CHAPTER TWO

9 0 0
                                    

** The subscriber cannot be reached..
Please try your call later... **

** The subscriber cannot be reached..
Please try your call later... **

** The subscriber cannot be reached..
Please -

"ARGH!!!" Tila sinapian ng kung anong masamang elemento ang katawang lupa ni Shannen. Agad nitong ibinalibag ang hawak n brand new Iphone 6S na hindi na nga latest eh wala pang silbi.

"Screw that person who bought that cheap junk!" Itinuloy niyang muli ang paglalakad na para bang walang nangyari.

"Now where is that hell of a place?" Nagpalinga-linga siya. Mayroong tatlong magkaka-sangang daan ang nasa harap niya. Cemented road naman iyon in all fairness. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi niya dinala yung baby Porsche niya. Ngayon tuloy ay naglalakad siya. Medyo nananakit na rin ang mga paa niya dahil sa suot niyang wedge na 4 inches din ang taas.

Nagpalinga-linga siya sa buong paligid. Walang tao. Wala siyang pwedeng pagtanungan.

Or is what she thought ...

Mula sa malayo ay nakita niya ang isang di katangkarang babae. Tumatakbo ito na parang may tinatakasan kasi lingon ng lingon sa likuran nito. Sumasabay ang laylayan ng puting lab gown nito sa pagtakbo niya. Para tuloy itong runaway princess pero imbes na gown ay uniform at labgown ang outfit nito.

Luminga ulit si Shannen sa paligid niya. Wala nang ibang mga tao maliban sa kanya. Kaya agad siyang naglakad pasalubong doon sa babae. Huminto siya sa mismong daraanan nito saka pumigura. Nung nalingunan naman siya ng babae ay agaran itong huminto at napanganga na para bang bigla na lang na na-starstruck.

"Hey midget."

"Midget?" Tanong nung girl, tinuro pa yung sarili niya. Hindi ata makapaniwala na siya yung tinawag na midget.

"Yeah. You." Shannen rolled her eyes. Muntik na siyang mapasabi ng *STUPID* pero tinamad na siyang magsalita.

"A-Ah... andon po." Tinuro nito ang cemented road na nasa gitna. Ibig sabihin ay iyon ang daan patungong teatro.

"Hindi ka naman pala dumb." Tinalikuran na ni Shannen ang babae at umpisa nang tinahak ang gitnang daan.

Maya-maya pa'y nakita na niya ang teatro na halos kasing-laki din ng isang college building at katumbas na rin ng dalawang palapag. Napipinturahan ito ng puti at moderno ang disenyo ng istruktura.

Hindi naman siya gaanong na-amaze sa exterior nito. Napaka-rami na rin kasi niyang nakitang teatro sa States na mas nakalalamang pa rito. Pero kunsabagay, never naman talaga siyang na-amaze sa kahit na anong bagay pwera na lang sa sarili niya. Welll, sabihin na nga nating may pagka-narcissist nga siya at napakataas ng tingin sa sarili.

Huminto siya sa tapat ng malaking bulletin board sa may entrance ng teatro. May limang piraso ng papel na naka-post doon, yung apat ay wala namang kinalaman sa kanya kaya in-ignore lang niya. Yung isa nama'y medyo nakakuha ng atensyon niya kaya daglian niyang pinitas mula doon sa thumbtacks na nakabaon rito.

Tungkol sa nalalapit na play ang nakasulat doon. Naghahanap ang production team ng pianista na siyang tutugtog ng ilang mga music pieces sa play.

Matapos niyang basahin iyon ay saglit siyang lumingon sa glass door ng teatro. Ewan ba niya pero parang nangangati na ang mga paa niyang pumasok sa loob. Tingin niya'y naroroon nga sa loob ang hinahanap niya

Yung dahilan kung bakit naisipan niyang pumunta rito ng pagkaaga-aga.

Saglit siyang sumulyap sa hawak na papel bago agarang hinubad ang suot nyang wedge at pumasok na nga sa loob.

Si Mr.Hipon (at ang kanyang EPIC Lovestory)Where stories live. Discover now