C3
Ilang linggo na din ang nakalipas simula nong bonding namin ni dad
At ang worst bukas na din yung pasukan namin buti nga nakabili na ako ng mga school supplies ko
It's already 9:39 am kakagising ko lang, pumunta muna ako sa cr tapos naligo nang matapos na ako bumaba na ako..
Nagulat ako ng nakakita ako ng 3 malalaking maleta at nakita ko si dad sa may sala nagbabasa ng newspaper nahalata nya siguro ako kaya binaba nya yung newpaper
"Where do you think your going dad?" Irita kung tanong
"I'm going to London I have many something to do there" sabi niya
"Then? Bakit parang ang dami mu namang dalang damit? Isang taon kaba don"
"Nope mga 8 months lang" napanganga ako sa sinabi ni dad
"Wt! 8 months dad? Are you out of your mind?!" Di manlang nagsalita
"Paano ito mag isa lang ako dito" sabi ko ng tumingin sa ibang direksyon kasi naiiyak ako
Biglang lumapit si dad then he hug me "Your not alone prince actually I hired many maids" sabi niya sabay labas ng mga maids
Pakahet! Ang dami naman ata 10 sila
"Wooh!" Napa wooh nalang ako
"princess be good okay? Good luck for tomorrow! I have to go I'm late" sabi niya sabay alis
Hayss, another boring day bumuntong hininga nalang ako, biglang may nag salita
"Ang lalim naman nun iha nalunod ako hehe" sabay tawa ni matandang yaya naptingin ako sa kanya
Nagsmile lang ako sa kanya tapos pumasok na ako sa kwarto binagsak ko ang sarili ko sa kama ko.
Naalimpungatan ako dahil parang may umaalog sakin, nakatulog pala ako
Pagmulat ko si matandang yaya pala
"Hmm?" Sabi ko
"Kain kana iha" sabi niya agad kung kinuha ang cellphone ko sabay tingin sa orasan 2:30 pm na pala ang taas ng tulog ko
Bumaba na ako at pumunta sa kusina kumain ako ng kumain, pagktapos kung kumain nanuod ako ng movies
Nang nakaramdam ko naman ang kaboringan napaisip ako
*ting* parang may lightbulb na lumabas sa itaas ng ulo ko
Dali-dali akong nagayos, madali lng ako natapos simple lang naman kasi suot ko nka v-neck na shirt tapos skinny jeans with converse na sapatos
Nagpahatid ako kay manong driver sa Mall mag shoshopping ako, minsan lang ako mag shoshopping kasi di ako tinatamad ngayon hahaha
Nang makarating ako sa Mall sa National bookstore agad ang pinakaunang pinuntahan ko
Marami akong nabili na mga libro mas maganda na yung maraming reserba haha adik lang
May napansin akong babae na nahirapan abutin yung favorite book niya siguro kaya nilapitan ko siya kinuha ko yun para sa kanya pero.. Na shock ako ng bigla niya akong sinigawan at sabay agaw sa libro
"Hey! THAT'S MINE" sabi niya
Diko inexpect na yun yung gagawin niya akala ko mag tha-thank you siya yung pala sisigawan niya lang ako. Marami ding nakatingin samin
yumuko ako sabay sabi"Tinulungan nga kitang kunin yun" pabulong kung sabi pero alam ko narinig niya yun
Pumunta ako sa cashier at nagbayad na, lumabas na ako ng National Bookstore grabe ang bigat ng dala ko ang kakapal kasi ng mga librong nabili ko.
Narinig kung nag alburoto na yung tiyan ko kaya pumunta akong Jollibee para kumain nagorder ako ng Frenchfries,burger,spaghetti, coke float, friedchicken, di halatang di ako gutom ang dami kasi nang inorder ko
Kain lang ako ng kain nang mapansin ko na parang may nakatayo sa harapan ko kaya inangat ko yung ulo ko para tignan kung sino yun
Muntik ko ng maibuga yung kinakain ko ng makita ko siya, yung babae sa bookstore yung sumigaw sakin anu kaya kailangan niya
"I hope you dont mind pwede maki share ng upuan?" Sabi niya ngayon ko lang napansin may dali din pala siyang pagkain
Tumango lang ako tapos umupo siya sa harapan ko, kain lang ako ng kain hindi ako tumitingin sa kanya ang awkward ng atmosphere
Bigla siya nag salita "Hmm.. About don kanina" pagputol niya "... Sorry" tapos nag peace sign siya
Napatitig ako sa kanya ang cute niya pala ngayon ko lang napansin
"Nakakatakot mu naman tumitig, galit kaba sa akin?" nagulat ako sa sinabi niya umiling lang ako
"btw Hi I'm Em Escat, you can also call me Em-em and you are?" sabay lahad ng kamay niya medyo nataranta ako pero nakipag shakehands na din ako
"I'm Maureene Zhoa MM for short" sabi ko
"Same nicknames ah, nice" sabay tawa niya ngumiti lang ako sa kanya
"Sorry talaga kanina ah akala ko kasi kukunin mo yun paborito kong libro na yun pinag-iponan ko pa nga eh kaya nagalit ako nasigawan tuloy kita"
"O-okay lang yun" sabi ko
Nang matapos na kaming kumain niyaya niya akong manuod ng sine pumayag na din ako nakakahiya kasing tumanggi, libre niya din naman eh. Pareha pala kami mag-isa nag shoshopping
Magaan naman ang loob ko sa kanyan, hindi naman siya masamang tao ang bait nga niya eh
Pagkatapos naming manuod, nagpaalam na siya sa akin
"Bye MM/Bye Em!" Sabay naming sabi kaya natawa kaming dalawa
"See you around" sabi ko ngumiti lang siya at naglakad palayo hanggang diko na siya makita
*****
Andito ako ngayon sa kwarto ko nag prepare ako ng mga gamit ko para bukas, pasukan na kasi namin excited na natatakot ako para bukas
Anu kayang mangyayari bukas? May makakaibigan kaya ako umiling-iling nalang ako ayokong isipan na baka wala din akong makaibigan sa new school ko
Hindi din mawala sa isipan ko si Em grabe ang bait niya, ang cute ng mukha at ang cute din ng hieght ahhaha mga 5'1 lang siya
Sana makita ko din siya ulit, ang sarap niyang kasama..
*****