Chapter Five

84 5 3
                                    

NARITO kami ngayon ni Jed sa school one week na kaming mag-on . May nagsasabing di daw kami bagay , mas bagay daw sila ni Riz which is yung ex girlfriend ni Jed. Pero may mga nagsasabi pa rin bagay daw kami. Bahala sila ang mahalaga kaming dalawa.

" Jaelle anong oras pasok mo? " tanong nya. Parehong vacant namin , wala si bestfriend Lorie pumunta sila sa Korea may family bonding.

" 10:15 a.m pa Jed " sabi ko , 9:50 palang naman

" Okay " at di na umimik minsan naweweirdohan ako sa kanya. Eh kasi naman bigla bigla nalang syang mawawala sa mood . Pero hayaan na natin mahal ko naman e.

Jed Darell's POV

Naiinis ako sa sarili ko, naguguilty kasi ginagamit ko lang si Jaelle para makalimutan si Riz . Langya naman kasi e bakit hangga ngayon narito pa rin sya sa puso ko.

Nanalo nga ako pustahan pero bakit ganito, feeling ko nasasaktan ako sa ginagawang kong paggamit kay Jaelle. Walang syang ginawa kundi pasayahin ako at mahalin. Hindi kaya may pagtingin na ako sakanya ? . Hindi malayo, di naman mahirap mahalin si Jaelle.

Pero sa twing naiisip ko yun , pumapasok si Riz sa utak ko baka bumalik sya at mahal pa nya ako. Pero ayoko rin naman masaktan si Jaelle. Hays bahala na .

" Huy Jed ! Nakikinig ka ba ? " napunta ako sa katotohanan ng marinig ko ang tawag nya.

" Hmm yes, may sinasabi ka ? " tanong ko sakanya.

" Ang sabi ko oras na, papasok na ako . Ikaw ba? Kanina pa ako nagsasalita rito di ka naman pala nakikinig " may halong tampo sa boses nya.

" Ito naman mamaya pang 11 ang pasok ko kaya hahatid muna kita. Wag ka ng magtampo " sabi ko sakanya at inakbayan sya at nag-umpisa ng maglakad.

Hanggang sa nakarating kami sa building nila sa room nya kaya nagpaalam na ako.

Mag-isa nalang ako kaya pupunta muna ako sa garden may 30 minutes pa naman ako tutulog muna.

Pero habang naglalakad ako biglang nag-vibrate ang phone ko . Si Jaelle siguro to kaya agad kong in-open.

*****************
From: 09999999999

See you soon Jed! :)

*****************

See you soon daw? Baka wrong sent pero hindi e alam nya pangalan ko. Sino naman kaya yon, hindi naman pwdeng sina mom & dad yun naka-save sa phone ko yung number nila.

Sa kakaisip ko di ko namalayan na oras na pala . Shit sino ba kasi yon? Naudlot tuloy ang pagtulog ko . Makapunta na nga sa room namin.

-------

Mabilis lumipas ang oras at uwian na namin , dadaanan ko pa si Jaelle . Nasa star section kasi sya samantalang ako SS2 ( Special Section 2 ) naman.

Hinintay ko lang syang bumaba ng building at hinatid sa car park nandun ang service nya or should I say driver nila.

Uuwi nalang ako ng maaga dahil hangga ngayon binabagabag parin ako nung text message na iyon.

Hanggang sa nakarating ako sa bahay pumasok sa room ko ng wala sa sarili. Teka bakit naman ako nagkakaganito e simpleng text lang naman iyon .

Brrt Brrt Brrt
( Wag kayo phone vibrate yan )

************
From: Jaelle Dane

Good night Jed !
See you tomorrow.
I love you :)

************

Text ni Jaelle sakin. Sweet talaga nya kaya hindi sya mahirap mahalin.

************
To: Jaelle Dane

Yea, Good night Ja
Sweet dreams.
Love you.

************

Pagkatapos nun naligo na ako at natulog na ng tuluyan.

------------------------------------------------------

Read. Vote. Comment.
              THANKIES ^_^

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon