*Alyssa's POV*
Andito ako sa rooftop ng dorm nakatambay mag isa. Lagi naman akong mag isa kaya wala ring bago.
Naka upo lang ako sa railings ng may magsalita sa likod ko.
"Besh, hinahanap ka ni Ate Dzi. Pinapatawag daw tayo ni Coach sa BEG."
Hindi ko na kailangang lumingon, si Ella lang naman ang tumatawag sakin ng ganyan.
Tumayo na ako at nauna nang bumaba. Sanay na sila sakin, alam naman nilang bihira lang ako magsalita.
By the way, ako nga pala si Alyssa Valdez. Mabait ako pero hindi ako pala salitang tao, mas gusto ko laging mapag isa. Member din ako ng Ateneo Women's Volleyball Team.
Pagbaba ko sa living room naabutan ko yung teammates ko na naghihintay na samin.
"Tara na hinihintay na tayo ni Coach sa gym." sabi ni Ate Dzi sabay labas ng dorm
Sumunod na kaming lahat sa kanya at sumakay na sila sa van ni Ate Dzi saka ako sumakay sa kotse ko.
Pagpasok namin ng BEG naabutan namin si Coach Roger na may kasamang apat na babae.
"Okay girls, maupo na muna kayo at may announcement ako sa inyo."
"Ano po yun Coach?" tanong ni Ate Gretch pag upo namin
"Di ba last time sinabi ko sa inyo na may nire- recruit akong player from States? Tatlo silang galing sa States, dalawang upcoming freshmen at isang upcoming sophomore."
Walang nagsasalita sa amin, nakikinig lang kaming lahat kay Coach.
"Andito na yung isang freshmen medyo malelate lang yung isa dahil ngayong umaga pa lang ang arrive nya galing US, yung sophomore naman dumaan lang sya saglit sa office. So ipapakilala ko muna sa inyo yung mga rookies natin." tumingin sya dun sa kasama nyang mga babae, mga rookies daw. "Girls magpakilala na kayo."
Pumunta silang apat sa harap namin at nagpakilala isa isa.
"Hi I'm Michelle Morente, you can call me Mich sana po magkasundo tayo mga ate and idol na idol ko po si Phenom." sabi nung morena
"Phenom? Sinong Phenom?" takang tanong ni Ate Dzi
"Si Ate Alyssa Valdez po, yun po yung tawag sa kanya sa school namin saka ng ibang school din po."
Medyo nagulat naman ako dun pero di ko na lang pinahalata.
"Wow besh, bagyong Baldo na Phenom pa. Iba ka talaga." Sabi ni Ella sabay bunggo ng balikat nya sa balikat ko.
Tinignan ko lang sya saglit saka ako ulit tumingin sa rookies. May pagka hyper din si Mich so mukhang may katapat na sa kakulitan si Ella.
"Hello po, I'm Ana Gopico. Nice to meet you all po." Pakilala naman nung isa, mas matangkad lang sya ng konti kay Mich.
"I'm Kassandra Gequillana, Kim for short. Nice to meet you po mga ate idol." pakilala naman nung naka brace
"Jamie Lavitoria, I'm one of the recruits from US. Please be good to me." sabi naman nung long hair na morena
Nakaupo lang kaming lahat ng lapitan ako ni Ate Gretch at Ate A.
"Ly, samahan mo muna kami sa CR.'' sabi ni Ate A
Tumango lang ako saka tumayo. Nagpaalam lang sila kay Coach saka kami dumaretso sa CR.
Pagpasok namin ng CR, humarap silang dalawa sakin.
''Ly, have you talked to Jia?'' tanong ni Ate Gretch, and she looks worried
''No, why? Did anything happen? Di ba dapat last week pa sya nandito?''
BINABASA MO ANG
Masterpiece (AlyDen FanFic)
عاطفيةI'm an Alyden Fan and I hope that you'll support my story. It's my first gxg story so please bear with me!!