Chapter Six

75 4 0
                                    

Jaelle's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, wala naman akong kasama kundi ang mga maid lang .

" May bisita po kayo " sabi ni Yaya. Kaya tumayo ako papunta sa sala , nasa kwarto kasi ako.

Pag bukas ko sa malaking pintuan namin nakita ko si Jed na nakatitig sakin. May mali ba?

" Oh Jed naparito ka? Akala ko may practice kayo ? " tanong ko sakanya pero nakatitig parin sya sakin , walang emosyon na mababakas rito.

" Uy Jed ,may problema ba? " medyo kinakabahang sambit ko.

" Tigilan na natin to Ja, di kita mahal. " wala pa ring emosyong sabi nya.

Ano raw? Nabingi yata ako, kusang tumulo ang luha ko. Why? May nagawa ba kong mali?

" Pero Jed, bakit? May problema ka ba ? Sabihin mo lang sakin, wag naman ganito. Nagbibiro ka ba? " naluluhang sabi ko.

" Hindi Ja, ayoko na. Bumalik na si Riz, at sya talaga ang mahal ko. Ginamit lang kita para makalimutan sya pero di ko kaya. Kaya ngayong bumalik sya susulitin ko na ang pagkakataon baka sakaling mahal nya pa ako " mahabang litanya na.

The hell! Ano yun? Bumalik lang ang ex nya tapos iiwan nya ko?

" NO! DI NA NYA MAHAL, DAHIL KUNG MAHAL KA NYA DI KA NYA LINOKO, DI SYA NAG HANAP NG IBA KUNG ALAM NYANG SAPAT KA NA PARA SAKANYA AT ANONG KASIGURADUHAN NA MAHAL KA PA NYA HA! SABIHIN MO JED! " pasigaw na sagot ko. Pero parang namanhid ako dahil biglang may dumapong mainit na palad sa pisngi ko.

" Wala kang karapatang sabihin yan Ja! Di mo alam ang naranasan ko nung nawala sya. Kaya tigilan na natin to " sabi nya at tumalikod na.

Nagising ako bigla dahil sa masamang panaginip na iyon. Panaginip lang iyon , di ko napansin na naluluha ako sa katotohanang baka mangyari nga iyon.

Pero hindi, hindi gagawin ni Jed yun. Alam kong mahal nya ko at past nalang nya yung si Riz.

Nabigla ako ng bumukas ang pinto at iniluwa iyon ni Yaya.
Nakangiti sya sakin at sinabing " Ma'am may bisita po kayo " bigla akong kinabahan pero tumango nalang ako.

Shit! Ito ba yung panaginip ko? Wag naman sana.

Nag-ayos lang ako at bumaba na, nakita ko si Jed sa sala kaya mas lalo akong kinabahan.

" Para sayo " salubong ni Jed saakin at binigay ang mga bulaklak. Kaya medyo nabawasan ang pangamba ko.

" Salamat, bakit ka nga pala naparito? "  nakangiti kong tanong sakanya.

" Bakit ayaw mo ba na narito ako " naka-ngusong sabi nya. Mygosh! Tigilan mo yan Jed, ang cute nyang tignan.

" S-syempre n-naman gusto " utal utal na sabi ko. Naku, bat ba ako nauutal.

" Yun naman pala e, dito muna ako wala kasi si coach kaya walang practice. For sure naiinip ka rin. " nakangiting sabi nya.

Kaya nakahinga ako ng maluwang, kasi naman diba? Kainis yung panaginip na yon. Akala ko totoo na

" Sure! Pero ano namang gagawin mo dito? Diba nga nakakainip dito, walang libangan dito. " sabi ko sakanya.

" Kwentuhan lang, about sayo/sakin ng makilala pa natin ang isa't isa. About your favorites, likes and dislikes " nakangiti nyang sabi.

" Ano ba hmmm favorites? Color pink, crispy liempo, blah blah etc. Likes ano hmmm gusto ko ganyan ganyan , dislikes ayoko sa mga maiingay na tao, ayoko sa mga maarte basta yun " nakangiti kong sabi " Ikaw ba? "

" Gusto ko? Ikaw " nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Waaaaaaah, gosh! Siguradong pulang pula ang pisngi ko. Ano ba naman kasi yan simpleng words lang pero yung puso ko nagwawala na.

" Hey ja, may mali ba sa sinabi ko? " tanong ni Jed

" W-wala " nakangiti kong sabi sakanya.

-----*

Mabilis lumipas ang oras, nagbonding lang kami ni Jed like movie marathon, chess, at syempre foodtrip.

Nakauwi na sya lahat lahat pero naisip ko pa rin yung panaginip ko.

No no! Ayokong mangyari yun di ko kakayanin mahal na mahal ko si Jed.

Sa kakaisip ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz

-------------------------------------------

Vote vote voteeeeee~
      HIHI THANKIES! ^_^
      

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon