Kaya Ko (Spoken Word Poetry)

5 0 0
                                    

Sa umpisa pa lang, magbibitiw na ako ng pangako.

Pangakong ito na ang huling beses na may sasayangin akong luha para sayo.

Pangakong ito na ang huling beses na makikita mong may kakayahan kang saktan ako.

Nasasaktan habang may luha pa sa mga mata,

dala ng mga ala-ala ng mga pangakong tila napako na.

Na sa bawat oras na maririnig ko ang pangalan mo,

kusang  lilingon ang mga mata ko papunta sa'yo.

Sa'yo na may hawak ng puso ko.

Sa bawat lugar na ating napuntahan,

sa mga kantang magkasama nating sinabayan.

Mga kantang noong una'y di ko naman naiintindihan,

pero nung sumabay ka na, tila lahat ng liriko'y nabigyang kahulugan.

Sa mga pangarap na sabay nating binuo,

sa ilalim ng mga tala, mga bituing para saatin lang kumikinang.

Mga salitang buong puso nating binigkas.

Kasabay ng malamig na panahon,

nagsilbing saksi sa ating pagtakas.

Mula sa reyalidad na walang ibang ginawa kundi tayo'y saktan.

Upang bawat patak ng luha ay pagtakpan.

Pero hindi doon natapos ang lahat.

Pag-gising ko nalang, nakabalik na pala 'ko sa totoong mundo.

Oo nga pala, ikaw ang mundo ko pero malabong ako rin ang iyo.

Hindi saakin umiikot ang mundo mo.

Masakit? Siguro. Pwede.

Mali, hindi lang siguro. Oo, masakit. Siguradong-sigurado, hindi lang 'pwede'.

May karapatan naman siguro akong umiyak dahil sa'yo talaga 'ko dumepende.

Buong akala ko kasi, wala nang wakas kung anong meron tayo.

Nakalimutan kong wala nga palang permanente at lahat nagbabago.

Yung mundong magkasama nating ginawa, ikaw mismo yung sumira.

Sa simpleng mga salita mo, lahat nawala.

Oo, nasasaktan at umiiyak ako.

Pero hindi ibig sabihin na habang buhay na 'to.

Ikaw nga nawala sa'kin, yung sakit pa kayang dulot mo?

Kahit alam kong wala kang pakialam, sasabihin ko na.

Wag kang mag-alala, kaya ko.

Kaya kong makaahon mula sa pagkalunod sa'yo.

Kaya kong kalimutan lahat ng pangakong pinako mo.

Kaya kong iwan nalang 'tong mundo nating wasak na.

Itong mundong ako nalang ang nag-aalaga.

Kaya kong kalimutan na isang beses sa buhay ko, binaliw mo ako.

Na nabaliw ako sa'yo.

Wag kang mag-alala, tutuparin ko ang pangako ko.

Hindi para sayo, o kahit kanino, kundi para sa sarili ko.

Wag kang mag-alala, kakayanin ko.

Sa huling pagkakataon, sasabihin kong mahal kita.

Sa huling pagkakataon, sasabihin kong ayoko na.

Sa huling pagkakataon ay magdadagdag ako ng salita sa tulang 'to para sa'yo.

Tama, kaya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSPOKEN RULESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon