Chapter 29

117 11 0
                                    

{ Revealed }

Chapter 29.

At some point, You have to realize that some people can stay in your Heart, but not in your Life.

Siguro nga kailangan ko ng maniwala sa kasabihang iyan.

Mahal na mahal ko pa din si Euseph, pero hindi siguro talaga kami meant to be.

Naglalakad lakad lang ako sa may park, bakit ba hindi ko pa din makalimutan ang lugar na ito? Eh dito lang ako hiniwalayan ng taong mahal ‘ko.

”I miss him.

Iyon na lamang ang nasambit ko.

Tumingin ako sa paligid at parang namamalikmata nga ako dahil nakita ko sya na nakaupo sa may swing.

Lumapit ako sa kanya at tinawag sya.
Lumingon sya sakin at tinawag din nya ang pangalan ‘ko.

Nagulat ako ng bigla syang umiyak sa harap ‘ko. Kaya naman napatawa ako ng mapait. Sya pa ang may ganang masaktan at umiyak kesa sakin na sinaktan at ginago nya?

Napagsalitaan ko sya. Mga salita na hindi ko nasabi sa kanya ng sabihin nyang niloko nya ‘ko.

Nasaktan ako ng sinabi nyang mas kailangan sya ni Aira. Bakit? Hindi nya ko naisip? Hindi nya naisip na kailangan ‘ko din sya?

Tinanong ko sya kung bakit nya nasabing mas kailangan sya ni Aira. Nagulat nalang ako sa mga salitang sinabi nya.

May sakit si Aira. Malalang sakit.

Mahirap paniwalaan pero seryoso naman sya. Tumulo ulit ang mga luha sa mata nya. Gusto kong punasan, pero hindi ko kaya.

I don’t stop from loving him, but im tired of showing it.

Mamamatay na si Aira, kaya kahit na mahal na mahal kita, pinili kitang ilet go para sa kanya. Dahil mas kailangan nya ‘ko! Kailangan nya ko.”Umiiyak na sya. “And it damn hurts.

Hindi ako nakapagsalita.

Nasasaktan ka? Nasasaktan din ako, Misty. Umiiyak ka? Umiiyak din ako. Nahihirapan ka? Nahihirapan din ako. Minahal mo ‘ko? Minahal din kita, Misty. At hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Pero hindi pwede, dahil kailangan ako ni Aira.

Damang dama ko ang hirap sa boses nya.

P-pero bakit sinabi mong pinaglaruan mo ko? Bakit hindi mo sinabi ang totoo?

Im all about you • sungjoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon