Epilogue

191 13 4
                                    

{ Epilogue, Happy together, No more tears }

Chapter 31 — Epilogue

Misty

Napatingin ako sa labas ng kotse. Napangiti nalang ako habang papunta sa puntod nya.

Nang makapunta na ko, Bumaba na ko sa kotse ko. Magisa lang ako ngayon dahil hindi nakasama si Euseph sa taon taon naming pagdalaw sa puntod nya.

It‘s been 5 years. Marami nang nangyari. Naging routine na namin na taon taon namin syang dalawin dito sa libingan nya.

Lumuhod ako sa puntod nya at nilagay ang fresh flowers na binili ko kanina. Hinawakan ko ang lapida at napangiti na lang ako ng mapait.

Limang taon na din pala.. Simula ng mawala ka.

Hinawakan ko ang lapida nya habang iniisip yung dati. Kahit na hindi kami maayos dati, Namimiss ko pa din sya dahil nakasama ko din sya at minahal ko din sya.

Binasa ko ang pangalan nya na nakalagay sa lapida.

Erich Manalastas.

Namatay si Erich dahil sa Car Accident. Biglaan ang nangyari. Pero kahit naiinis ako sa kanya, naging ex ko din naman sya dati at nakasama ko din sya. Mabait naman talaga sya e. Nakakahinayang lang at mabilis syang nawala.

Misty!”Napatingin ako sa nagsalita. Napangiti naman ako ng makita ko silang magkaholding hands, “Chlyer, Aira, Alam na alam nyo talagang nandito ako?”I chuckled.

Shempre naman! November 1 eh, San ka ba naman pupunta diba?”sabi ni Aira.

Tama. Buhay si Aira. Hindi naman si Aira yung narinig namin na sinabihan ng “Time of death” eh. Nakaligtas si Aira sa sakit nya. Magaling din kasing magalaga itong boyfriend nya. Opo. Sila na ni Chlyer at alam naming mahal nila ang isa‘t isa.

Matatawag na milagro ang paggaling nya dahil tinaningan na nga sya ng doctor diba? Pero sadyang may plano samin ang Diyos kung bakit hindi nya kinuha si Aira. Magkabati na kami. Close na kami. At masaya na kaming lahat.

May kanya kanya na kaming trabaho pero namamasyal pa din kami. Kasama shempre sila—

Misty!

Speaking of, The 5 Idiots. Lol.

Si Chloe, Jill, Denise, Renz at Luke.

Oh, Bakit nakasimangot si Chloe?”Sabi ko ng makalapit na sila samin.

Eh, paano! Nakakabitter itong si Jill at Denise! Maglampungan ba naman sa harap ko!”Nagtawanan naman kami. Hanggang ngayon, Stay strong si Jillian at Denise 4 years ago, Sinagot na ni Denise si Jillian. Hindi naman namin sila Jinajudge dahil wala namang mali sa pagmamahal.

Hindi naman ganun kakitid ang utak namin para hindi matanggap ang relasyon nila.

Bitter ka naman! Nandyan naman ang boyfriend mo ah!”Sabi naman ni Jill habang nakaakbay kay Denise.

Im all about you • sungjoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon