Paano nga ba? (Spoken Word Poetry)

4 0 0
                                    

Paano Nga Ba?

Una akong nabuhay ng wala ka pa.
Sumaya, umiyak, nabuhay ng di ka kasama.
Pero parang nag-iba nung dumating na.
Bawat emosyon, bawat pakiramdam, sumosobra.
Yung dating 'masaya' lang, naging 'sobrang saya'
Yung dating 'masakit' lang, sumobra pa sa sobra.
Yung dating 'ako' lang, naging ikaw yung kasama.
Ngayon, hihiling sana ako. Magtatanong.
Magtatanong kung paano bumalik sa dati?
Nung panahong kaya ko naman kahit mag-isa.
Nung panahong sakto lang, walang sobra.
Hihiling na baka pwedeng magpaturo?
Magpaturo kung pa'no maging masaya kaagad pagkatapos mabigo?
Magpaturo kung pano mabuo ulit kung tinangay mo na yung puso?
Mali, hindi mo pala tinangay.
Kusa kong ibinigay, kaya ngayon, eto ako.
Walang pakiramdam, halos patay.
Walang ibang maramdaman kundi sakit, awa.
Habang naguunahan pa sa pagtulo yung mga luha.
Kasi naman, ba't mo pa ko isinama sa paglipad kung iiwan mo rin pala?
Ayan tuloy, nandito pa rin ako sa ere, hindi makababa, mag-isa.
Masyado na ba akong mabigat para 'di mo isama kung san ka man pupunta?
Kaya kung pwede lang sana, turuan mo naman ako.
Kung paano maging masaya ulit pagkatapos kang iwan ng mahal mo.
Parang ang dali sayo e, gamay mo na ata.
Kasi ako, umiiyak pa rin. Ikaw panay na tawa.
Sabihin mo nga, minahal mo ba talaga ako?
O baka naman wala ka lang mapagkaabalahan at nagkataong abala ako sayo kaya ako na lang din pinagkaabalahan mo.
Sana di mo nalang ginawa.
Okay na naman ako dun sa hanggang tingin lang.
Mas okay pa ko dun kesa sa masabihan ng "mahal kita" na wala naman palang katotohanan.
Sana di nalang.
Maraming ibang bagay na pwedeng gawin.
Magsayaw ka, kumanta, tumawa mag-isa hanggang sa mabaliw.
E kaso, ang gusto mo ata, mambaliw.
Ang galing, nagawa mo.
Nabaliw ako, naloka. Naloko.
Paturo naman kung paano maging maayos?
Ako umiiyak pa, sayo, parang wala lang yung "tayo" na natapos.
Wag kang mag-alala. Susubukan ko.
Na bumalik sa dati. Na maging katulad nung dati.
Dati nung wala ka pa.
Dati nung kaya kong maging masaya kahit mag-isa.
Susubukan ko, nakakahiya naman kasi.
Isang tanong nalang. At pangako, ito na ang huli.
Paano nga ba maging masaya ng wala ka? Paano nga ba?

UNSPOKEN RULESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon