Tuwing alas singko ng umaga nagsisimula ang araw ni Seb. Palagi niya itong sinisimulan sa isang mumunting dasal bago sisigaw ng isang nakaka-goodvibes na "GOOD MORNING". Usually ay dinig ito hanggang sa kapitbahay kaya nama'y biglang magtatahulan ang mga aso. Chain reaction na 'yon sa bawat aso sa kada bahay kaya't ang siste ay magigising pati ang buong baranggay. At iyon na rin ang simula ng isang magandang araw para sa kanila.
Nakatira ang pamilya ni Seb sa SUNNY VILLAGE. Isa iyong maliit na village sa lungsod ng SUNNY-SUNSHINE. Malaki ang lungsod na 'yon at palaging mainit. Bibihira lang ding umulan roon. Napaka-inam na lugar para sa mga taong medyo may pagka-active ang lifestyle pati na rin sa mga taong hilig na rumampa araw man o gabi.
Katulad ni Seb, ang ating bida sa kwentong ito.
Tila nakahiligan na niya ang pagrampa sa harap ng salamin bago lumabas ng kanyang silid. Daily routine na niya ito kung kaya't hindi kumpleto ang araw niya kung hindi niya makikita ang sariling repleksyon sa salamin.
Tulad ngayon ...
"My. My. My. Why so handsome Seb?" Muli niyang sinuklay ang buhok saka nilagyan ng wax. Inayos niya ito para magmukhang pangtanggal ng sapot- este maging spiky ang kanyang hairdo.
Pinaliit niya ang mga mata niya... kunyari chinito look. Tapos nag-pose siya ala That's-My-Bae. Kulang na lang eh, mabasag pati yung salamin.
Noong medyo kuntento na siya sa itsura niya'y lumabas na siya ng kwarto niya. Dire-diretso siya sa kusina. Nadatnan niya roon ang Ate Sab at Ate Sha niya.
"Oh bunso, gising ka na pala. Tara na't kakain na tayo." Wika ng Ate Sab niya. Naka-corporate attire na ito at ready to go na pagkatapos nilang mag-agahan.
"Aba iho. Good looking ka ata ngayon ha." Komento naman ng Ate Sha niya.
"Ate naman. Nakakasama ka talaga ng loob. Palagi naman akong good-looking ha. Diba Ate Sab?"
Um-oo na lang si Sab habang sinasalinan ng fresh milk ang mga baso nila.
"Ito naman di na mabiro. Oh inom ka na lang ng milk... pampa-pogi."
"Ate naman!" Pagmamaktol ni Seb. Ngumuso pa siya para dama yung tampo-effect.
"'Yan Sharmaine. Sige lang, asarin mo pa yang kapatid mo."
"Hihihi. Mami-miss ko rin kasi 'yan. Isang linggo din akong mawawala noh."
Pero tama bang asarin ako?? Tanong ni Seb sa isipan niya habang iniisang lagok yung fresh milk.
"San punta mo?"
"Uuwi ako sa probinsiya." Naka-ngiting wika nito. Ganun-ganun naman lagi ang tema nitong si Sharmaine. Ura-urada kung mag-desisyon at mahilig sa surprise announcements.
"Uy sama ako Ate."
"Hindi pwede." At ura-urada din ito kung tumanggi.
"Andasya :3."
Ang totoo niyan ay hindi sila orihinal na taga-Sunny Sunshine. Taga-Bicol sila ngunit mas pinili nilang manirahan dito kesa sa bukirin. Narito kasi sa syudad ang trabaho ng kanyang dalawang Ate at siya naman ay dito rin nag-aaral. Ang kanilang magulang ay nagpaiwan roon dahil meron silang isang ektaryang bukirin, pala-isdaan at koprahang pagmamay-ari doon.
Maybe it wasn't the life the three of then chose. Noon pa man ay sinabi na nilang "monotonous" ang buhay sa bukirin. You wake up each day doing the same routine again and again. It was boring. But their parents find contentment there. Kaya hindi na rin sila nag-reklamo kung mas pinili ng mga ito na magpa-iwan doon. Ang siste ay dumadalaw-dalaw na lang sila kapag may oras o kaya nama'y ang magulang nila ang lumuluwas.
YOU ARE READING
Si Mr.Hipon (at ang kanyang EPIC Lovestory)
Novela JuvenilSi Seb, isang lalaking hindi gaanong (?) nabiyayaan ng looks pero nag-uumapaw naman sa self-confidence. Carried na ika nga, ngunit alam niyang hindi pa rin iyon sasapat hangga't hindi pa niya napapatunayan na siya nga ang pinaka-pogi sa buong galaxy...