B2
"Ahh, kainis tong ka clan ko bwesit!" Saad ko e paano ba naman inatake niya yung katapat ko sa war bwesit talaga uggh di man lang marunong sumunod sa rule sarap e kick. Hayss pasalamat ka co leader ka tsss
Clash of clans ang palagi kung nilalaro pag bored ako dito sa bahay, ayoko din naman lumabas kasi mas mabobored lang ako. Hindi din naman ako mahilig maglakwatsa palagi lang ako sa bahay every weekend.
*ring* *ring*
Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko na tumatawag si dad, sinagot ko din naman agad
"Yes dad?" saad ko sa kanya
"Mag bihis ka princess, sa labas nalang tayu mag didinner" napangiti ako sa sinabi ni dad minsan lang kasi talaga kami magkasama kasi nga puro bussiness inaatupag
"Ahh okay po dad"
"Okay bilisan mu ah"
"Yes po, 30 minutes lang ako haha muawh" sabi ko sabay end ng call
Dali-dali akong naligo at nag ayos, minsan lang maging ganito si dad kaya lubus-lubusin na
Nang matapos na akong mag ayos agad din naman akong bumaba, nakita ko din agad si dad sa may sala
"Lets go?" Tanong ko kay dad
"Okay"
*******
Andito kami ngayon sa isang mamahaling Resto, nakapa ganda ng design sa lood nakakamangha. Halatang ang yayaman ng mga tao dito
"Princess? What do you want to eat?" Tanong ni dad
Tapos ayun sinabi ko agad sa kanya yung gusto kung kainin, medyo natawa nga di dad
"Baka tataba ka niyan?" Tawang tanong niya
"Haha minsan lang to dad" sabi ko
Nang dumating na yung order namin kumain na din kami at marami kaming napapag usapan. Ngayon ko lang nakita si dad tumawa, masaya, madaldal nakaka gaan ng loob
Kung anu-ano pinag-uusapan namin, nong kanina nga may babaeng dumaan biglang natawa si dad ayun tumingin yung babae sa amin at sabay bulong ni dad "Parang bakla" sabay tawa namin. Umalis nalang yung babaeng mukhang bakla ng naka kunot noo, mas natawa tuloy kami ni dad
"Excited kana ba sa new school mu? Next week na yung pasukan" sabi ni dad tapos biglang naging serious yung expression niya
"Medyo" tipid kung sabi
"Alam mo princess kung nafefeel mo na ayaw nila sayu, wag mu nalang sila pansinin" gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi ni dad
Ng tumingin ako kay dad biglang nagiba yung expresyon niya
"Dad-" biglang naputol ang sasabihin ko ng tumayo si dad at lumabas
Napatingin ako sa paligid, boom kaya pala lumapit ako sa kanila
"Hi mom!" Sabay halik sa pisngi niya at tama kayu si mommy ang nakita niya kaya nag-iba ang aura niya kanina
"Hello anak, mukhang masa-" nagulat ako ng bigla akong hilain ni dad diko napansin na bumalik pala siya
tumingin ako kay mom sabay paalam
Ang tahimik ni dad, gusto kung maganda ang outcome ng gabi na ito. Minsan lang kami mag bonding ni dad kaya dapat masaya.
"Alam mo dad ang panget ng gabing ito kung di masaya ang outcome"
Nagtatakang tumingin siya sa akin pero di parin nagsalita
"Minsan lang tayu mag bonding ng ganito, gusto ko masaya ang gabing ito. Kasi alam nyo po puro kasi bussiness ang inaatupag nyu alam ko naman po para din naman sa akin yun pero po kasi minsan nawawalan kana ng time sa akin minsan feel ko binabaliwala muna ako" pagputol ko kasi medyo naiiyak ako pero diko pinapahalata
"Tapos nung sinabi nyu po kanina na sa labas tayu pag didinner grbe ang saya ko po talaga" pagpatuloy ko
Biglang tumingin si dad sa akin pero umiwas din naman, walang nagsasalita sa amin nakakarindi yung sobrang tahimik puro ingay lng nag sasakyan at tao ang naririnig ko
Minsan talaga naiinis ako kay dad kasi di na sakin natuon ang atensyon niya puro bussiness kasi nagsimula kasi ito nung naghiwalay sila ni mom
Nakakamiss din pala isipin yung mga magagandang memories kasama ang mga parents mo
Hindi naman ganito kasi dad dati
Biglang huminto si dad kaya tumingin ang sa may bintana laking gulat ko ng makita na andito pala kami sa Star City
Napatingin ako kay dad "Sorry princess ah alam kung nahihirapan ka din Sana maintindihan mo si dad mo gusto ko din masayang ang gabing ito kaya tara na.." Masayang saad niya bumaba na din kami sa kotse tapos pumasok na sa Star city
"Magpakasaya tayu princess" sabay rock n' roll na sign tapos sabay kami tumawa
Sinakyan namin lahat ng rides ni dad, medyo natawa ako kasi takot pala si dad sa matataas, marami kaming ginawa ni dad sa star city kung anu-ano nalang
Ang sarap pala sa pakiramdam na may ama kang isip bata, sounds funny ngayon ko lang nakita ang other side ni dad haha
"BEST DAY EVER" sigaw ko napatingin tuloy mga tao sa akin
"Oppss" natatawang sabi ko
Nakikitawa din si dad
*****
