hindi ako nakikipaglaban sa mga mahihina," pagkabanggit ko nun ay alam kong may natamaan dun, hindi lang isa kundi dalawa.
"Joanna can we watch?" Nakangising tanong naman ni ate Jasmine.
"Of course. We need some audience," sabi ko at naglakad na papunta sa secret room at ramdam kong sumunod silang lahat. Actually akala ko nga hindi susunod ang Prinsipe eh kaso nakakagulat lang at nasa likuran ko siya ngayon at tinitignan ang bawat galaw ko.
"Hey whore you're coming with us," rinig kong sigaw ni ate Jasmine at hinila ng pwersahan si agiw at kahit na anong pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi niya magawang makatakas sa pagkaladkad ni ate Jasmine sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Predestined Queen
FantasyIsa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa Isa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa mundo ng gulo at patayan Pero... Paano kung bigla na lang mawala ang lahat ng meron sila, kasama na ang buhay nila bilang tao ng dahil lang sa isang pang...