Kathryn's POV
"No DJ, hindi ako magsusuot ng turtle neck at long sleeves na gown sa wedding day natin. That'll be our special day. It should be perfect. And besides, ito yung wedding gown na pinapangarap ko mula noong nagka-isip ako." Sabay turo sa isang bond paper na dala-dala ko. Yes, you heard it right, actually ako kasi yung nagdrawing nyan. Tuwing wala kaming taping ni Daniel ay nasa bahay lang ako at nagdo-drawing ng kung ano-ano and nabuo ko nga yung dream wedding gown ko.Nandito kami ngayon sa shop ng wedding coordinator na hinire ni Daniel. Nagpa-plano na kami sa Wedding namin. Inabot na kami ng 6pm ng gabi. Hay! Edi sana nakapag-food tasting kami kaninang 3:00 pm. Pebebe kasi tong Daniel na toh ea.
Inakbayan nya ako kaya napatingin sakanya. "Babe, bagay naman sayo yun ea. Wag kang mag-alala, di ka maiinitan dun. Papa-full blast natin yung aircon ng simbahan. Tsaka No, hindi ka magsusuot ng heart tube at back less na gown. Para saakin lang dapat yang mga dapat mong itinatago." He smirked at me when he said that before he bite my favorite chocolate na kanina'y nakatago lamang sa bag ko na nakasukbit sa braso nya.
"Argh! I hate you! Kanina ka pa nang-aasar ha!" Akmang hahampasin ko na sana sya kaso lang may pumigil saakin.
"Ahm ma'am, sigurado na po ba kayo dito sa binigay nyong design ng gown?" Tanong sakin nung secretary ni Francis Lubiran.
Si Francis na kasi yung palaging gumagawa ng gown ko, like yung sa debut ko. Grabe! Ang ganda ng pattern na ginawa nya and yung pagka-tube sa likod. Sya yung gumawa ng design noon pero ngayon ako na, sya lang yung tatahi this time.
"Yes/No." Sabay naming sambit ni DJ. Hay. Kulit talaga nya. Pinanlakihan ko sya ng mata dahil dun. Mukhang natakot naman ang loko.
"Hay, sige na nga. Basta pakisabi na lang kay Francis pakitaasan na lang ng 4 inches yung tube ah?OA kasi kung sa taas ng butt ng Mahal ko yung baba ng tube ea." Banggit nya dun sa secretary. Yehey! Napapayag ko na si baby boy ko. Pero tampo pa rin ako. Ewan ko, ang sungit ko today ea. Baka magkakaroon ako kaya ganito.
"Look Love, it's already 6:00 pm. Kung di ka sana nag-inarte kanina malamang nakapag-food tasting tayo nung 3:00 pm. Ginusto mo itong kasal na toh kaya please, makisama ka naman ng maayos." Inis na sambit ko kay DJ habang naglalakad kami papunta sa kotse nya. Sayang talaga yung oras. Nakakainis!
Natigilan sya bigla sa sinabi ko. "Ah ganun ba?ako lang pala yung may gusto nito?So sana pala di ka na lang pumayag nung inaya kitang magpakasal sakin. Sabihin mo lang kung nahihirapan ka na sa ugali ko. Pwede ka namang umayaw sa kasal na AKO LANG YUNG MAY GUSTO."
Daniel's POV
Natigilan naman ako bigla sa sinabi nya. "Ah ganun ba?ako lang pala yung may gusto nito?So sana pala di ka na lang pumayag nung inaya kitang magpakasal sakin. Sabihin mo lang kung nahihirapan ka na sa ugali ko. Pwede ka namang umayaw sa kasal na AKO LANG YUNG MAY GUSTO." Diniinan ko talaga yung Last part para maramdaman nya na nagtatampo ako.Minsan kasi nakakapupuno na sya ea. May kasabihan nga na Jeep nga napupuno, tao pa kaya? Tama naman. Nasasaktan din ako kahit lalaki ako noh.
Tinignan ko naman si Kath na ngayon ay Guilty ang ekspresyon. Hay, ang baby ko kawawa naman. Diko pa rin talaga sya matiis. Pero magpapalambing pa rin ako noh *wink* ;)
"Sorry babe, pag---". Diko na sya pinatapos at pinagbuksan ko na sya sa shot gun seat.
Tahimik ang buong byahe namin hanggang sa maiuwi ko na sya sakanila. Nandito na kami sa harap ng bahay nila at kasalukuyan pa rin kaming nasa loob ng kotse ko
"Sorry kung nasungitan kita babe, pagod lang talaga ako." Sabi nya habang nakayuko.
Hinawakan ko naman ang baba nya para mapatingin ko sya sakin "shh it's ok. I understand. Basta sorry rin sa sinabi ko Love ah?Wag kang aatras sa kasal natin. Joke lang yun."
Napangiti sya dahil dun "Never kong maiisip yun Love, Mahal na Mahal kaya kita. I love you Daniel Padilla." Sabi nya saakin at hinalikan ako ng mabilis sa labi. Di ako prepared dun ah.
"Good, pahinga ka na. Mahal na mahal din kita. I Love You too Kathryn ko." Sabau halik ko sakanya ng matagal. Nagrespond naman sya kaya 20 seconds kaming nagkiss. Naka score ako diba?haha! Pero wag kayo, Mahal na mahal ko yung babaeng toh.
"Bye Love, I Love You ulit." Sabi nya nung pinagbuksan ko sya ng pintuan.
"Bye Babe, I Love You too din po." Sagot ko at tinanaw ko muna sya upang makasiguradong nakapasok sya ng safe sa bahay nila.
Pagkapasok ko sa kotse, agad kong napansin ang pinag-upuan nya sa tabi ko kanina. Ano toh?bakit ang lansa ng amoy? Linapit ko lalo ang mata ko at nakita ko yung dugo sa upuan. Natawa ako bago kumuha ng basahan sa dash board. Kaya pala masungit ang baby ko kanina, may dalaw sya. HAHAHA!