Prologue

113 4 1
                                    

--

nainspire lang ako dahil kay john green. and its my first time to publish a story sana magustuhan niyo :) enjoy!



--

  ''caylebbbb gising naaa!!''   at bigla talaga akong napaupo sa kama. 

''sorry anak'' na nakangiting sabi ni mama. ''Ma naman e. Ang ganda ganda ng tulog ko''

'' osige matulog ka muna. ako nalang kakain netong pancit canton.'' bigla nalang talaga nawala yung Antok ko Nung nakita ko yung pancit canton na hawak niya. tapos yung Amoy pa nun. paborito ko kasi talaga Ang pancit canton. kaya tumayo ako at kinuha yun.

'' ma naman e di ka naman mabiro''nakangiting sabi ko. at tumabi siya sakin bigla sa Kama. at sinabing ''ang binata ka na anak, mahal na mahal kita'' sabay halik sa pisngi ko habang nakasubo yung pancit canton sa bunganga ko.

 nakita ko talaga sa mga mata ni mama na kung gaano niya ako kamahal. tumayo siya at naglakad palabas ng kwarto ko. ng bigla siyang sumigaw.

''maligo kana mamamasyal tayo!'' at tumango naman ako habang ineenjoy tong pancit canton ko.

--

--

nang matapos akong makaligo at makabihis. pumunta agad ako sa kwarto nila mama at nakita kong wala dun si daddy.

''ma si daddy di natin kasama?'' 

''nasa trabaho siya ngayon at expected na magagabihan nanaman yun. kaya atin lang ang araw na ito'' nakangiting sabi ni mama habang inaayos niya yung kwintas niyang gold na bigay ni daddy nung 27th birthday niya. sobrang ganda niya kapag sinusuot niya yun. kahit simple lang siya manamit.  yung bang may mga liwanag sa paligid niya sa sobrang ganda. 

--

nang mailabas ni mama ang kotse. sinarado ko ang gate at sumakay sa kotse. 

''seatbelt mo anak'' mahinhin na sabi niya

palagi niyang pinapaalala sakin yun basta sumasakay ako sa kotse namin. kasi di ko talaga sinusuot ang seatbelt ko. mula pa non. at nabibilang ko sa mga daliri ko kung ilang beses lang ako nagseatbelt na hindi pinapaalala ni mama. at ni minsan hindi siya nagagalit na sabihin yun o naiinis. pero pag si daddy. Nako! sigaw sa kotse aabutin ko. mabait si daddy pero gusto niya disiplinado ka. 1 word is enough. kaya dapat mala army ka sakanya lalo na pag sa mga seryosong bagay.

--

'' ma san tayo pupunta? sm?'' tanong ko habang tinataas baba ang seatbelt ko.

'' basta anak'' sabi ni niya.

sa sobrang traffic nakatulog ako sa kotse. at paggising ko nakabukas lahat ng pinto ng kotse namin. at nakita kong nasa isang beach resort kami.

 nagising talaga ako sa lakas ng hangin at sa hampas ng mga alon.

 hinanap ko agad si mama sa labas at hindi ko siya makita. tinawagan ko yung cellphone niya. pero tumunog yung cellphone niya sa loob ng kotse. 

hinanap ko siya sa paligid na parang nawawalang bata. 

hanggang sa may sumigaw. si mama! habang papaahon siya sa dagat inaayos niya ang buhok niya at tinali pabilog. dali dali ko namang hinanap ang towel sa apartment at ibinigay. 

''maligo kana anak tapos na ako''

''ayoko ma. hihintayin ko nalang yung paglubog ng araw'' nakangiting sabi ko

Sooner or LaterWhere stories live. Discover now