Thank you sa lahat ng bumabasa ng story ko :) di talaga ako napapagod mag update ng chapter dahil sainyo :) enjoy!
--
so eto na. we packed already all of my things. lahat ng kailangan ko para sa bago kong room at kinuha ko narin mga story books ko na babasahin kapag mabobored man ako dun.
8 am in the morning umalis na kami ng bahay. napakatahimik sa loob ng kotse. at dun na nagsimulang magsalita si daddy
'' galingan mo dun ha. wag kang makikipag barkada sa mga alam mong bad influence sayo dadalaw dalawin ka naman namin. wag kang mag alala.''
'' alam na ni cayleb ang tama at mali.'' sumbat ni mama
''opo daddy'' sagot ko.
naging tahimik ulit sa kotse. at dun ulit ako sinampal ng kaantukan.
--
--
12:30pm ng gisingin ako ni daddy para kumain ng tanghalian.at sinabi niyang malapit na daw kami.
kumain kami sa isang fastfood chain. along the highway.
pagkatapos namin kumain. pumunta na kami sa boarding school ko. binuhat namin ang mga gamit ko dumeretcho sa isang cashier panel. tabi ng magiging bagong school ko.
''name po?'' tanong ng cashier
'cayleb alonzo xander' mam sagot ni Daddy
''room 69 po 2nd floor ka room niya po si Billy walter. tawagin niyo lang po yung guard sa hallway if kailangan niyo po magpatulong''
''okay sige thank you'' my dad reply at kinuha niya ang susi ng bago kong room.
tumaas kami sa second floor at hinanap ang room 69. nakalock pa ito at halatang di pa dumadating yung ka room ko na si Billy walter. sana nga di siya mayabang at hinihiling ko na sana magkasundo kami.
inaayos ni mama ang higaan ko habang kami ni daddy bumalik sa kotse para kunin pa yung mga ibang maleta at gamit.
linagay ni mama ang mga books ko sa shelves at linagay sa ilalim ng kama ko. at pinaayos sakin ni daddy mga damit ko para ilagay sa cabinet ko. lininis narin ni mama yung higaan nung karoomate ko at lininis narin niya yung cr namin. kaya tinulungan ko na rin siyang magwalis sa room kasi medyo pagod na siya. dinikit niya rin sa wall yung schedule ko sa school.
pagkatapos namin nakardam ako ng init sa loob ng room kaya napag isipan kong maligo na muna.
'' bababa lang kami anak at magbabayad ng daddy mo'' sigaw ni mama
''sige po ma'' sagot ko
nung naligo ako nakaramdam ako ng lungkot at alam kong mahohome sick ako neto.pero para rin naman sakin to e at dadalaw dalawin naman ako nila dito.
pagkatapos kong maligo at makapagpalit lumabas ako ng room at bumaba. nakita ko silang nagbabayad sa cashier at pagkabayad nila binigay na nila ang allowance ko for a month.
bago sila umalis linibot muna namin yung bago kong school. tinignan yung bago kong classroom. at naglakad lakad sa garden sa gitna ng school namin. nung medyo maghahapon na napagisipan ng umuwi ni daddy kasi malayo pa ang byahe nila. it almost 5 hours to get here.
so we decided to go.
nung nasa parking area na kami. dad hug me '' galingan mo dito anak ha text mo lang kami kung may problema i love you'' at pumasok na siya ng kotse at pinaandar.
'' anak pakabait ka dito a mamimiss kita ng sobra tetexan mo ako a pag may kailangan ko or problema i love you'' my mom was crying at pinunasan ko yung mga luha niya sa mata at sinabing '' wag kang magalala ma. kaya ko to sabi mo nga nun sa beach nalampasan mo yung takot mong lumangoy. ako malalampasan ko rin ito mana ako sayo e'' and i kiss her in her forehead and hug her so tight and told her that i will miss her so much. and bigla siyang kumawala sa pagkakayakap ko sakanya na parang may iniinda siyang sakit.
at bigla siyang pumasok na ng kotse.
pinipigilan kong umiyak kasi nakakahiyang makita nila akong umiiyak in front of them. kaya lunok ako ng lunok para di kumawala yung luha na tutulo na sa mata ko.
nung nakaalis na sila. pumunta na ako sa room ko at naninibago ang sarili ko.
nung pagtaas ko nakita kong bukas ang pinto ng room ko at nakalimutan ko palang isara kanina nung bumaba ako.
tumakbo ako ng mabilis. pag pasok ko nakita ko ang karoom mate ko.si Billy walter na nagaayos ng mga damit niya. kayumanggi ang kulay niya at maskulado ang katawan niya. di ganon katankaran. magkaheight lang kami. umupo ako sa kama ko at kinuha ang isang libro sa baba ng kama ko.
''ikaw ba naglinis ng higaan ko?'' tanong niya habang pabuklat ako ng aklat ko
'' Hindi si mama naglinis niyan pati yung cr'' sagot ko
''Ah salamat. ako nga pala si billy walter matagal na ako dito 2nd year college kona. engineering
ikaw transferee? '' tanong niya habang inaayos niya ang mga damit niya
''oo senior high school'' STEM strand. ako nga pala si cayleb xander. '' sagot ko
'' oh! edi maganda. sana magenjoy ka dito. ''
sige''
Humiga na ako at nagbasa ng libro ko. at nagaayos naman ng gamit si billy
--
habang nagbabasa ako ng libro ko may kumatok sa pinto at tinigil ni billy ang inaayos niya at biglang inabot sakin ang kamay para maki shake hands '' nice to meet you cayleb''
''ako din''
nung pagbukas niya ng pinto. may babae sa labas. mahaba ang buhok niya na straight na medyo kulay pula. pero di ko nakita yung mukha niya.
tumawa siya kay billy ng malakas at sinara na ang pinto. inisip ko baka girlfriend niya yun. at tinuloy kong magbasa ng libro.
napapaisip ako na sana magkasundo kami ni billy. dahil transferee lang ako dito. wala pang ka kilala.
at hinihiling ko talaga na magkaroon sana ako ng mga kaibigan.
Authors note.
give it a small star if nagustuhan niyo :) and dont forget to comment for reactions or recommendation po thank you very much :)

YOU ARE READING
Sooner or Later
Teen FictionGenre-Young adult fiction| teen romance| drama|mystery publish- Nov.13,2016 ililipat ng school si cayleb sa kadahilanang gusto na ng mga magulang niyang maging independent siya. si cayleb sanay na palaging kasama ang kanyang mga magulang. lalo na a...