Jed's Pov
Nandito ako ngayon sa school gym, nagpapractice ng basketball . Malapit na kasi ang laban namin sa kabilang school . Syempre kailangan manalo para dagdag pogi points sa mga bababe.
" Jed, ano na ? Napasagot mo na ba si O-SO-SEXY-GIRL ? " tanong ni Reign ka-team ko .
Si Jaelle ang tinutukoy nyan. Actually may pustahan talaga kami , dapat mapasagot ko si Jaelle at bibigyan nya ako ng isa sa mga kotse nya ako daw bahala kung alin dun. Pag naman hindi bibigyan ko sya ng condo unit doon sa condominium namin .
" Hindi pa tol. Pero sure ako na mapapasagot ko yun. Crush na crush ako nun e " sabi ko sakanya.
" Iba ka talaga tol! Lakas ng karisma " natatawang sabi nya tapos umalis na sya at pinagpatuloy ang pag-eensayo
Wala pa naman akong sineryoso sa mga babaeng nililigawan ko. Though may isa talaga akong sineryoso pero niloko nya lang ako . Kaya simula non naging cassanova na ako. I have a lot of flings but oh we're just making out not making love or what.
Naiinis ako kapag naaalala ko yung nangyari sa amin ng sineryoso kong babae
FLASHBACK -
Monthsary namin ni Riz ngayon yung girlfriend ko. Kaya pumunta muna ako sa isang flower shop para i-surprise sya . I'm not that showy pero pinaparamdam ko sakanya kung gaano ko sya kamahal.
Pagkatapos pumunta na ako sa labas ng room nila 2rd year highschool palang nun kami pero di kami magkaklase.
Ayan na. Labasan na nila, pero di ko nakitang lumabas si Riz kaya nagtanong ako sa classmate nya.
" Hi, nasan si Riz ? " tanong ko dun sa babaeng kalalabas lang sa room.
" Ah , ewan pero sabi nya kanina magc-cr daw sya dinala nya na nga yung gamit nya e " sabi nung classmate nya

BINABASA MO ANG
REBOUND
RandomLahat ng nagmamahal nasasaktan. May part na masaya pero hindi mawawala ang sakit. Handa ka bang maging isang REBOUND para lang sa taong mahal mo? Wala e, mahal mo yan kaya handa kang mag-sacrifice para lang sa kanya. CHARACTERS : Elisse Joson as J...