Chapter 28

359 9 2
                                    

{ Dying }

Chapter 28.

Misty

Posible pala na kahit buhay ka pa, parang wala ka ng hininga. Posible pala yung pakiramdam na kahit alam mong buhay ka pa, Parang wala ka ng gana. Yung kahit alam mong pwede ka pang maging masaya, feeling mo, katapusan na. Mahirap. Masakit.

Sobrang sakit.

Akala ko, kaya ko na. Akala ko, nakalimutan ko na talaga sya.

Pero yung makita sya kanina kasama si Aira? Tangina. Masakit pa rin talaga.

Pero may bago kay Aira ngayon, Parang wala na syang sigla. Nakangiti sya pero wala nang kulay ang mga labi nya.

May sakit ba sya?

Maraming tanong sa isip ko, Pero ni isa hindi ‘ko masagot.

Wala akong masagot. Wala akong alam. Hindi ko alam.

  “Sup!”Sabi ni Jill sabay hampas sa braso ko. Kasama nya si Denise ngayon at nandito kami sa tambayan.

   Ngumiti naman ako ng pilit, “Sup?

Pilit akong ngumingiti sa harap nila, kahit ang sakit sakit na talaga.

   “Malungkot ka na naman,”Umiiling iling na sabi ni Jill. “Alam kong mahirap maging masaya lalo na kung malungkot ka talaga. Pero Misty, Kailangan kayanin natin.

Natawa naman ako ng mahina. “Opo, Mommy Jill.”Pangaasar ko.

Sinamaan naman nya ko ng tingin. “Leche!

Natawa nalang ako.

——-

Hi, Misty!”Masayang sabi ni Chlyer ng pumasok sya sa condo ko.

Tumaas ang kilay ‘ko, “Happy ka huh?

Natawa naman sya. “Good mood lang! Ikaw? Kamusta na?

Kung makapagtanong naman itong si Fernandez, Parang hindi kami nagkita kahapon.

Maganda pa din.”Walang ganang sagot ko.

Umarte naman sya na masusuka sya. “Nasuka ako! Grabe. Wag na wag kang magsisinungaling sa harap ‘ko!

-___-

Nangiinsulto ba to?

Kung sinasapak ko kaya sya ngayon din?

Leche!”Akmang papaluin ko sya ng nagtatatakbo sya ng parang bata sa kusina. Napapailing nalang ako.

——-

Euseph

Aira,”Gising ko kay Aira. Nakikita ko ang pamamayat sa katawan nya at wala ng sigla ang katawan nya. Masaya sya, nakangiti sya, pero alam kong ang sakit sakit na para sa kanya.

Sinabi nya sakin na gusto na nyang mamatay.

Pero lagi ko syang nginingitian, at sinasabing “Kaya mo pa, Aira. Wag mo kaming iwan. Gagaling ka, Okay?”

Im all about you • sungjoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon